CHAPTER TEN

175 5 0
                                    


"Kami na ulit!" iyon ang laging sinasabi ni Izon sa mga nakakasalubong nila sabay hapit sa kanya palapit dito. Iyon ang unang pasok nila sa opisina pagkagaling sa Macau kaya naman excited na nagbabalita ang katabi sa mga kasamahan nila sa trabaho. Para na rin nitong inulit ang pinagsisigaw nito noon sa Macau sa ginagawa nito dahil lahat ng makita at makasalubong nila ay binabati nito at ipinapaalam na okay na sila.

"Congratulations po Sir, Ma'am..." magalang na bati sa kanila ng kanyang secretary pagkarating nila sa tapat ng kanyang opisina.

"Masaya po kami para sa inyo..." bati naman ng ilan pang empleyado na naroon.

"Maraming salamat sa inyo..." nakangiti naman niyang sagot sa mga ito. Kung natutuwa ang mga ito sa pagkakabalikan nila ni Izon ay mas malaking tuwa ang nararamdaman nila ngayon ng kasintahan niya.

"Salamat din sa mga tulong ninyo noong hindi ako kinikibo nitong mahal ko..." natatawang pasasalamat naman ni Izon sa mga nakapaligid sa kanila. Agad na nagsitawanan ang ilan pagkaalala sa mga panahon na hindi sila okay ng lalaki.

"Sana hindi na po iyon maulit Sir!" sambit ng kanyang secretary na agad namang sinegundahan ng lahat.

"Hindi na talaga iyon mauulit dahil hindi ko hahayaan." Agad na sabi ni Izon, bakas ang kaseryosohan sa boses at mukha nito.

"I don't think so..." nagulat pa sila nang may magsalita sa kanilang likuran. Agad na sumalubong sa kanila ang matatalim na mata ni Liza.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Izon.

Sasabat sana siya pero nadala na siya dahil noong huli silang nag-usap nito ay nasaktan lang siya sa mga narinig niya mula dito. Iyon ang ayaw na niyang mangyari.

"Bakit kaya ang mga magagaling na tao ay nabobobo pagdating sa pag-ibig?" umiiling na sabi nito. Hindi nito sinagot ang tanong ni Izon pero makahulugan ang mga binitiwan nitong salita.

"Ano bang pinagsasabi mo?" naguguluhan nang sabi ni Izon.

"Pwede ba kung wala kang masasabing matino-tino ay umalis ka na sa harapan namin. Hindi mo ba napapansin na ikaw lang ang bitter ngayon sa pagkakabalikan namin ni Izon." Matapang na sabi niya dito. Hindi na niya napigilan ang sarili. Galit pa rin siya dito.

"Bakit mo ako pinapaalis?" nakapameywang na lumapit ito sa kanila ni Izon. "Ayaw mo bang marinig ni Izon ang mga plano mo?" nakataas-kilay pa na tanong nito.

"Anong plano ang pinagsasabi mo? Gagawa ka naman ba ng kwento para magalit ako kay Izon o siya sa akin?" palabang sabi niya. "Walang maniniwala sa iyo," naghahamong sabi niya dito.

"Bakit hindi nating subukan kung sino ang paniniwalaan sa ating dalawa?" kompiyansang sabi nito.

Hindi niya alam kung ano ang nasa isip nito at kung ano ang plano nito pero hindi niya ito uurungan. Kahit hindi nila napag-usapan ni Izon ang issue tungkol dito at kay Liza ay naniniwala siyang walang namamagitan sa mga ito, lalo't hindi magkasabwat ang dalawa dahil nakikita din naman niya sa mga mata ni Izon na hindi niya kailanman pinagtuunan ng pansin ang babaeng nasa harap nila ngayon.

"Bring it on," taas-noong sabi niya. If Liza is confident that everybody will believe in her, mas lalo na siya. Ang paniniwala lang naman ni Izon ang mahalaga sa kanya. And she is more confident that Izon will believe her, not Liza.

"Ano bang pinagtatalunan ninyo?" naguguluhang tanog ni Izon.

"Alam mo Izon, naaawa ako sa iyo..." ito naman ang hinarap ni Liza. Umiiling-iling pa ito na tila matindi ang panghihinayang.

"Bakit mo naman nasabi iyan?" hinawi siya nito papunta sa likod nito, as if he was protecting her from Liza.

"Akala ko ba kilalang-kilala mo na si Ruthie? Eh bakit hindi mo man lang maisip kung ano talaga ang tunay na dahilan niya kung bakit siya nakipagbalikan sa iyo..." sabi ni Liza.

A Dance to Remember (Published under Lifebooks) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon