Chapter 2 "SPIDERMAN"

409 41 19
                                        


Vernon's Pov

Inakbayan ko siya habang naglalakad. "Balita ko may nagtapat daw sayo kahapon?"

Agad niyang tinanggal ang braso ko sabay umirap. "Wag mo na ngang ipaalala ang nakakalokang pangyayari na iyon. Nakakasuka pwe."

Muli ko siyang inakbayan at binulungan, "bakit naman Seungkwan? Sabi ng iba, maganda raw yung babae. Isa pa, matalino at mayaman. Jackpot yun!"

Sinamaan niya ako ng tingin at sinabing, "talaga bang ganyan ang kagustuhan mo na magka girlfriend ako?"

Oo naman! Mas gugustuhin ko ng magkaroon siya ng girlfriend kaysa sabihan siya ng mga kaibigan namin na bakla.

"Bakit ba kasi ayaw mo mag ka syota?" I asked him.

Huminto siya sa paglalakad at tumitig sa mga mata ko. So, I stopped walking and looked at him too.

"Vernon," Seungkwan called my name. "Hindi ka ba magseselos kapag may iba na akong kasama? I mean, mag best friend tayo. Kapag nag ka girlfriend ako, mawawalan na ako ng time sayo."

"Bakit, nagseselos ka ba nung nagkaroon ako ng girlfriend?" I asked him back.

I was just teasing him but, bigla nalang sumeryoso ang mukha niya.

"T-Teka, ganyan mo ba ako kamahal?" I added while leaning to his face.

Umiba siya ng tingin at bumulong. "Bwuset ka."

I laughed at him and ruffled his hair. "Anyway, back to the topic, ahem ahem. Sayang naman yung chicks na nagtapat sayo. Ano nga ba uli pangalan nun? Bar--- Bar---?"

"Barbeque," sabat niya.

"Aha! Barbie! Yes that Barbie. "

"Naku tigil tigilan mo ako Vernon. I am having a headache."

"Spell headache please."

"H-E-A-D-A-C-T-H-E? Oh? A-C-S-H-E? Aish! Whatever!" Seungkwan pointed the sky and shouted, "uy may airplane!"

Agad akong napatingin sa taas at Wala namang nakitang eroplano. "Asan?!"

"Nag-landing na sa noo mo. Pffftt haha!" Pang aasar niya sabay takbo.

Loko to.

"Haha! Hoy bumalik ka dito!"

Habang nagkakasatan sa hallway ng school ay napatigil kami ng may biglang sumigaw na babae sa malayo.

"Seungkwan ko!" She shouted.

When I lifted my head I saw a cute girl waving at us.

No, actually kay Seungkwan lang siya nakatingin na para bang hindi ako umiiral. Aba, ito ang unang pagkakataon na hindi ako napansin! Ang dahilan? Hindi pa ba halata sa gwapo kong mukha.

"Speaking of barbeque, here she comes," ang bulong ni Seungkwan.

Agad akong napatitig sa mukha ng babae. Ibig sabihin sya pala yung nagtapat kay Seungkwan?! Woah! Paano niya  nagawang basted-in ang cute na babae na ito?!

After waving at him, tumakbo papalapit samin si barbeque taglay ang matamis na ngiti.

Ngunit hindi ko akalain ang nga sumunod na nangyari.

Seungkwan hid behind my back. Ginawa ba naman akong harang at itinulak pa sa babae na paparating sa amin.

Ang resulta?

Aksidente lang naman kaming nagkahalikan ni Barbeque.

Oh damn.

"Oh my gosh!" Seungkwan shouted.

Kami namang dalawa na hanggang ngayon ay magkadikit pa ang mga labi ay nanlalaki ang mga mata ba nakatingin sa isa't isa. Halos maduling na nga ako.

Agad akong nakaramdam ng init ng katawan, (well, I am a hot blooded young man after all) kaya naman humiwalay ako mula sa kaniya.

"Wow," ang nasabi ko nalang.

Si Barbeque naman ay napaupo sa sahig at napahawak sa labi. "Ang first kiss ko," bulong niya na mangiyak ngiyak pa.

First kiss?

Yeah. After kissing her, I suddenly remembered my first kiss 10 years ago.

My kiss with SPIDERMAN.

To be continued....

"Real Man"Where stories live. Discover now