Chapter 1 "Confession"

555 51 12
                                        

Seungkwan's Pov

"I am in love with you," ang sabi ng babae na nakatayo sa harapan ko.

Inirapan ko siya at nakataas ang kilay na sinabing, "Sorry, bakla ako."

Ngunit imbes na malungkot sa isang katotohanan na matagal ko ng itinatago ay ngumiti pa ito na parang kinikilig. "Kaya nga kita nagustuhan kasi ang cute cute mo po."

Baliw.

Isa siyang baliw.

Paano niya nagustuhan ang isang katulad ko?!

"Ang pangalan ko ay Barbie," ang pagpapakilala niya sabay naglahad ng kamay sa akin para makipag-hand shake.  "Bakla ka man o straight, wala akong pakielam. Lumunok ka man ng bato at sumigaw ng 'Darna~!' hindi magbabago ang isip ko na mahal kita. Naiintindihan mo ba Boo Seungkwan?"

"Hindi. Gaga."

To be continued...

"Real Man"Where stories live. Discover now