PROLOGUE

995 14 4
                                    

"Please Sir papasukin niyo na po ako..." halos maglumuhod na si Ruthie sa mga guard sa St. William College kung saan siya pumapasok bilang freshman sa kursong Bachelor of Science in Commerce major in Marketing. Ngayon ang final examination nila sa PE II subject. Bukod pa sa late na siya ay pihadong galit na galit na ang kanyang mga ka-grupo sa kanilang dance test.

"Hindi mo ba nababasa ang nakasulat dito..." nakukulitan na siguro ang guard kaya inis na ito sa kanya. Kanina pa kasi niya ito kinukulit. "No ID, No Uniform, No Entry. Hindi ka naka-uniform kaya pasensya na. Trabaho lang walang personalan." Istriktong sabi nito.

Agad niyang pinasadahan ang kanyang suot. Round neck white blouse na maraming raffles at maluwang ang laylayan, fitted na black slacks, at three inches sandals. Iyon ang napag-usapan nila ng mga kaibigan na isusuot sa swing na sasayawin nila para sa dance exam.

Grrr... Okay fine! Kasalanan niya kung bakit siya problemado ngayon. Pasaway naman kasi siya! Naku! Paano na kaya ang mga kaibigan niya? Sumayaw kaya ang mga ito kahit wala siya?

"Sir naman kasi, ito lang ang subject ko ngayong araw. Alangang mag-uniform pa ako para lang makapasok pagkatapos magbibihis para sa loob para sa dance test ko. Sige na po, minsan lang naman..." desperada na talaga siya. Ayaw niyang mabagsak sa PE! My gosh!

"Hindi pwede. Kapag pinapasok kita, magrereklamo ang mga iyan." Matigas na sabi nito sabay turo sa mga katulad niyang estudyante na hindi naka-uniform gaya niya.

Nanghihinang napaupo siya sa mga upuan malapit sa kanilang gate. Thirty minutes siyang late kanina tapos twenty minutes na siyang nasa kinauupuan ngayon. Sila pa naman ang unang sasayaw kaya siguradong tapos na ang mga kasama. Kung bakit ba naman kasi naiwan niya ang kanyang cellphone. Ang malas naman niya. Keri kaya niyang magsayaw ng swing na solo? Hindi niya ma-imagine ang sarili. Magmumukha siyang timang!

Paano kaya siya makakapasok? Wala naman siyang pwedeng akyatan na bakod. Saka sa hitsura niya, hindi niya makakayang umakyat na parang magnanakaw.

"Gosh! Ang malas ko talaga!" naiinis na sabi niya sa sarili. Kung hindi ba naman kasi siya super duper tanga at hindi nag-uniform. Hindi naman kasi niya alam na magkakaroon ng ganitong problema kung hindi lang siya pinagbawalan ng kanyang ama na mag-drive. Umuwi kasi sa pamilya nito ang kanyang personal driver. Nakakapasok naman siya sa school kahit hindi naka-uniform, kapag kasi may sasakyan ay hindi na sinisita ng mga bias na guards nila sa school.

Nanlulumong pinagmasdan niya ang sarili. Tulala lang siya doon habang nag-iisip ng paraan para kahit papaano ay makahabol sa kanyang exam ng may marinig siyang tumawag sa kanyang pangalan.

"Ruthie! Kanina ka pa namin hinihintay!" galit na sabi ni Pearl sa kanya. Palabas ang mga ito sa gate. Agad na sumang-ayon ang tatlo pa niyang kaibigan - sina She, Mj at Ane - na kasama nitong lumabas.

"Sorry guys, ayaw akong papasukin ni Sir." Turo niya sa guard. "Hindi daw ako naka-uniform." Nakalabing sabi niya. "Tapos na ba lahat ng grupo?" tanong niya.

"May isa pang grupo. Tapos na kami. Sinabi namin kay Ma'am na pakihintay ka..." hindi na galit na sabi ni She sa kanya.

"Paano kaya ako makakapasok?" desperadang tanong niya sa mga kaibigan.

Iniabot sa kanya ni Mj ang paper bag na hawak nito. "Isuot mo iyan..." nakangiting sabi nito.

"Alam kasi namin na hindi ka naman nag-uniform kaya hindi ka pinapasok." Natatawang sabi naman ni Ane.

"Salamat guys..." sobrang swerte niya dahil nagkaroon siya ng mga mababait ng kaibigan.

"Hala isuot mo na iyan, mauna na kami sa loob para kausapin si Ma'am..." sabi ni Pearl at hinila na si Mj papasok sa school. Naiwan sila nina She at Ane.

A Dance to Remember (Published under Lifebooks) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon