SET 5

1K 46 15
                                    

Nicolo POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nicolo POV

Alas 5 ng umaga palang ay nasa harap na kami ni Harvey ng school. Dito daw kami sa main gate magkikita kita. 7am ang flight namin papuntanf Palawan. Dapat daw agahan para iwas traffic papuntang airport.

Kahapon ay tumawag si mama upang sabihing dinagdagan nya ang allowance ko para may pangastos ako sa El Nido. Nagtaka pa nga ako kung paano niya nalaman nang huli ay naisip kong si coach Kiko malamang ang nagsabi.

Maya maya pa ay dumating sina Samuel, kasama sina Renzo at Eugine (Sebastian and Castillo). Sumunod na dumating si Wendel (Espin) kasama ang iba pang baguhan.

"Where are the seniors?" Tanong ni Sam. As usual british accent si kuya kaya dudugo ata yung tenga ko.

"Well, they suppose to here already. Even coach Kiko is not here yet." Sagot ko. Lumapit naman ito sa akin at kinuha ang body bag na dala ko. Doon ko lang na pansin na naka mini luggage bag ang dala niya. At take note ang gwapo niya sa suot niyang blue polo shirt na may white accent at white walking short. Tinernuhan pa niya iyon ng slip on blue shoes.

"You don't need to bring this for me. I can manage to bring this." Bulong ko sa kanya. Masyado kasing nakakahiya na siya pa magdadala ng gamit ko.

"Nah, I insist." Wala din akong nagawa sa huli. "By the way, you are really cute on your outfit." Napatingin ako sa kanya. Ngingisi ngisi lang siya sa akin. Napailing na lamang ako.

Hindi naman ganun ka head turner ang suot ko. Simpleng yellow polo shirt na may mga bright collor accent sa gilid. Gray Nike short at gray slip on designer shoes. Anung ikina-cute ko dito.

"Ang aga-aga may mga langgam sa paligid oh." Heto na at nagsimula nang manukso si Harvey.

Pero to set things right, straight po si Sam. Katunayan ay may girl friend ito na madalas niyang kausap sa phone. Sweet lang talaga si Sam at hindi judgemental na tao. Naaalala lang niya kapatid niya sa akin.

Ilang saglit pa ay bumukas ang gate ng school at lumabas ang school bus. Huminto ito sa harap namin. Iniluwa nito si coach Kiko.

"Good morning! Ready na ba kayo?" Masiglang tanong ni coach.

"YES!!!" Sigaw naming lahat.

"Sakay na kayo." Napalingon ako sa nagsalita. Its no other than the most handsome chinito I ever seen. Xander Lim. He is wearing a black fitted sando with white lining pair with white short and black converse shoes.

Agad namang nagsiakyatan ang mga kasamahan namin. Nasa loob na din pala ang mga seniors.

Huling umakyat ay ako at si Sam. The usual ay inulan nanaman kami nang tukso.

Nagtama ang mga mata namin ni Xander. May kung anu sa mata nito na di ko mawari kaya nginitian ko na lamang siya. At dumeretso sa bakanteng upuan. Sumunod naman si Sam sa inupuan ko at tumabi sa akin.

SET: Anger & Love (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon