Chapter 3 "Barbie"

340 40 15
                                    

Barbie's Pov

Ang pangalan ko ay Barbie, at ang mahalin si Seungkwan ang bago kong hobby.

Ang pagmamahal ko sa kaniya ay hindi bunga ng first love or simpleng crush na nararamdaman ng isang musmos na ansa edad lima hanggang sampunbg taong gulang.

Matagal ko na siyang pinagmamasdan, pero huli na pala nang ma-realize kong sinibat ako ni cupido at puso ko ang tinamaan.

"Sobrang sakit kaya kapag binasted ka," ang narinig kong sabi ng isang lalaki na papasalubong sa akin dito sa hallway ng school.

Nang itaas ko ang aking paningin sa direksyon nito ay nakita ko si Seungkwan, pati narin yung kaibigan niya na aksidente kong nahalikan kahapon. Kung hindi ako nagkakamali, Vernon ang pangalan nito.

"Anong masakit?" tanong ni Seungkwan.

"Dito o, msakit dito," sagot ni Vernon na paturo-turo sa dibdib niya.

Na pi-feel ko ang sinasabi niya. Ilang araw palang kasi ang nakakaraan mula ng ma-basted ako ni Seungkwan, kaya alam ko kung gaano ito kasakit.

"Anong masakit?" tanong uli ni Seungkwan sabay napatingin sa dibdib ni Vernon. "Yung nipples mo?"

Napahinto silang dalawa at nagtitigan. Samantalang ako naman ay...

"NIPPLES?! PFFFFFT!"  sigaw ko bago napahalagpak ng tawa.

The two glared at me, sapat na ito para malunok ko ang sariling dila at manahimik. "Umm, hi?" I greeted awkwardly.

Inirapan ako ni Seungkwan, samantalang nginitian naman ako ng kaibigan niyang gwapong foreigner na malapad ang noo.

"H-Hello barbeque!" ang bati ni Vernon.

Sino si Barbeque? Napalingon ako sa paligid at chi-neck kung may iba tao o espiritu man lang sa likuran ko. Pero wala namang ibang tao bukod sa aming tatlo!

"Nakaharang ka sa daan barbeque! Alis shoo!" pagtaboy ni Seungkwan sa akin.

Ahhh, na-gets ko na. AKo pala si barbeque. Oh? Binigyan ako ni Seungkwan ng nickname! Woah, kinikilig ako. Ang sweet naman niya.

"Tungkol nga pala sa nangyari kahapon," paliwanag ni Vernon. "Yung tungko sa k-kiss. Don't make it a big deal. Isipin mo na aksidente lang ang lahat. Baka kasi ma-awkward ka sakin."

Tinitigan ko siya at tinapat, "Wala naman akong pakielam sa kiss na yun. Actually nakalimutan ko na. Naalala ko lang dahil nakita kita. Pero its not a big deal for me."

Namutla si Vernon at napakamot sa batok. "A-Aaa, hehe. T-Talaga? Akala k-ko first kiss mo ako?"

Bakit parang siya pa ang apektado? Nevermind. Nginitian ko nalang siya sabay nagtungo ang aking nagniningning na mga mata kay loves ko.

"Seungkwan ko, saan kayo pupunta?" pabebe kong tanong kay Seungkwan.

"Diary ka ba para i-report ko ang lahat ng gagawin ko? Tatae ako! Gusto mong sumama?!" he shouted.

Napaatras ako ng kaunti at napatakip ng tenga. Grabe, mas mataas pa ang boses niya kaysa sakin.

"Pupunta kami sa Mcdo para mag-lunch. Halika, sama ka," pag-aya ni Vernon sabay umakbay sa balikat ni Seungkwan.

Vernon smiled at me while raising his brows, na para bang may nais siyang ipahiwatig.

Alam mo ba kung ano ang tatlong pinakamasakit na pangyayari sa one-sided love ko na ito? Una, binasted ako ni Seungkwan. Pangalawa, nalaman kong bakla siya. Pangatlo, ang maramdaman ko na may crush siya sa kaibigan niya.

Feeling ko, boto si Vernon para sa akin at kay Seungkwan. HIndi niya alam, ang sarili niyang kaibigan ay may lihim palang pagtingin sa kaniya.

Ang sakit hindi ba?

Dito magsisimula ang malaking pagsubok na kailangan kong harapin. Barbie, fighting!

to be continued...

"Real Man"Where stories live. Discover now