SET 10

936 46 8
                                    

Nicolo POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nicolo POV

Tahimik ang buong coaster bus. Hindi ako alam kung matutuwa o maiinis ako ngayon dahil pansin ko naman na may gusto silang sabihin pero tila mas nakuntento na lamang sila sa pagnakaw ng sulyap sa akin maging si Harvey at si Sam.

Pinili ko nalamang umupo mag-isa. Wala naman akong magagawa dahil nangyari na ang nangyari. Hindi ko din naman maibubuhos ang sisi sa taong nakaupo ding mag-isa ilang upuan ang layo sa akin. Partly ay may contribution din ako sa nangyari because I responded to that kiss. I didn't see that coming yet somehow it feels good. Katunayan ay nararamdaman ko pa ang halik niya sa bibig ko.

Ibinaling ko na lamang sa labas ng bintana ang atensyon ko.

Ilang sadali pa ay nakarating din kami sa hotel na tinutuloyan namin. Gaya kanina ay bumaba lang silang lahat ng hindi nag sasalita. Anu na pipi na? Letsugas naman.

Ako ang huling bumaba sa coaster. Ni walang lumingon o nagtapon man lang ng tingin sa akin. I feel strange. At ayaw ko ng ganitong pakiramdam.

Sa totoo lang ay hindi ko talaga inaasahan ang biglang paghalik ni Xander. Ngunit nang lumapat na ang labi niya sa labi ko ay walang nagawa ang sarili ko kundi tumugon. Paliramdam ko ay may mga fireworks display na nagaganap. May kung anu sa loob kong nagdiriwang na hindi ko mawari. Lahat ng pangamba at issue ko sa lahat ay dagling nawala sa isip ko. Yun lamang. Yun lamang halik ang konsentrasyon ko. Hanggang ngayon ay dama ko pa din ang labi ni Xander sa labi ko.

Pagkababa ko ng coaster ay natigilan ako ng mapansing napakadaming tao sa paligid. Mostly sa kanila mga fans at media. Naroroon ang mga kasamahan ko at nakikipaghalubilo ngunit bakas sa mga mukha nila ang pagkabigla.

Masyado atang abala ang lahat at di nila akong napansing bumaba. Buti na lamang at madala akong cap at glasses sa bag. Kaya bumalik muna ako sa loob ng coaster at inayos ang sarili ko. Hindi na nila ako makikilala nito nakapagpalit na din naman ako ng damit.

Gaya nga ng inaasahan ay patuloy pa din ang lahat sa kanikanilang ginagawa kaya naman nagpatuloy ako sa paglalakad papasok ng hotel. Pinili kong dumaan sa gilid upang hindi makakuha ng attention.

Successful naman ang kinalabasan dahil nakapasok ako ng lobby ng walang kahirap hirap. Pagdating sa front desk ay kinuha ko ang susi. Sumenyas pa ako ng wag maingay sa receptionist dahil mukhang nakilala ns niya ako. Well makikilala talaga ako dahil kailangan komg magpresent ng identification to get the key. Bisit!!!

Nang maibigay sa akin ang key card ay agad akong umakyat sa room. Pagpasok ay agad akong napaupo sa higaan. Awkwardness ang bumabalot sa paligid. Minabuti ko na lamang maligo upang mawash out ang anu mang nararamdaman ko sa araw na ito.

Tamang-tama na nakabihis na ako ng bumukas ang pinto at iniluwa papasok ang tatlong kasama ko. As usual ay natahik nanaman sila nang makita nila ako. Here comes awkwardness again and I can't really stand this any more. Kaya agad kong dinampot ang telephono sa side tabi. I dial the front desk.

SET: Anger & Love (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon