♪ CHAPTER TWELVE ♪

3.4K 74 1
                                    

HINDI alam ni Rakel kung tama ba ang kanyang ginagawa. Dalawang araw pa lang ang nakalilipas mula nang magtapat si MJ sa kanya. At sa dalawang araw na iyon, halos hindi na siya nakatulog nang maayos. Paano ay si MJ na lang lagi ang laman ng isip niya, pati ang sinserong mukha nito habang sinasabi ang mga bagay na iyon.

Sinikap niyang iwasan na lang si MJ hangga't hindi niya naaayos ang sarili. Ang problema, tinawagan siya ni Gilmore kanina at sinabing magpunta siya sa SE building. Nais kasi nitong magkaroon ng ilang litrato si MJ sa article habang nagre-rehearse ang lalaki. At sinabi rin ni Gilmore sa kanya na ayon kay MJ ay hindi natuloy ang pag-i-interview niya kay MJ kaya kailangan niyang ipagpatuloy iyon.

Sa totoo lang, hati ang nararamdaman ni Rakel. Ayaw na niyang makita si MJ dahil natatakot siyang mahulog muli sa binata. Pero hinahanap-hanap naman ito ng buo niyang sistema. Kaya wala siyang choice kundi sundin ang sistema.

Nang makaakyat na sa third floor kung nasaan ang practice room, sa corridor pa lang ay nakikita na niya ang nangyayari mula sa glass paneling.

Napabaling si Taylor sa kanya at nginitian siya. Bahagya siyang kumaway rito. Napasulyap siya kay MJ at hindi niya inaasahan ang ginawa nito.

Kinindatan siya nito!

Natigilan siya kasabay ng mabilis na tibok ng kanyang puso. Yumuko siya para itago ang pag-iinit ng mga pisngi.

Pinili niyang pumasok na lang sa loob nang makita si Gilmore—upang ma-distract niya ang sarili at hindi niya mapansin ang kakaibang tibok ng kanyang puso. Naroon din ang mga dating miyembro ng banda na sina Takehiro at Kristoff.

Pero nang pumasok si Rakel ay agad din niyang pinagsisihan ang ginawa dahil narinig niya kung ano ang tinutugtog ng Nightingale nang mga oras na 'yon.

Hindi niya napigilang mapatitig kay MJ. Nagtama ang mga mata nila. Pakiramdam niya ay bumalik siya sa nakaraan, sampung taon na ang nakalilipas... kung saan kinakantahan siya ni MJ.

Nangingiti si Rakel habang nakatingin siya kay MJ na nasa kabilang panig ng tore. Hapon noon at mas maaga kaysa karaniwan ang uwi nila. At gaya ng dati, doon agad siya dumederetso sa tore.

Yakap ni MJ ang gitara nito habang tumitipa. Hindi niya napigilan ang sariling pagmasdan ang binata.

At tila lumukso ang kanyang puso nang mag-angat ng tingin si MJ sa kanya. Nais niyang mag-iwas ng tingin pero tila may balani ang mga mata nito na hindi niya maalisan ng tingin.

"We go to a party, and everyone turns to see, this beautiful lady that's walking around with me. And then she asks me: 'Do you feel all right?' And I say: 'Yes, I feel wonderful tonight.' I feel wonderful because I see the love light in your eyes... And the wonder of it all... Is that you just don't realize how much I love you." Puno ng emosyon ang mga mata ni MJ habang nakatingin sa kanya at kumakanta.

"You just don't realize how much I love you..."

Napakurap si Rakel nang marinig niyang pumalakpak si Gilmore. Pasimple niyang pinahid ang mga luha. Nang ilibot niya ang tingin sa mga tao roon ay mukhang walang nakapansin na umiiyak siya.


ISA-ISA nang sumakay sa van ang miyembro ng Nightingale habang si Rakel ay naiwang nakatayo sa isang tabi sa parking lot. Pagkatapos ng rehearsal ay nagpa-deliver na lang doon ng pagkain si Gilmore at nagkayayaang manood ng Les Miserables sa Resorts World. Nang makasakay na ang lahat ay biglang sumungaw ang ulo ni Gilmore sa bintana ng passenger's seat ng van.

"Oy, Rakel, hindi ka ba sasama?"

"H-ha?"

"Manonood tayo ng 'Les Miserables' sa Resorts World. Sumakay ka na."

NIGHTINGALE TRILOGY book 1: AWIT KAY RAKEL (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon