"You're late."
Kumislot si Mandie ng marinig ang malamig na tinig ni Xandrei. Mabilis siyang lumingon. Nasalubong niya ang maiitim nitong mga mata. Same eyes like her son. Pero walang buhay 'yon. Nakasuot nalang ito ng asul na long sleeves ay bukas ang tatlong butones. Nabagya niyang nakikita doon ang dibdib nito. Nakarolyo naman ang manggas niyon hanggang sa siko nito.
"Ang usapan natin ay alas otso, alas otso cinco na." Doon siya napatingin sa wrist watch niya.
Limang minuto lang siyang huli. "F-Five minutes lang---."
"Mahalaga sakin ang oras, Mrs Montana. Ayokong sinasayang kahit segundo." Malamig nitong sagot. Umupo ito sa pang isahang sofa.
Mrs Montana. Bakit parang sukang suka ito? Hinamig niya ang sarili. Hindi oras oara abalahin niya ang sarili sa mga ganoong bagay. Saka niya muling binalikan ang sinabi nito kanina sa kanya. Na kukunin nito ang anak niya. Lumunok siya bago tumayo ng tuwid sa harapan nito. "Y-Yung tungkol sa a-anak ko."
"Anak ko. " Pagtatama nito. Pero hindi niya pinansin.
"Yung tungkol sa kanya. I'm sorry kung hindi ko sinabi sayo." Nagkrus ang mga braso nito.
"Oo nga naman. Bakit mo nga ba hindi sinabi?"
Muli siyang napalunok. "Wala akong matibay na rason. Pasensya na."
Nakita niya ang paglapat ng mga labi nito. "Hindi ko kakasuhan ang ama mo. I still respect Tito John no matter what happened to both of us. Hindi ko siya kakaladkarin sa kahihiyan dahil alam ko ang mangyayari sa kanya. At hindi ko rin siya sisingilin sa lahat ng nasira niya. But I want my Son. I want my full custody to my child. Would you give it to me?" Para itong taong humihingi ng isang pirasong karne sa kanya.
Namamanghang napatitig siya. Sinong matinong ina sa kanyang matinong pag iisip ang papayag ng ganoon? Umiling siya. "No." Nag uumpisa nang mamasa ang mga mata niya. "Ipapakilala kita sa bata dahil karapatan mo 'yon. But he's mine. Anak ko siya at ako ang ina niya! Sa akin siya dapat!"
Ngumisi ito sa kanya. "Want to try me? Fine, I'll my a custody case. And I'll make sure an saakin papabor 'yon. Nakamasa mo siya ng tatlong taon. Hindi ba dapat ako naman?" Naluluhang tumitig siya sa mga mata nito.
"Hindi binibilang ang taon o panahon ng pagiging ina. Ina ako ng anak ko kaya sakin siya hanggang sa lumaki siya at matuto sa sarili niya. Hindi ko siya isusuko sayo gaya ng gusto mo. Mamatay muna ako bago mapunta sayo ang anak ko." Hinihingal na pinahid niya ang luha.
Tumayo ito at humarap sa kanya. "My decision is final Mrs Montana. Sa korte natin pag uusapan 'yan. Gagawin ko ang lahat makuha ko lang ang anak ko sayo. Ipinagdamot mo na siya sakin noo. Hanggang ngayon ba naman?"
"Why? Bakit ka naging ganyan? Dahil ba sa ginawa ko sayo? Bakit kailangan mo akong pahirapan?" Tanong niya.
Pero sa gulat niya ay nakakainsultong tumawa lang ito. "Don't flatter yourself too much, Mrs Montana. Hindi lahat ng pagbabago sa mundo ay dahil sayo. People opted to change dahil 'yon ang dapat. Very conventional naman kung ikaw ang dahilan. You are not that important to stay in a box of memories." Tila sinuntok ang dibdib niya sa lakas ng pwersa ng sakit dahil sa sinabi nito.
Nawala na nga talaga ang halaga at importansya niya. Pero hindi siya nagpaapekto. Ang nangyari sa nakaraan nila ay nakaraan nalang. Iniisip niya si Chase, marami siyang ipinag aalala. Paano tatanggapin ng batang isip nito ang lahat? Paano niya ipapaliwanag na buhay pa ang totoong papa nito? Na hindi ito kagaya ng ibang bata na wala nang ama. Pero dapat maging masaya siya dahil maiitama na niya ang mali niya noon. Maiipakilala na niya si Chase kay Xandrei. Pero iba ang gusto nito.
He want her to be out of her son life. Kukunin nito ang anak niya. Tapos ano? Lalayo sila kasama ang pamilya nito? Ngayon palang ay para na siyang mamamatay. Pero hindi niya isusuko si Chase. Papatay muna siya bagi mangyari 'yon. Her Son is completely her life. Hininga nito ang bumubuhay sa kanya. Kapag nawalay sa kanya ang anak niya ay baka mabaliw siya. Matigas ang anyo na muli siyang humarap dito. Kapag gusto siyang agawan ng anak ang isang ina. Mas lalo siyang tumatapang. Mas lalo siyang nagiging palaban. Kunin na ang lahat sa kanya wag lang ang kaisa isang tao na kaparte niya. "Buo na rin ang desisyon ko. Hindi ko siya ibibigay sayo. Karapatan mong makilala siya. Pero kung ipagpipilitan mo ang gusto mo. Mas mabuti sigurong wag ka na niyang makilala pa."
Nakita niya ang pagtagis ng bagang nito at pagkuyom ng kamao. "Wag mong subukan ang pasensya ko, Mandie. Dahil hindi mo alam kung ano ang pwede kong gawin."
She's not scared anymore. Lalaban siya para sa anak niya. Hindi niya ito isusuko. "Ina ako. Sana maunawaan mo 'yon."
"And I am his father! Kapantay ng karapatan mo ang karapatan ko sa kanya! Well, kung ganyan ang gusto mo. Let's see in court. At sisigurin ko na sa akin mapupunta anh custody ng anak ko."
To be continued...
------
I've watched this kind of scene before. As in sa totoong buhay. Sobrang sakit na makita na nag aagawan ang dalawang magulang para sa isang anak. Hanggang sa nahirapan yung bata. Lumayas siya. Kapag kasi ganitong agawan, bata ang naiipit sa gitna. Hindi pa nga nasasagot ang maraming tanong sa isip nila pero halos magpatayan naman sa harapan nila ang mga magulang nila.
Have a nice day ahead.
Ai:)
BINABASA MO ANG
Chasing your Love
RomanceChasing your Love Xandrei Sandoval had to move on and forget everything from his past. Pero kaputol na yata ng buntot niya ang katigasan ng ulo niya. When Mandie runaway again. Sinubukan niyang gawin ang lahat para habulin muli ito. Until he witness...