EPILOGUE

304 13 6
                                    


"Mr. Izon Villan ibaba mo na ako, ang bigat ko kaya..." natatawang tinatapik ni Ruthie ang kanyang balikat. Pagkarating nila kanina sa bahay na pinatayo niya para sa kanilang dalawa ay nagulat ito nang bigla na lang niya itong binuhat paakyat sa magiging kwarto nila.

"Mrs. Ruthie Villan sumusunod lang ako sa pamahiin..." natatawang sagot naman niya na hindi nagpaawat sa asawa. "Saka hindi ka naman mabigat, macho yata itong asawa mo."

"Ikaw talaga. Ano ba itong pakulo mo?" nagtatakang tanong nito sa kanya.

Katatapos lang ng kanilang kasal at sa wakas ay nakakabit na ang apelyido niya sa magandang pangalan nito. Nagulat man ito kanina nang sinunod niya ang tradisyon ng mga matatanda na buhatin ang bride papasok sa magiging tirahan nila ay nakita niya ang kasiyahan sa mga mata nito. Mas lalong magnining ang mga mata nito kapag nailabas na niya ang lahat ng sorpresa niya dito.

"Relax ka lang diyan mahal kong misis..." dahan-dahan niya itong binaba sa kanilang kama pagkatapos ay nilapitan ang dvd player na sadya niyang inilagay doon. Nang mapindot niya ang play button ay agad niyang binalikan ang parang anghel na asawa, suot pa rin ang magandang traje de boda nito. "Mahal, maaari ba kitang maisayaw?" anyaya niya dito.

Bagama't nagtataka ay nakangiting iniabot nito ang mga kamay sa kanya. Pinatayo niya itong nakatalikod sa kanyang haparan. Napasinghap ito nang maramdaman ang nakaumbok niyang harapan.

"Izon..." anas nito sa kanyang pangalan.

"Huwag mo siyang pansinin. Sasayaw pa tayo." Pasimpleng bilin niya dito.

"Pero hindi ko alam..." nag-aalanganing sabi nito.

"Sinisugurado ko sa iyong alam mo." Nakangiting turan niya.

Baby you're all that I want...

Nang pumailanglang ang unang nota ng kanilang tugtog ay natawa ito. Hinawakan naman niya ang kaliwang kamay nito upang isalubong sa kanan niyang kamay. Ang mga sumunod na galaw ay alam na nito.

When I'm lying here in your heart...

Gaya noong college sila ay dahan-dahan itong umikot sa kanya at nakangiting huminto nakaharap sa kanya. "Sira ka talaga... Naaalala mo pa ang sayaw na ito?"

Finding it's hard to believe we're in heavean...

"Ang sayaw nating iyon ay nanatili sa aking puso Ruthie..." seryosong sabi niya dito.

Nakapaskil sa kanilang labi ang mga ngiti habang sumabay sila sa magandang tugtog. Maraming taon man ang lumipas ay hindi nila naging problema dahil ang kanilang mga puso at katawan ay kusang umiindak na tila ba nagbalik sila noong panahong sinayaw nila iyon sa harap ng kanilang PE Teacher. Nakakatuwa dahil natupad din ang isa sa mga pangarap niya bukod sa maibigay kay Ruthie ang pangalan niya. Naisayaw niya ulit ito, gaya ng dati, lubos ang kasiyahang sulot niyon sa kanya.

"Naaalala mo pa rin ba kung ano ang tinanong mo sa akin noon?" tanong niya nang matapos ang kanilang sayaw. Pareho silang naghahabol ng hininga dahil sa sayaw pero hindi pa rin pinakakawalan ang pagkakayapos dito.

Sandaling nag-isip ito pagkatapos ay ngumiti. "Oo. At naaalala ko din na hindi mo iyon nasagot ng maayos..."

"Dahil hindi iyon ang tamang oras para sabihin ko ang akong kasagutan." Pinisil niya nang marahan ang ilong nito.

Natatawang kinurot naman nito ang kanyang tagiliran. "Pwede mo na bang ibigay ang sagot na tanong na iyon ngayon?"

"Hanggang ngayon Mrs. Villan hindi mo pa rin ba alam ang sagot?" kunot-noong tanong niya dito. "Akala ko pa naman naipadama ko na sa iyo lahat ng nararamdaman ko..." kunwari nagtatampong saad niya.

Napamulagat ito sa kanya. Nang tumango siya ay napasinghap ito.

"Alam mo na?"

"Mas gusto kong marinig ang sagot mula sa iyo..." nakalabing turan nito.

Hinawakan niya ang baba nito at bahagyang itinaas upang masilayang mabuti ang maganda nitong mukha. "I love you Mrs. Ruthie Navarette Villan." Madamdaming saad niya sabay sakop sa labi nito. Sa unay banayad lamang pero nang maramdaman niya ang tugon nito ay nilaliman niya ang kanyang halik.

Nang malapit na silang maubusan ng hangin ay pinakawalan niya ang labi nito. "Simula pa lamang ay mahal na kita. Matagal kong pinangarap na mahawakan ka, ang mayakap at mahagkan ka tulad ngayon. Kaya naman noong nagkaroon ako ng pagkakataon na makalapit sa iyo ay sinunggaban ko agad iyon. Wala akong pakialam kung may grade iyon o wala dahil ang maisayaw ka sa harap ng maraming tao ay mataas na grado na iyon."

Ito naman ang pumisil sa kanyang ilong. "Sinabi ko na nga ba, noon pa man ay pinagnanasaan mo na ako." Natatawang sabi nito. "Pero salamat sa lahat ng ginawa mo sa akin. Salamat dahil minahal mo ako ng ganoon at kahit kailan ay hindi bumitiw sa akin. Salamat aking asawa, mahal na mahal din kita." Namasa ang mga mata nito sa sinabing iyon.

"Ako ang dapat na magpasalamat dahil tinupad mo ang pinakmithiin ko sa buhay, iyon ay ang makasama ka habang buhay. Hindi kailanman mawawala ang pagmamahal ko sa iyo, asahan mo iyan." Muli ay niyakap niya ito nang mahigpit.

Tahimik na nagpasalamat sa Panginoon dahil pinagbigyan siya nito. At pinapangako niyang hindi niya iyon sasayangin. God gave Ruthie to him and in return, he will give his all, heart and soul, to Ruthie.

THE END

$

A Dance to Remember (Published under Lifebooks) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon