Chapter 18: When Everybody Hurts

785 52 7
                                    

Nicolo POV

Volleyball is my life. Given man ang fact that I became interested to the game because of the person who I thought to be great man, but I become more interested of the game it self. Ang volleyball para sakin ay isang puzzle. Parang palaisipan na kailangan ng matinding diskarte. I grew up watching the game, live man or replay. I became a fan of great setters in the world. Playing as setter make me feel important. It make me feel acknowledge. It seems hawak mo ang mundo kapag naglalaro ka nito. Kaya naman I always give my best and make sure to win it.

"That was a good game, Nico!" Napangiti ako nang makilala ko kung sino ang nagsalita.

"Sir Tai! You watched?" Bulalas ko.

Sir Tai is the VP for Marketing of the company which I play for. They are one of the leading sports apparel and shoe company globally.

"Francis told me about the game. Since you requested some things, I decided to deliver it to you personally." Masayang sagot nito. Ginulo pa nito ang buhok ko. Nagmake face nalang ako sa kanya.

Sir Tai and Coach Kiko are best friends. They play together way back on their high school years. They also played in international level.

"If I know, you are just scouting new players for the team." Biro ko sa kanya. Natawa na lamang siya dahil doon.

Pinakilala ko isa isa ang mga kateam ko. Well gustohin ko man ay nasa kabilang banda ang mga seniors kasama yung ilang women including the ex. Bat ba hindi pa umaalis ang gaga? Si Gweneth kasi nagpaalam na aalis na nang matapos ang game.

Well, hindi ko na problema siguro yun.

Iniwan ko munang kinakausap ni Sir Tai sina Harvey at Sam. Todo puri nga si Sir sa dalawa. Nagbihis muna ako dahil feeling ko naliligo na ako sa pawis. Mabilis akong nagshower sa locker room at nagready. Buti nalang at wash day ngayon kaya forma mode ako.

Natapos din ako sa wakas nang biglang pumasok ang mga natalong senior. Si Xander ang unang pumasok. Tahimik lang ito at bakas sa mukha ang lungkot. Natigil ito nang makita akong nakatingin sa kangya. Lihim kong kinapa ang dibdib ko. Ganun pa din naman ang kabog nito sa tuwing nakikita ko siya. Pero bakit pakiramdam ko ay may roong iba? Bakit pakiramdam ko subrang layo niya kahit na halos dalawang metro lang ang layo namin sa isa't isa.

Nagsipuntahan na ang mga kasamahan niya sa  kanya kanya nilang mga locker, maliban Kay Xander. Nakatayo  lang ito doon. Ni walang ppumansin sa akin malibang kay kuya Jim na feeling ko ay nag-iisang senior na walang galit sa akin. Awkwardness conquer the room. Kung sinuswete ka nga naman.

Nagmadali akong ayusin ang gamit ko.  Nakaka-suffocate ang ambience dito. Nang maiayos ko ang gamit ko ay agad akong tumayo at kumilos.

"You always want to prove a point don't you?" Wika nito nang lalampasan ko na siya. Napatigil ako sa paglalakad. Anu ba gusto niyang sabihin?

"Is that what you think?" Sagot ko nang hindi lumilingon sa kanya. "Naisip mo man lang ba, ah teka palitan natin, naisip nyo man lang ba na sadyang ginalingan lang talaga namin at nagpabaya kayo?" Sa puntong ito ay lumingon na ako sa kanya. Naka tingin na pala siya sa akin.

"We are so called team seniors kayo juniors nyo kami, but the moment you see as rise above, the first thing you do is to assume that we are just showing off? Naiisip nyo ba kung bakit nangyari yung kanina? Natalo kayo, accept that fact! Lower your ground and face us, your juniors, and be proud to what we accomplished because we deserve that, especially for you, captain."

Lumapit si kuya Jim sa akin at binulungan akong wag ko na lang munang patulan si Xander.

"For what its worth, that was a nice game. Just remember, hindi mo maipapanalo ang laban when you trust is only at the half of the crew." Ngumiti ako kay kuya Jim at dimeretso na palabas.

SET: Anger & Love (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon