Chapter 7 "Hesitating for the first time"

261 30 0
                                    


Seungkwan's Pov

"Anong ginagawa mo rito?" Ang kabungad-bungad ni Vernon sa akin.

Ouch. Pinamukha talaga na hindi ako invited.

"Sa pagkakaalala ko, si Barbie lang ang ininvite ko," dagdag pa ni noo.

"S-Sino bang may sabi na k-kayo ang ipinunta ko rito ha?!" palusot ko. "Kayo ba may-ari ng mall?! Kayo may ari ng sinehan ganun?! Ibig sabihin kapag pumunta kayo rito dapat magsiaalisan ang iba?! Luh." Tumingin ako sa paligid at sa mga usoserang nakikinig sa mala-wattpad kong linya. "Oy mga behsy, bawal pala tayo rito. Tara, iwanan na natin silang dalawa! Uwian na! Shoo shoo!"

Manghahatak pa sana ako ng mga bruha sa daan pero agad akong hinitak ni Vernon para pigilan. "Nakakahiya talaga to. Oo na oo na, sorry na pare," ang reklamo niya habang nagtatakip ng mukha dahil sa kahihiyan.

Umirap ako, nag-crossed arms at tinitigan silang dalawa ng masama. Sabay bumulong ng, "mga traydor."

Tinignan ako ni Barbeque na parang guilty, samantalang pinagtatawanan lang ako ni noo.

"Bakit ba ang bitter mo?" ang sabi ng nagsasalitang noo. "Wala ka namang interes kay Barbie di ba?"

Nakaramdam ako ng init sa pisngi kaya agad akong umiwas ng tingin. Hmp!

"Kahit na wala akong gusto o katiting na interes sa stalker na Barbeque na yan, hindi ibig sabihin pwede na kayo mag-date," reklamo ko.

Sabay naman silang sumagot ng, "(Barbie) HIndi ito date!/ (Vernon) Anong masama kung mag-date kami?"

Aba aba, magkaiba pa sila ng sagot. Mga pabebe.

Nagkatinginan sila na parang takang-taka.

"Hindi 'to date diba?" tanong ni Barbie.

"Syempre date kaya 'to," pahayag naman ni Vernon.

"Pero ang 'date' ay ginagawa lang ng taong nagmamahalan," paliwanag ni Barbie.

"Gusto naman kita a."

"Huh?!"

Muli, natahimik na naman sila at nagtitigan. NApansin ko pa nga ang pamumula ng pisngi ni Barbeque. Tsss, kahit saan anggulo ko tignan, WALA SILANG CHEMISTRY!

"Ang 'date' ay araw. Date-araw. Araw ng lunes, martes, huwebes, biyernes, sabado at linggo!" pamimilosopo ko para matapos na ang usapan.

"Uy nakalimutan mo si Miyerkules," ang banat naman ni Barbie. Panira talaga 'to.

"Che, shut up."

BArbie shrugged her shoulder and looked at Vernon again. "Sorry. Pero hindi kita pwedeng i-date."

Agad namang nalungkot ang mukha ni noo habang ako, ay biglang napangiti.

"B-BAkit? Mahal mo pa ba si Seungkwan? Di ba binasted ka na niya?"

Mabilis kong inilipat ang tingin sa kaniya. Napalunok ako at parang kinakabahan. Luh, natural lang ba na kabahan ako ng ganito sa isasagot niya?

"Suko na ako kay Seungkwan," ang sagot niya.

Ang sabi nila, malalaman mo na in-love ka sa isang tao kapag nagsimula niyang patibukin ang puso mo.

Gwapo si Vernon, mabait, cool at siya ang kauna-unahang tao na nag-alok sa akin na makiapg kaibigan. Dahil doon, naisip ko na crush ko na ata si pare. Kaya inamin ko sa sarili ko na isa akong syokla. Kaso, wala naman akong matandaan na nagawa ni Vernon na patibukin ang puso ko. Minsan pa nga, nandidiri ako kapag masyado siyang sweet sa akin.

"Real Man"Where stories live. Discover now