♪ CHAPTER TWO ♪

4K 72 3
                                    

NATAHIMIK ang buong klase nang pumasok ang English teacher nina Rakel.

"Okay, class, para sa project n'yo this grading period, you'll be conducting a play," anunsiyo ng guro nila.

Kanya-kanyang reaksiyon ang buong klase.

"I've divided your class into five groups. Each group consist six members. I have here a list of the group." Isa-isang tinawag ng guro ang pangalan ng mga esudyante sa bawat grupo. Binigyan din ang mga ito ng kanya-kanyang kopya ng script sa gagawing play.

"For group four... Rakel Gonzaga, Isabel Marcos, Dino Mamaril, Esther Reyes, Richard Quizon, and MJ Ocampo. You'll be performing Pyramus and Thysbe."

Marahas siyang napatingin kay MJ. Kagrupo niya ang binata. Hindi niya alam pero nakaramdam siya ng kakaibang kaligayahan nang malaman niyang kagrupo niya ito. Hindi niya naiwasang mapangiti nang maluwang. Nang lingunin siya ni MJ ay agad napalis ang ngiti niya at agad na bumaling sa kabilang direksiyon.

Ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib. Nakita kaya ni MJ ang katuwaan niya dahil kagrupo niya ito? Biglang nag-init ang mga pisngi ni Rakel.

Grabe! Nakakahiya!

Pagkatapos banggitin ng guro ang huling grupo ay sinabi nitong magsama-sama ang magkakagrupo para mapag-usap-usapan ang gagawing play.

Hindi na nila kailangan umalis ni MJ sa kinauupuan nila dahil kusang mga kagrupo na nila ang pumunta sa gawi nila.

"Wow, ang galing naman. Ka-group ko si MJ. Ang saya-saya," parang kinikilig na wika Esther. Tiningnan nito script. Nag-acting leader agad. Ang daming suggestions ni Esther na tila napipilitan lang na sang-ayunan ng ibang mga kagrupo.

Para naman kasing sinadyang pagsama-samahin ang mga kulelat sa grupo nila. Si Richard, para itong nerd na uhugin. Parang walang pakialam sa mundo. Si Dino ay abala sa pagdo-drawing sa notebook. Si MJ, gaya ng dati ay may sariling mundo. Si Isabel lang ang oo nang oo sa mga pinagsasasabi ni Esther.

"Okay, since Pyramus and Thysbe 'tong gagawin natin, walang ibang characters dito kundi sina Pyramus at Thysbe. So, MJ, ikaw na lang si Pyramus. Ayos lang sa 'yo?" tanong ni Esther.

Lumipad ang tingin ni Rakel kay MJ. Blangko ang mga mata ng binata pero halatang nag-iisip. Pagkatapos ay matipid lang na tumango saka muling bumaling sa labas ng bintana.

"Yey!" Tuwang-tuwa naman si Esther. "At ako na lang ang gaganap na Thysbe dahil ako lang naman ang bagay sa part na 'yon. 'Tapos 'yong iba sa inyo, sa props na lang, okay na?" pinal na wika ni Esther.

Mula sa pagdo-drawing ay nag-angat ng tingin si Dino. "Si Rakel na lang si Thysbe."

"Ha?" sabay pang bulalas nila ni Esther.

"Mas bagay siyang Thysbe," komento ni Dino saka muling yumuko sa notebook nito.

"P-pero—"

"Oo nga, si Rakel na lang," parang inaantok na segunda agad ni Richard bago maituloy ni Esther ang protesta.

Nagtagis ang mga bagang ni Esther saka matalim na tumingin sa kanya. "Ikaw, Rakel, gusto mo bang maging si Thysbe?" tanong nito na nagbababalang tumingin sa kanya animo binabalaan siyang huwag magkakamali ng sagot.

"Ah, naku, huwag na. H-hindi rin naman ako marunong sa ganyan," aniyang ikinukumpas pa ang mga kamay kahit sa loob-loob ay gusto niyang gumanap na Thysbe dahil gusto niyang maging kapareha si MJ.

"O, ayaw ni Rakel." Tila nakahinga nang maluwag si Esther.

"Bakit hindi na lang pagbotohan kung sino kina Esther at Rakel ang gaganap na Thysbe," suhestiyon ni Dino na hindi na nag-aangat ng tingin mulaa sa dino-drawing.

NIGHTINGALE TRILOGY book 1: AWIT KAY RAKEL (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon