Chapter 4 "Weird, Weirder and Weirdest things"

314 40 15
                                    

Seungkwan's Pov

Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ni Vernon para isama si Barbeque sa Mcdo.

"Oh? Tignan mo, may ketchup pa sa labi ni Seungkwan your loves. Punasan mo oh," ang sabi ni Vernon kay Barbeque habang nakaturo sa labi ko.

Pabebe akong tinignan ni Barbeque at saka dahan dahang pinunasan ang labi ko using her thumbs. What the hell?! My gosh! Napaatras ako ng kaunti at pinaglakihan siya ng mata.

"Ayan, malinis na," ang ngingiti-ngiting sabi ni Barbeque sabay dinilaan ang thumb na may ketchup galing sa labi ko.

Hindi ko alam kung pandidiri ba ang nararamdaman ko o ano pero ilang beses akong napalunok. Bwuset na babae to!

Muli kong tinignan si Vernon. Nakangiti siya ng nakakaloko at pataas-taas pa ng kilay. Ngayon alam ko na ang dahilan kung bakit sinama niya si Barbeque. Malamang, boto siya sa amin at gumagawa siya ng paraan para maging syota ko ang babae na ito. Like, duh?! Bakla kaya ako!

"So miss barbeque," pagtawag ni Vernon sa kaniya habang nakasalumbaba sa lamesa.

Kinuha ko nalang ang cheese burger at inupakan ito.

"Barbie ang pangalan ko, hindi Barbeque," paliwanag ni babaita.

Hindi na ako nakatiis at sumingit ako sa usapan nila. "Bobo ka rin no? Alam namin na Barbie ang pangalan mo. Binigyan lang kita ng nickname kasi ayoko sayo."

"Hey Seungkwan, sobra ka naman," pagbabawal ni Vernon. "I called her Barbeque kasi cute siya. Ang cute kaya ng barbeque."

Napanganga nalang ako kay Vernon bago inupakan ang mcfloat. Weird din nito talaga.

"O-Okay lang. Alam ko naman na ayaw niya sakin," ang sabi ni Barbeque at nagawa pang tumawa. Mas weird pala 'to.

"Pero wag kang sumuko. Gawin mo ang lahat para mapa-ibig mo siya. Kunin mo rin ang first kiss niya ha?" ang sabi naman ni Vernon. Okay, pinaka-Weird ang sinabi niya!

Nakita kong namula ang pisngi ni Barbeque at tumingin ito sa akin, pababa sa aking mga labi. My goodness, pinag nanasaan na niya pati ang labi ko! Napakagat ako ng labi at umiba ng tingin.

"Anyway, tutal nanliligaw ka sa kaibigan ko, pwede bang magkwento ka ng tungkol sa iyo para makilala ka namin ng higit?" Pagpapatuloy ni Vernon.

Babae pa talaga ang nanliligaw sa lalaki. I'll rephrase it, BABAE PA TALAGA ANG NANLILIGAW SA BAKLA?!

"Ahmmm, wala naman gaanong special sa akin," sagot ni Barbeque. "HIndi ako galing sa sobrang yaman na pamilya. May kaya kami since nasa abroad si Papa. Wala namang kabit si Papa sa ibang lugar. Wala rin akong kapatid sa labas, hindi rin ako ampon, hindi rin ako naka-saksi ng murder scence. Kumbaga, bilang bidang babae ng istorya ng buhay ko, napaka-plain lang ng past ko."

She is really weird. REALLY WEIRD! Anong klaseng pagpapakilala sa sarili ang ginawa niya?!

Vernon chuckled and stared at her very closely. Bakit parang sila ang nagde-date dito? Hello! Ako ang nililigawan ni Barbeque at dapat makinig sa kwento niya no! Teka teka, bakit parang may mali sa mga naisip ko?

"Pero may isang bagay siguro na kakaiba sa akin-isang bagay na sana hindi nalang sa akin napunta," ang pagpapatuloy ni Barbeque. Naging seryoso ang tinig niya, kaya umagaw ito ng pansin ko. "Kaya naman, kahit parang malabo na kami ang magkatuluyan ni Seungkwan, hindi ako nagsisisi na nagtapat ako sa kaniya." The she looked at me into my eyes and smiled.

Nakaramdam ako ng pagkainis, inis sa sarili ko sa hindi malamang dahilan. I already told her that I am a gay. Bakit ba kasi mahal na mahal niya ang tulad ko?!

"Hmm, sa tingin ko may gagawin pa ata ako e," ang sabi ni Vernon na bigla nalang tumayo. Teka, may balak ata siyang iwan kaming dalawa!

"H-Hoy, iiwan mo ako?" I mouthed at him.

Vernon looked at me and winked. "Goodluck," he mouthed.

"I-Iiwan mo kaming dalawa lang ni Seungkwan?" tanong ni Barbeque na parang kinikilig na bulate.

"Yup. Para makapag usap pa kayo, romantically," Vernon added and then he took steps away from us. "Bye!"

At sa isang iglap, kami nalang ni Barbeque ang natira.

"Oh? May ketchup ka uli sa labi," ang sabi niya sabay pinunasan uli ang labi ko gamit ang daliri niya.

I yanked her hand away and glared at her. "Bakla ako at sa tingin ko in-love ako kay Vernon. Kaya wag ka ng umasa na may patutunguhan ang panliligaw mo."

Napatigil siya at nahalata kong nasaktan siya sa sinabi ko. Mas mabuti na ito para maliwanagan siya sa tunay kong pagkatao.

"Okay lang kahit hindi maging tayo. Isa pa, alam ko rin naman na may crush ka sa lalaki mong kaibigan."

Nanlaki ang mga mata ko at hindi nakalunok ng maayos. Paano niya nalaman?!

"A-Alam mo naman pala bakit pilit mo pang sinisiksik ang buhay mo sa akin?" ang tanong sabay nag crossed arm.

"Dahil ayokong magsisi sa bandang huli. Gusto kong ipahayag ang damdamin ko sa taong minamahal ko ng walang hinihinging kapalit."

"Gaga ka ba? Kapag ba hindi mo nasabi sa akin na mahal mo ako mamamatay ka na? Kahit saan anggulo mo tignan, nagmumukha ka lang  tanga sa--"

HIndi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil bigla nalang niya akong sinampal sa pisngi. Natigilan ako, at dahan dahang napalingon sa kaniyang mga mata. She is crying.

"You are so bad," she muttered. Pinunasan niya ang mga mata niya at tumayo. Nanlilisik ang mga mata niya na tumitig sa akin bago ito tumakbo papalabas ng Mcdo.

She is weird. Vernon is weird. The fact na gusto ni Vernon na kami ang magkatuluyan ni Barbeque is more weirder. Pero sa tingin ko, ang naramdaman ko bigla ang pinaka sobrang weird.

My heart, it suddenly beats crazily.

Hinawakan ko ang aking dibdib at huminga ng malalim. Why do I feel like this over a girl like her!?

To be continued...

"Real Man"Where stories live. Discover now