This chapter is dedicated to all aw_guild members.
Pigil hiningang pumikit si Ruthie. Pilit pa ring inilalayo sa mukha kay Izon. Natatakot siya. Ayaw man niyang aminin pero natatakot siya. She'd been kissed before but never felt afraid about it. Hindi niya alam kung ano ang mayroon sa lalaking kasama niya ngayon at natatakot siya ng ganito. Hindi dahil sa sasaktan siya nito. Kundi dahil sa maaaring ibunga ng pagkakalapit niya dito.
Minsan na niyang narasan ito. Noong nagsayaw sila ni Izon noong college. Ganoon pa din ang mga hawak nito. Ang kaibahan lang, it is more intense now. Kinakabahan siya. Hindi niya alam kung ano dapat ang maramdaman. Hindi niya alam kung saan nanggagaling ang takot na nararamadaman.
Bigla siyang napadilat ng pagkatapos ng ilang salit ay tumawa ito ng napakalakas. "Why you!" galit na bulyaw niya dito sabay palo sa mga kamay nitong nakahawak sa kanya.
Agad naman itong lumayo sa kanya at bumaba ng sasakyan. Tinampal niya ang kamay na inialok nito ng pagbuksan siya nito. Nang makababa ay pinalo niya ito dahil sa sobrang inis. Hindi niya napansin na nasa harap na pala sila ng isang restaurant.
"Bakit ayaw mong tanggapin ang kamay ko?" he teased.
"You conceited beast!" galit na sabi niya dito.
"Bakit ka nagagalit sa akin?" nang-aasar na tanong nito.
"After you have done, may gana ka pang magtanong?" matalim ang mga matang balik-tanong niya.
"Wala lang. Sinabi mo kasi na hindi mo ako hahayaang halikan ka. Pero kanina pumikit ka lang eh. Hindi mo naman ako pinigilan." Nakangiting sagot nito.
Pinaikot niya ang mga mata at pinamaywangan ito. "As if naman may laban ako sa iyo! Nakakinis ka talaga." Gigil na gigil na sabi niya dito walang pakialam kahit na pinagtitinginan na sila ng mga tao sa labas.
"Sorry." Sabi nito pero halata na hindi ito nagsisisi sa ginawa kanina. Pilyo kasi ang mga ngiti nito. "Kumain kaya muna tayo bago natin pag-usapan ang lahat ng matapos na?" pag-iiba nito sa usapan.
Tatanggi sana siya pero nauna ng nagsalita ang tiyan niya. "Allright." Wala siyang ibang choice kundi pumayag na kumain kasama ito. Nakakahiya naman kung uuwi pa siya. Bukod pa sa wala siyang pamasahe, gutom na talaga siya.
Nakangiting iginaya na siya nito papasok sa restaurant.
"Ruthie, okay ka lang ba talaga?" seryosong tanong ni Izon nang tapos na silang kumain. Nasa sasakyan na sila pero ayaw pa rin niya itong iuwi hangga't hindi sila nag-uusap tungkol sa nangyari kahapon sa opisina.
"Magsisinungaling ako kung sasabihin kung okay lang ako." Malungkot na sagot nito.
"Pwede ba nating pag-usapan?"
"You won't take no for an answer." Mapaklang tumawa ito.
"Yes I am. Pero tumatanggap din ako ng 'not yet'." Mataman niya itong tinignan. Gusto niya kapag pag-uusapan nila iyon ay hindi ito napipilitan para maganda ang magiging kalabasan.
"Thank you. Pero sa tingin ko kailangan nga natin itong pag-usapan. Magkakatrabaho tayo in the near future."
"Are you sure?" naniniguradong tanong niya.
Tumango lang ito at pilit ngumiti. Alam niya mahirap ang pinagdadaanan nito ngayon pero handa siyang damayan ito. Walang imik sila habang nasa daan. Inakakayan niya itong bumaba nang makarating na sila sa parke. Buti na lang at wala pa masyadong tao kaya makakapag-usap sila ng maayos.
"Sorry." Simula niya. "Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin para-"
"Wala kang kasalanan." Putol nito sa sinasabi niya. "Nakita ko din ang gulat sa mukha mo noong marinig mo ang boto ng Dad ko. Alam mo ba, gustung-gusto kong manalo. Hindi lang dahil sa posisyon sa kompanya kundi dahil gusto kong patunayan sa iyo na kaya kitang talunin. Ipinangako ko iyan sa iyo noong una mo akong tinalo."

BINABASA MO ANG
A Dance to Remember (Published under Lifebooks)
RomanceMatalo. Wala ito sa vocabulary ni Ruthie. Until she met Izon, ang kaisa-isang lalaking tumalo sa kanya. Pero ang nakakatawa, she shared an unforgettable dance with him. She realized that losing is not as bad as she thinks. Marami siyang napulot na a...