Chapter 6 "A movie date?"

247 31 1
                                    

Barbies' Pov

Buong puso akong naghikab habang naglalakad papasok sa room. When I entered our classroom, everyone looked at me.

"Good morning guys!" masaya kong bati sa mg classmates ko.

Pero wala man lang bumati pabalik. Nag-ubo-ubuhan nalang ako bago tinahak ang aking dakilang upuan. Nang makaupo na ako ay narinig ko na ang mga bulungan sa paligid.

"Look at the crazy girl. She is the one who confessed at Seungkwan. Tss, pero na-basted siya agad. Haha"

"Uy pre, yung nililigawan mo, binasted ng iba. Kawawa naman. Pffft."

"Kababaeng tao, siya pa ang nanliligaw sa lalaki? What a bitch."

"She never dated anyone right?"

Mukhang... ako ang topic ng lahat. Balitang balita ang pagtatapat ko kay Seungkwan. At ang mas malala, balitang balita rin ang pam-babasted niya sakin. Petmalu diba? Ang saklaugh.

Pero ginusto ko naman ang ginawa ko, kaya wala akong magagawa kung hindi tanggapin ang pinakamasakit na katotohanan: BAKLA SI SEUNGKWAN AT KAHIT KAILAN, HINDING HINDI SIYA MAGKAKAGUSTO SAKIN. BOYFRIEND ANG HANAP NIYA! HINDI GIRLFRIEND!

The class started. Heto ako, nakatingin sa labas ng bintana at hinihintay mag lunch break. Hanggang ngayon, hindi ko parin makalimutan ang sinabi ni Seungkwan noong nasa Mcdo kami. My Boo is such a bad boy... ooops, bad gay.

Ilang pagda-drama pa ang lumipas at Tada! Lunch break na! Masaya kong binuksan ang lunch box na ipinaghain ni Inay sa akin. As usual, she never forget to put a heart shape scrambled eggs on the top.  Sa sobrang gutom ay nakalimutan ko ng manalangin. Mamaya nalang siguro ako mananalangin kapag naubos na. Valid pa naman 'yon diba?

Sa kasalukyang pag-ngata ay nakakita akong bottled of cola sa desk ko. I slowly lifted my head and saw him.

"Oh? May airport," ang naibulalas ko nalang. Vernon is standing in front of me, ang best friend ni Seungkwan and ang lalaking palihim na iniirog ni crush.

"Airport?" He asked in frustration.

"A, sorry. Noong nakita ko kasi ang noo mo, airport kaagad ang naisip ko."

"Excuse me. Kahit malapad ang noo ko, iyan ang asset ko," he chuckled before leaning his face closer. Bahagya akong napaatras.

Anong kailangan niya? He even came inside my room!? I looked around and saw my classmate's detective eyes like. Oh my juice!

"Anyway, may gagawin ka ba mamaya?" he asked, still looking at me eye to eye.

"W-Wala naman. B-Bakit?"

Kinagat niya ang pang ibaba niyang labi bago sumagot sa mahinang tono ng, "Let's watch movie. Spiderman season 3."

Nang marinig ang Spiderman ay naibuga ko ang natitirang kanin at scramble eggs na kanina ko pa nginunguya. Ang resulta? Ayun, nabugahan ko siya sa mukha. Ang malala pa, yung ilang butil ng kanin pumasok sa butas ng ilong niya.

Napapikit siya at natawa.

"S-Sorry."

Dumilat siya at pinunasan ang mukha. I know he got frustrated but pinipilit niya na kumalma. "I'll take that as yes. See you later after class." He winked at me and then went out.

Napatingin ako sa bottled cola na iniwan niya sa desk ko.

"Anong meron sa crush ni Seungkwan ko?" I mumbled before opening the bottled and drinks it. Isang malutong na dighay ang inalabas ko pagkatapos.

Natapos na ang lunch break at nagsimula na ang klase. Muli, tumingin ako sa labas ng bintana.

HIndi naman siguro ako inaaya ng date ni Vernon hindi ba? Hala! Kung inaaya niya ako, ano nalang ang iisipin ni Seungkwan?! Baka sabunutan ako 'nun!

Hindi. Hindi maari. Imposibleng ayain ako ni Vernon. Dapat 'ata, hindi ko na pinagtapat kay Vernon kahapon ang nakaraan namin. Aish! What will I do?

After class ay dahan dahan akong lumabas ng room. Nagmamala- James bond ay sinuri ko ang paligid. No Vernon detected. Unti unti akong naglakad paatras at...

"Hoy Barbeque!"

"BABOY NG INA MO!" sigaw ko dahil sa gulat bago napatingin sa kung sino mang biglang humablot sakin.

"Baboy ka diyan? Sapak you want?" ang sabi sa akin ni...

"Seungkwan?!" I gasped.

Lahat ng mga kaklase ko ay napatingin sa amin. Woah! Pinuntahan ako ni mahal! Pinuntahan niya ako rito! Waaah! Kakilig! How to breathe?! How to calm?!

Napansin ni Seungkwan ang kakaibang tingin samin ng nakapaligid kaya hinatak niya ako sa lugar kung saan bihirang may dumaan na estudyante.

Agad rin niyang binitawan ang kamay ko, and he fake a cough, "ahem."

"Seungkwan ko, pinuntahan mo ako sa room ko? Woah, na-touch ako," I said.

He looked at me, quite confused. "H-Hindi ka na galit sakin?"

"Hmm?"

"Noong huli nating pag-uusap sinampal mo ako. T-Tapos ngayon, ganyan ka na. B-Baliw ka ba?"

Baliw na baliw sayo.

"Hehe, hindi naman ako nagtatanim ng sama ng loob," I answered while scratching my nape. "So, bakit ka nendete bebe ke?" I asked in pabebe tone.

He rolled his eyes and took a deep breath. "Hoy, makinig ka mabuti."

"My ears are only for you."

"Vernon..."

"Vernon?"

So si Vernon ang pinunta niya. Teka...ibig bang sabihin... alam na niyang inaya ako ni Vernon sa..

"Gwapo si Vernon. Mabait. At, kung sakaling ikaw ay ligaw--"

"Promise! Hindi ko kukunin si Vernon sayo! Sayong sayo lang siya!"

"Huh?"

"Kahit na mahal kita, alam kong mas matindi ang pagmamahal mo kay Vernon. Kaya simula ngayon, susuportahan na kita. TUtulungan kita kay Vernon. Deal?"  I said then smiled.

Napanganga naman si Seungkwan bago napasambit ng...

"Gaga."

To be continued...

"Real Man"Where stories live. Discover now