this chapter is dedicated to mayceb!thank you for reading!
"Ruthie!" tumuwid ang pagkakatayo niya nang marinig niya ang tinig ni Izon. Halos isang linggo na ang nakakaraan mula noong natalo siya nito. At magmula noong nagkausap sila pagkatapos noon ay lagi na silang magkasama. "Kumain ka na ba?" nakangiting tanong nito nang makalapit sa kanya.
"Hindi pa nga eh." Nakabaling turan niya. "Ang higpit kasi ng boss ko, ang daming pinagagawa..." dagdag pa niya.
"Sobra ka naman..." nagkakamot ng ulong kontra nito sa kanyang sinasabi. "Lunch tayo, my treat."
"Ano iyon bayad?"
"Pwede din," iiling-iling na sagot nito.
"Okay." Nakangiti nang sang-ayon niya.
Kung iisipin, magaan talaga ang loob niya dito simula pa noong college sila. Lagi niya itong nakikitang mag-isa sa isang sulok at nag-aaral. Nerd nga ang tawag ng mga kaibigan niya dito. Bukod kasi sa mahilig itong magbasa ng libro ay bihira mo lang itong makitang makipag-usap kahit pa mga klasmeyts nila. Pero hindi iyon nakabawas sa mga magagandang katangian nito. Sa tingin niya eh mas lalo pa iyong nakadagdag.
Minsan nga noong may tinanong siya dito tungkol sa assignments nila sa major subject nila, hindi siya nag-alangan na lapitan ito. Nagulat nga siya noong ngitian siya nito. Noon lang niya ito nakitang ngumiti nang ganoon. Kitang-kita ang saya sa mga mata nito. Ewan niya kung saan nanggaling ang galak niya na kanya nakaukol ang mga ngiti nito noong mga sandaling iyon.
Napahinto sa paglalakad si Izon nang mahagilap niya ng tingin si Ruthie na tumitingin-tingin sa mga display sa isang sikat ng shoe shop. Sumaglit lang siya sa mall na iyon pagkatapos siyang tawagan ng kanyang kapatid na si Jeanne. May pinabibili kasi ito sa kanya na kailangan nito sa school.
Hindi siya napansin si Ruthie. Tatawagin na sana niya ito nang mapansing tutok na tutok ang pansin nito sa sapatos na hawak nito. Maganda. Mahilig ito sa sapatos. Halata naman iyon simula pa lang dahil malimit nitong iulit ang mga sapatos na naisuot na nito. Pwera na lang siguro sa mga gusto talaga nito. Sa limang magkakaibigan, ito ang mahilig sa mga matataas ang takong kahit na pangalawa ito sa pinakamatangkad sa kanila.
Nang muli niya itong tignan ay malungkot nitong ibinaba ang sapatos at naglakad na palabas ng shop na iyon. Balak niya sana itong sundan dahil mukhang malungkot ito pero nang mapatingin siya sa sapatos na hawak-hawak nito kanina ay nagpasya siya.
Nang lumabas siya sa shop na iyon ay pailing-iling pa siya. Hindi siya makapaniwalang gumagastos ang mga babae ng ganoon kalaking halaga para lang sa isang sapatos. Iyong mga kakilala niya ay ginagamit nila ang mga iyon sa pagpapasikat. Pero sa pagkakakilala niya kina Ruthie, parang pangkaraniwan na sa kanila iyon. At duda siyang pangpasikat lang ang mga sapatos dahil kahit ano naman kasi ang isuot nila at pansinin ang mga ito, sa hitsura pa lang ay sulit na.
"Izon, what a coinsidence!" nagulat pa siya nang tawagin siya ni Liza, nakangiting na itong naglalakad palapit sa kanya. Magkaibigan ang ama niya at ang ama nito. Nagtatrabaho din ito sa Mademoiselle, sa Design Department na pinamumunuan ni Pearl. "Sinong kasama mo?"
"Wala," tipid na sagot niya. Magmula noong ipakilala siya ng kanyang ama dito ay lagi na itong lumalapit sa kanya. Ayaw naman niyang bigyan ng malisya ang mga motibo nito pero naiilang siya tuwing kinakausap siya nito.
"Really? Kita mo nga naman kapag sinuswerte ka." Natutuwang sabi nito. "Kung ganoon pwede ba akong samahan?" nang-aakit na humawak ito swa kanyang braso, sadyang inilapit ang mayamang hinaharap nito.
"May gagawin pa ako sa opisina, sorry." Tanggi niya dito. Naglakad na siya palayo dito nang pigilan nito ang isa niyang kamay na may hawak sa binila niya. Halos lumuwa ang mata nito nang mabasa ang tatak na nakalagay sa paper bag.
BINABASA MO ANG
A Dance to Remember (Published under Lifebooks)
RomanceMatalo. Wala ito sa vocabulary ni Ruthie. Until she met Izon, ang kaisa-isang lalaking tumalo sa kanya. Pero ang nakakatawa, she shared an unforgettable dance with him. She realized that losing is not as bad as she thinks. Marami siyang napulot na a...