Nakakatuwa po na may nagbabasa sa kwento nina ruthie at izon. salamat AW_GUILD DianeFernandez6 junesabaa17 RoxanLuLumain, thanks sa read guys!
"What is your answer beautiful lady?" kahit kinakabahan ay malinaw pa rin ang pagkakabigkas ni Izon sa mga salitang iyon. Nakita niya ang saya sa mukha ni Ruthie nang makita nito ag kanyang sorpresa.
Kaninang nabasa nito ang card ay nakita niya ang pag-asa sa mga mukha nito nang igala nito ang paningin sa buong parking area. Nakita din niya ang lungkot na pumalit doon nang wala itong makita. Siguradong hinahanap nito ang gumawa noon. Hindi siya nito nakita dahil nagtago siya sa isang sasakyan habang nag-iipon ng lakas ng loob para lapitan ito.
Natigil ang akma nitong pag-alis. Unti-unti itong humarap sa kanya.
"Ikaw?" hindi niya nakita ang pagkagulat sa mga mata nito. Bagkus ay tuwa ang nakalarawan doon.
Tumango siya. Nang ngumiti ito ay ngumiti na rin siya. Nag-uusap ang kanilang mga mata. At nagkakaintindihan sila pero kailangan niyang marinig ang sagot nito.
"Are you my girl now?" seryosong tanong niya.
Mas lalong lumakas ang kabog ng kanyang dibdib ng mataman siya nitong titigan na tila walang balak sagutin ang tinatanong niya.
"If you're not yet ready to answer-"
"Yes." Putol nito sa sinasabi niya.
Tila nabinging tumingin siya nito. Nang masilayan niya ang matamis na ngiti sa mga labi nito ay hindi na niya napigilan ang sarili. Nagtatalon siya sa harap nito na daig pa ang taong nanalo sa jackpot sa lotto. Natatawa naman siyang pinanood ni Ruthie.
"Hey!" natigil siya ng magsalita ang pinakamagandang babae ng nakilala niya, at ngayon ay girlfriend na niya.
Sa pagkabigla nito ay agad niya itong niyakap. Pero gumanti rin naman ito sa kanya. "Ruthie, maraming salamat." Madamdaming anas niya sa may tenga nito.
Mabilis na kumawala ito sa kanya. "And here I am expecting you to kiss me." Nanunuksong sabi nito.
"Would you allow me to?" nanunukso na ring balik-tanong niya.
Kanina pa niya iyon gustong gawin pero natatakot siya na baka itulak siya nito. All these years, after he admitted to himself that he'd fallen deeply in love with her, her 'yes' to everything he will ask is his greatest dream. Kasama na roon ang pagpapahintulot nitong halikan niya ito.
Nakangusong nagsalita ito, "I already said yes. Aren't we suppose to be kissing now?"
"Very well said sweetheart." Nakangiting sabi niya sabay hawak sa baywang nito at maingat itong kinabig palapit sa kanya. Hahalikan na sana niya ito nang maalala kung nasaan sila. Agad niyang nilapitan ang kotse nito at binuksan. "Get in." Utos niya kay Ruthie. Nagtataka man ay sumunod ito sa kanya.
Nang makapasok siya sa kabilang pinto ay nakita niyang nakahalukipkip ang babae. "Saan tayo pupunta? May trabaho pa tayo." Parang batang hindi binigyan ng kendi ang hitsura nito.
Naaaliw na humarap siya dito.
"What? Anong tinatawa-tawa mo diyan?" naasar na tanong nito.
Sa halip na sagutin ito ay kinagat niya ang ibabang labi nito saka hinalikan. Pero dahil hindi niya ito hinawakan ay madali para dito ang lumayo sa kanya. Nanghihinayang na binuksan niya ang kanyang mga mata. Hindi pa niya na-eenjoy ang paghalik dito ay lumayo na ito. Baka hindi nito nagustuhan ang kanyang halik. Pero nang tignan niya ito ay mulagat itong nakatingin sa kanya habang ang mga labi nito ay nakaawang. Dahil dito hindi niya ulit napigilan ang sarili, hinawakan niya ang baba nito saka siniil ng halik ang mga labi nito.
BINABASA MO ANG
A Dance to Remember (Published under Lifebooks)
RomanceMatalo. Wala ito sa vocabulary ni Ruthie. Until she met Izon, ang kaisa-isang lalaking tumalo sa kanya. Pero ang nakakatawa, she shared an unforgettable dance with him. She realized that losing is not as bad as she thinks. Marami siyang napulot na a...