Chapter 14: Trust & Betrayal

843 36 4
                                    

Nicolo POV

Muli kong hinampas ng malakas ang bola pabalik sa dingding. Sa mga panahong gusto ko magrelease ng stress ay walling ang mabisang solution para sa akin.

Five AM pa lang ay nandito na ako kahit sinabing seven AM ang call time. Wala eh, sadyang masyado akong apektado. Ayaw ko man aminin.

Harvey is a great friend. Wala akong masasabi doon. Hindi man ako showy na tao alam ko sa sarili kong pinakita ko na kaibigan ako sa kanya. Sabihin mang tupakin ako.

Una kong nakilala siya noong Elementary ako. Pinagtutulungan siyang tuksuin ng mga bully sa school. Umawat ako at pinagbantaan ang mga bully. Takot lang nila sa akin. Promise dati pa akong Leon kung maggalit. Mula noon lagi ko na siyang kasama. Ako din ang nagconvince sa kanyang sumali sa volleyball team.

Sabihin mang malayo ang agwat ng pamumuhay meron kaming dalawa ay hindi ko binigyan pansin. I always make sure na kasama niya ako kahit nga dumating si Brett sa buhay namin .

Si Harvey ang dahilan kung bakit nilayo ko ang loob ko kay Brett. Dati kasi ay lagi kong sinasabayan ang kaswetan ni Brett. Na issue na may romantic relationship kami ay nginitian ko lang yun. Hanggang sa may bagay akong natuklasan. Simula noon ay sinubukan kong umiwas kay Brett. Kahit na masakit tiniis ko hanggang sa masanay na ako at nagfocus na lang sa volleyball.

"Hi, kanina ka pa?" Natigilan ako sa paghahampas ng bola at nilingon ang nagsalita. It was Sam with his funny accent. He is wearing his practice jersey and short yet nakamedyas lang ito with sleepers.

"Medyo." Tipid kong sagot. Bumalik ako sa ginagawa ko at hinayaan ko muna siyang mag ayos.

"Hey, Nico did you run already?" Napaisip ako sa itinanong niya. Hindi pa pala ako nagwa-warm-up. Tumigil na lang ako sa ginagawa ko at nagdisisyong sumabay kay Sam since mukhang wala pa kasi si Xander.

"Ok team, water break muna after that groupings tayo." Sigaw ni coach Kiko. Katatapos lang ng warm up exercise namin.

"Babe, are you ok?" Si Xander. Halatang napansin akong wala sa kondisyon. "I heard yung nangyari kahapon."

As expected, hindi maitatago ang nangyari kahapon. Nasa public area kami. Hindi ko sure kung pinag-usapan din ito sa social media world since I put my phone on airplane mode. Buti nga hindi demanding itong isang ito. Hindi rin ito needy.

Ngumiti lang ako bilang tugon. Tinitigan lang naman niya ako na tila naghihintay ng tugon ko.

"Sorry, Babe ayoko munang pag-usapan." Knowing him, hindi niya ako titigilan.

Thankfully ay di rin ako pinilit nito. Inilapit nalamang niya ang ulo ko sa ulo niya at hinalikan ako sa noo. Buti walang nakapansin. Mahirap na din kasi.

Tahimik lang ang lahat habang nagpapahinga. Walang gustong magsalita. Kala mo may lamay ang dating.

"Sorry coach I'm late!" Hingal na wika ng taong ayaw ko sanang makita. "Ngayon lang po ako na inform na ngayon ang practice." Napaismid nalang ako. Gagawa lang ng palusot e yung obvious pang gawa gawa. Gusto ko tuloy siyang paglamayan. Hahaha.

Naramdaman kong lumapit si Xander sa tabi ko at bumulong.

"Take it easy on him, ok." As expected sa team captain.

Nakita kong masinsinang kinausap ni coach Kiko ang taong yun. Ramdam ko naman ang mga matang biglang tingin sa akin.

"Let's buy something to drink." Pag-aya ni Sam sa akin. Nakaramdam siguro. Ako naman ay pumayag na din nang makalayo.

Tahimik lang kaming naglakad patungong canteen. Buti at bukas na ang ibang kiosk doon.

"So, what happened?" Biglang tanong ni Sam.

SET: Anger & Love (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon