Chapter 9 "Eojjeona"

407 36 19
                                        

Barbie's Pov

Nakaupo ako sa isang sulok ng hospital at hinihintay na dumating si Vernon. Hanggang ngayon, nanginginig parin ang mga tuhod ko dahil sa takot at kaba kahit na alam kong nasa mabuting kalagayan na si Seungkwan.

"Barbie!" Ang narinig kong sigaw ni Vernon mula sa malayo.

Pagkarinig ko ay nilingon ko siyang agad at hinarap, kahit hiyang hiya.

"Kamusta? Anong nangyari? Okay na ba si Seungkwan?! Anong mga ginawa ng doctor  sa kaniya? Suction, irrigation, suture? ANO?!" paghi-hysterical ni Vernon.

Huminga ako ng malalim, bago ko ipinatong ang mga kamay sa balikat niya at sinabing, "Vernon. Masyado kang nanonood ng mga korean drama. Okay na si Seungkwan. Nagpapahinga siya doon sa dulong higaan."

Napahawak pa si Vernon sa noo. Parang nabunutan ng tinik ay nag drama siya ng, "Thank goodness. Halos lumaglag ang puso ko sa pag aalala. Akala ko, luluha na ako at magdadalamhati."

Gwapo siya. Oo gwapo siya. Pero alam ko na kung bakit naging magkaibigan sila ni Seungkwan. Ngayon ko lang na-realize na may pagka-o.a ang isang 'to. Tsk tsk.

Lumapit ang nurse sa akin para kuhanin ang pinirmahan kong form bilang guardian ni Seungkwan.

"Eto na po nurse. Kamusta na po siya? Gising na po ba siya?" I asked after giving the form.

Sinagot ako ng nurse sa boring na paraan, "okay na siya. Actually nakaupo na siya doon sa dulo. Bakit 'di mo i-check? Girlfriend ka niya hindi ba?"

Nanlaki ang mga mata ko. Tumingin ako sa katabi ko at nanlalaki rin ng todo ang mga mata niya. Hanggang makaalis ang nurse mula sa harapan namin ay naglalakihan kami ng mga mata.

Patay na patay ako kay Seungkwan. Like hell! Handa nga akong tapakan ang pride para magtapat sa kaniya. Kaya dapat sa panahong 'to kinikilig na ako. Pero... bakit imbes na kiligin ay bigla akong naawa kay Vernon? At bigla akong na-guilty? Dahil ba ramdam ko na parang may gusto siya sakin? Ibig sabihin, naapektuhan ako ng ibang lalaki! Pero nangako ako na hangga't nabubuhay ako, si Seungkwan lang ang iibigin ko forever and ever kahit wala naman talagang forever!

"Barbie. Bakit sinabi ng nurse na, ikaw ang girlfriend ni..."

"BAKIT TINAWAG MO PA SI VERNON? DI NAMAN AKO MAMAMATAY!" speaking of my bebe loves. Ayan na siya.

Dahan dahan akong tumingin sa lalaking paparating sa amin. Nakahawak pa ito sa leeg bago nagtama ang aming mga mata. When our eyes met, boom! Nag-init agad ang buong pisngi ko. Napansin ko rin na namula siya at medyo nataranta.

"Anong nangyari Seungkwan? Okay ka na ba talaga?" Pag-aalala ni Vernon.

Pero si bebe loves, hindi maalis alis ang tingin sakin. "Muntik lang naman mamatay. Pashnea," bulong niya bago umiwas ng tingin.

Hay sa wakas umiwas na siya ng tingin. At least makakahinga na ako ng maluwag.

"Seriously, ano ba talagang dahilan para mahospital ka? Hangga't maaari ingat na ingat ka sa sarili mo dahil ayaw mo sa hospital," ang sabi ni Vernon saka umakbay kay bebe loves.

Ayaw ni Seungkwan sa Hospital? Bakit kaya?

"N-Nakalunok ako ng candy. B-Bumara sa lalamunan ko. K-Kaya ako na hospital."

"Pfft! Hahahaha!" Paglagakpak ng tawa ni Vernon. "Weh? Ano nga kasi. Nahospital ka dahil sa candy? Paano ka naman nabulunan sa candy?"

"Ah, kasi Vernon," pagsabat ko. "Nakapulot ako ng candy sa daan. Kinain ko. Tapos, nakalimutan kong idura bago makipaghalikan kay Seungkwan."

Tumahimik ang paligid.

May mali sa sinabi ko.

Oo.

I know right.

May mali talaga.

Oh no!

to be continued...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 02, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

"Real Man"Where stories live. Discover now