PROLOGUE

10.5K 117 3
                                    


"I'LL BE leaving the band," walang kagatol-gatol na wika ni Kristoff sa mga kabanda habang naroon sila sa reception ng kasal ni Takehiro.

"What?!" gulat na bulalas ni Taylor, ang bahista ng banda.

Napatingin si Kristoff sa babaeng dahilan kung bakit siya aalis ng banda. Masayang nakikipagkuwentuhan si Chelsea sa bride ni Takehiro na si Bridgette. Hindi siya makapaniwalang five years silang nagkahiwalay ni Chelsea. At sa mismong araw ng concert ng kanilang banda, kung saan nag-propose si Takehiro ay muling nagkrus ang kanilang mga landas, at ngayon ay fiancée na niya ang dalaga.

"I think I know now why you're leaving the band," deklara ni Takehiro.

Napatingin silang lahat dito.

Ngumisi ang lalaki. "'Coz you're following my footsteps now, man!" Saka humalakhak.

"What?" At hayun na naman ang hindi makapaniwalang reaksiyon ni Taylor. Sa kanilang apat yata, si Taylor ang pinaka-exaggerated mag-react.

"Because my man here..." Inakbayan siya ni Takehiro. "Is getting married."

"What?! Pati ba naman ikaw, Kristoff?"

Marahas niyang inalis ang pagkakaakbay ni Takehiro sa kanya. "Huwag mo akong pangunahan sa announcement ko," walang emosyong sabi ni Kristoff.

Tumawa nang malakas si Takehiro. "Hindi mo naman mapipigilan 'yon, Tay. Darating at darating tayo sa puntong kailangan din nating lumagay sa tahimik. Nagkataon lang na nauna kami ni Kristoff dahil hindi na kami makapaghintay."

Isang taon nang sikat ang banda nila sa US nang kumalas sa banda si Takehiro bilang composer at keyboardist at sabihing mas gusto raw nitong maging isang manga artist. Malaki ang binayarang penalty ni Takehiro dahil hindi tinapos ang five-year contract nila pero mas malaki raw ang mawawala rito kung hindi susundin ang gusto. Bumalik sa Pilipinas ang dating kabanda. Sinuportahan nila ang desisyon nito, lalo na siya.

At hanggang ngayon, halatang walang pinagsisisihan si Takehiro sa naging desisyon dahil bukod sa mayroon nang sariling art gallery at publishing company kung saan nagpi-print ng mga manga sa Pilipinas at sa Japan ay nakilala na rin ni Takehiro ang babaeng makakasama nito habang-buhay.

Ipinagpingki pa ni Takehiro ang kopita sa kanyang kopita. "Cheers to the newly engaged!" sabi pa nito.

"Well, not on me," ani Taylor na sumimsim sa sariling wineglass.

Kaiba kay Takehiro, aalis ng banda si Kristoff dahil tapos na ang five-year contact nila sa isang music company sa US. Noong una ay plano rin niya na mag-renew ng kontrata gaya ng napag-usapan nila nina Taylor at Fritz. Pero nagbago ang lahat nang magkrus muli ang mga landas nila ni Chelsea.

"Kung aalis ka na, sino ang papalit sa 'yo?" tanong ni Fritz na drummer nila.

"Good question," sabi ni Kristoff. Bumaling sa kanya ang mga kabanda.

"May nahanap ka na agad na papalit sa 'yo?" di-makapaniwalang tanong ni Taylor.

"Of course. Hindi ko naman kayo iiwan nang basta-basta."

"At sa tingin mo ba, magkakasundo sila ni Taylor?" tanong ni Fritz.

Sumimangot si Taylor. "And what do you mean by that?" tanong nitong pinukol ng matalim na tingin si Fritz.

Sa kanilang apat, si Taylor ang pinakamalakas mang-asar at pinakamadali ring mapikon. Ito rin ang pinakamareklamo at pinakamadaldal.

Nagkibit-balikat lang si Fritz. Tulad niya, hindi rin expressive sa mga nararamdaman si Fritz. At tahimik lang din sa isang sulok. Tanging sina Takehiro at Taylor lang talaga ang madadaldal at kahit na si Kristoff ang leader ng kanilang banda ay ang dalawa ang madalas na sumagot sa mga interview.

"Sino ba ang nakontrata mong papalit sa 'yo?" tanong ni Taylor na ibinaling na ang tingin sa kanya.

Si Takehiro ang sumagot. "Makikilala n'yo rin siya soon. Actually, invited din siya sa kasal ko. Pero hindi siya nakarating sa simbahan dahil may gig pa siya kanina." Saka nakangising bumaling sa kanya. Alam ni Takehiro kung sino ang naiisip niyang papalit dahil ito ang unang pinagsabihan niya ng kanyang plano. Si Takehiro pa nga mismo ang nag-suggest ng taong iyon na una rin niyang naisip.

"O, nandiyan na pala siya," wika ni Takehiro na tumingin sa arko ng garden ng hotel kung saan ginaganap ang reception.

Isang lalaking hanggang balikat ang itim na buhok at nakasuot ng itim na bonnet, naka-putting button-down polo na hindi naka-tuck in, ragged maong pants at itim na Chuck Taylor at nakapamulsa ang mga kamay ang naglilibot ng tingin sa paligid.

"Pare, dito!" Kinawayan pa ni Takehiro ang lalaki. Saka sinalubong.

"Fritz, the second," anas ni Taylor.

Pagbaling ni Kristoff sa kabanda ay bakas ang disgusto sa mukha nito. Habang si Fritz naman ay walang emosyon ang mukha.

Tumaas ang sulok ng kanyang mga labi. Mukhang magiging masaya ang bagong Nightingale.

Tuluyan nang nakalapit sina Takehiro sa kanila.

"Guys, meet the new vocalist of Nightingale..." proud na deklara ni Takehiro.

"Ha?" marahas na bulalas ng lalaking kaakbay nito.

Napangisi siya.

C&

NIGHTINGALE TRILOGY book 1: AWIT KAY RAKEL (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon