Thank you reads at likes! Sorry sa late na update. Kararating ko lang kasi sa sg. Enjoy reading po...
**************************
Lumipas ang mga araw na masaya sa pagitan nina Izon at Ruthie. Lagi silang magkasama. Lagi ring nakikisalo sa hapunan si Izon sa bahay nila, ganoon din siya sa bahay ng mga ito. Natutuwa ang mga pamilya nila na maayos ang takbo ng relasyon nilang dalawa.
Gaya ng dati ay maaliwalas ang mukhang pumasok si Ruthie sa kanyang opisina. Kahit marami siyang trabaho ay hindi niya masyadong iniinda. Lalo na kapag sa mga abalang oras niya ay lagi si Izon sa tabi niya. Magkatulong silang nag-aayos ng mga dapat gawin para sa kompanya.
Pero sa araw na iyon ay kinaiinipan niya ang bawat minutong nagdaraan. Sabado kasi ngayon at may plano sila ni Izon na magbakasyon sa Subic bukas. Halos hilahin ni Ruthie ang oras para lang makauwi na. Dahil kasi sa sobrang dami ng ginawa nila ngayong linggo ay hindi pa niya naihahanda ang mga dadalhin niya bukas. Ayaw naman niyang magpaalam para maagang makauwi, nakakahiya.
Naiinip na binasa niya ang madaming report na nakapatong sa kanyang mesa. Doon muna niya ibinuhos ang kanyang pansin para hindi niya masyadong maisip ang oras.
Abala siya sa pagbabasa nang tumunog ang kanyang cellphone na nasa tabi ng mga report na binabasa niya. Agad niyang binasa ang text message na natanggap niya.
Three hours to go... galing kay Izon ang mensahe.
Mukhang gaya niya ay naiinip din ito. Halos isang buwan na kasi sila pero ngayon lang sila lalabas ng Manila na magkasama.
Tagal pa. Matipid na reply niya.
Totoo nga ang kasabihan, na kapag tingin ka ng tingin sa orasan ay mas lalong bumabagal ang takbo nito.
Hindi na ito sumagot, marahil gaya niya ay inaabala din nito ang sarili para huwag masyadong mainip. Buti a lang may mga report siyang dapat basahin. Kahit pa sa lunes pa niya kailangan ang mga iyon ay hindi na siya nagdalawang-isip na simulan na ito ngayon.
Nakakatatlong report na siya ng muling tumunog ang cellphone niya. Nangingiting binasa niya ang text message ni Izon.
Two hours to go...
Kunut-noong tinignan niya ang orasan. Nagulat pa siya nang mapatunayan na malapit nang mag-alas singko. Nakangiting nagtipa siya ng text para dito.
Malapit na. Ipinadala niya ito at itinuon ulit ang pansin sa binabasa.
Nagreply ito agad. May ginagawa ka pa ba?
Binabasa ko iyong mga report na kakailanganin sa lunes, nakakatatlo na ako. Bakit? Nagulat pa siya nang tumawag ito pagkatapos niyang i-send ang reply niya dito.
"Bakit?" nagtatakang tanong niya agad dito pagkasagot sa tawag nito.
"Madami pa iyan?" naiinip na sagot nito.
"Tatapusin ko na lang itong isa. Bakit ba?" nagtataka na talaga siya dito.
"Uwi na tayo." Naglalambing na sabi nito.
"Hindi pwede. Hindi pa oras ng uwian." Tanggi niya.
Dinig na dinig pa niya ang malakas na buntung-hininga ito.
"Pupunta ako diyan." Sabi nito bago pinutol ang tawag nito.
Napapailing na ibinalik niya ang pansin sa binabasa. Pero kung kanina ay nakabuhos doon lahat ng atensiyon niya, nagun ay hati na. Pasulyap-sulyap kasi siya sa pinto, hinihintay si Izon na bumungad doon.
![](https://img.wattpad.com/cover/128738257-288-k610081.jpg)
BINABASA MO ANG
A Dance to Remember (Published under Lifebooks)
RomanceMatalo. Wala ito sa vocabulary ni Ruthie. Until she met Izon, ang kaisa-isang lalaking tumalo sa kanya. Pero ang nakakatawa, she shared an unforgettable dance with him. She realized that losing is not as bad as she thinks. Marami siyang napulot na a...