Chasing Eight

18.3K 541 45
                                    

Chase wore his favorite Captain America Shirt.  And he paired it with a white shorts. Kanina pa ito excited. Sabik na sabik na ito para sa araw na ito. Ito pa mismo ang gumising sa kanya.

Inayos niya ang buhok nito. Ilang oras nalang ay may magiging kahati na siya dito. Agad siyang lumuhod sa harapan nito. Pinagpantay niya ang lebel nila at saka ito kinausap. "Mahal kita, Anak. Hinding hindi ako mawawala sa tabi mo."

Ngumiti ito sa kanya. Ang gamit nitong suklay ay isinuklay sa buhok niya. "I love you, Mama." Sabay halik sa pisngi niya. Inakay niya ito palabas ng silid nila.

Pagdating sa bukana ng pintuan ng bahay nila ay nakita niya sa Lanai ang mga magulang. Tahimik lang ang mga ito na nakatingin sa kanilang mag ina. Marahan siyang lumapit kasama si Chase. "Aalis muna po kami."

Tumingin ang ama niya sa kanya. "Are you sure about that, Mandie?"

Tumango siya. Nasa tono nito ang pag aalala. "Tawagan mo kami agad kung ano ang mapapag usapan niyo. Kung kailangan mo ng susundo sa inyo, tumawag ka kaagad." Her mother said.

"I will." Simpleng tugon niya. Nagmano si Chase sa mga ito saka naman siya humalik.

"Bye, Lolo. Bye Lola." Kumaway pa si Chase ng lumabas sila ng bahay. Mag tataxi nalang kasi sila. Nautusan na niya ang kasambahay na tumawag ng taxi kaya paglabas nila ay nanduon na sa harapan iyon ng bahay nila. "Mama, I'm so excited to see my real papa."

Dahan dahan siyang ngumiti. She'd decided already. Kahapon ay pumunta siya sa Sandoval builders at nakiusap siya sa sekretarya nito na ibigay ang kahit isa lang sa mobile phone number nito. Ayaw kasing pumayag na ibigay sa kanya. Wala daw kasi si Xandrei at abala masyado. She tried to call him, but he always rejecting her calls. Hindi niya alam kung sinasadya ba niya iyon o ano. Pagdating ng gabi ay nakatanggap siya ng text messages dito. He's agreeing with her. Makikipagkita daw ito sa kanya kung isasama niya si Chase.

Hindi man siya sigurado but she only wanted to give what her child wants. And Chase wants to meet his real papa.

Xandrei, stood up when he saw a two person walking in the spaghetti house. Kahapon ay nakatanggap siya ng message galing dito. Hindi daw niya sinasagot ang mga tawag nito. He wondered how she gets his number but it doesn't matter.

"Marie! What are you doing in my phone?" Mabilis na nilapag ni Marie ang cellphone niya sa ibabaw ng office table niya ng makita niya ito. Nasa isla pa siya. Bukas ay makikipagkita ulit siya kay Tito Ruth para pag usapan ang magandang hakbang na gawin.

"A-Ah.. Wala may tinignan lang ako. M-May tumatawag kasi eh hindi nakaregister ang number kaya dinilete ko."Hindi nalang siya nagsalita. Alam kasi ni Marie na hindi siya natanggap ng mga unknown numbers sa private mobile niya.

"How's Chandra? Hinihika pa ba?" Tanong niya. Baby palang si Chandra ay may hika na ito.

"Okay na siya. Hinahanap kana nga. Kailan ka ba uuwi sa Isla?" Tumingin siya dito. Ang tinutukoy nito ay ang private island niya. Nasa mukha nito ang bakas ng mga hindi niya malamang emosyon.

"May inaasikaso pa ako. Baka sa susunod na linggo." lumapit ito sa kanya.

"Sana walang nagbago ng dahil sa kanya. Nangako ka sakin, Andrei. Ipinangako mo na---."

Hinawakan niya ito sa pisngi at hinaplos iyon. "I won't break my promises. Nangako ako sayo kaya tutuparin ko 'yon."

Lumapat sa likod nito ang palad niya ng yumakap ito.

Muling hinamig ni Xandrei ang sarili at tumingin muli sa pintuan. Nakita niya ang pagpasok ni Mandie habang hawak sa kamay ang isang batang nasa baywang na nito ang taas. He's so cute in his cap and Captain America T-shirt. Kinausap nitoa ng staff at itinuro ang lamesa niya. Sandali tila nagrambulan ang mga bagay sa loob ng tiyan niya nang magsalubong ang mga mata nila bago niya tinignan ang batang kasama nito. Ang tatlong taon na tanong na naiwan sa kanya ay sa wakas may sagot na. Nasa harapan na niya ang kasagutan.

"Mama, is he my real papa?" Tila siya nabato ng magtanong ito kay Mandie. His voice is sounds like an angel. Gusto na niya itong hilahin at yakapin.

Hindi niya nakita ang mukha ni Mandie dahil nakapokus ang mga mata niya sa paslit. Pero narinig niya itong nagsalita. "Sabi ni Captain America, nakita na daw niya ang other half mo. Are you glad?"

Excitement filled his chest. Hard breath filled his lungs. Tila sasabog ang dibdib niya sa emosyon. Tumitig ang bata sa kanya. Para siyang nakaharap sa salamin. Kusang ngumiti ang mukha niya. "H-Hi." It was hard to approach a little kid who barely know him.

Pero ang lahat ng 'yon ay nasa isip lang, because as soon as he smiles, yakap nito ang sumalubong sa kanya. And it's swollen his heart. Lalo na ng tawagin siya nitong, "Papa, I missed you." Tila nabura panandalian ang lahat ng pangit sa paligid tila napalibutan siya ng masasayang tanawin.

"Son.."

Mahigpit pa rin itong nakayakap sa kanya. Yakap na sabik na sabik. Mahigpit siyang gumanti ng yakap. Pero natatakot siya na  baka maglaho ito sa mga bisig niya at maging panaginip lang pala ang lahat. Pero nang tignan niya ang mga mata ni Mandie. Nakita niyang totoo ang lahat. Dahil nakita niya sa mga luha nito na labis din itong masaya.

Anak ko nga siya... Punong puno ng sayang bulong niya. Ang galit, hinanakit at poot an nadarama niya ay dagling nawala dahil sa yakap ng isang anghel an dumating sa buhay niya.






To be continued...

Chasing your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon