Chasing Twenty Two

18.9K 495 41
                                    

Huminto ang taxi sa harapan ng isang two-storey single detached. May maluwang na bakanteng lote pa iyon sa paligid. May ilang palm trees na rin ang nakatanim.

Bumaba siya ng taxi matapos magbayad. Iginala ni Mandie ang mga mata sa palibot ng bahay na hindi pa natatapos. Matibay ang sementadong pundasyon niyon. Kita pa ang mga hollow blocks dahil wala pang semento iyon. Nakatambak pa rin sa paligid ang mga construction materials. Mula sa gate ay nalatag na ang mga red blocks na magsisilbing pathway. Under construction pa ang bahay dahil wala pa iyong mga pinto at bintana. Wala pa ring pintura at kung ano ano pa.

May kataasan pa ang mga ligaw na damo na umuukopa sa malawak na bakuran. Navivisualized na niya ang babagay na landscape sa garden na 'yon. Paborito din niya ang gardening kaya natutuwa siya sa tuwing nakakakita siya ng nga raw places at kailangan ng sensitibong atensyon.

Tumingala siya sa balkonahe sa ikalawang palapag. Maya maya'y may nakita siyang lalaki na palabas ng bahay. Kilala niya iyon. Iyon ang dating foreman na nakasama nila sa project ng Mandaue noon. "Ma'am Mandie?" Bahagya pa itong nagulat ng makita siya. Ngumiti siya bilang tugon. "Hindi ko ho kayo nakilala agad."

"Kamusta na ho kayo?" Hinubad nito ang hard hat na suot at saka ngumiti ng maluwang.

"Maayos naman ho Ma'am. Pauwi na nga ho ako kasi nanganak na si Misis." Nakisabay siya sa tawa nito habang nagkakamot ito ng ulo. "Hinahanap niyo po ba si Sir?"

Doon niya naalala ang pakay. "O-Oho eh."

Itinuro nito ang daliri sa itaas. "Naroroon ho si Sir. Nakaalis na ho kasi ang mga trabahador eh naiwan pa ho siya doon. Puntahan niyo na ho."

Nagyuko ito ng ulo bago nilampasan siya. Saka niya naramdaman ang pamimigat ng paa. Parang natatakot siyang tumuloy. Kapag ba nagkita sila ulit ano ang sasabihin niya? Hey! Mahal kita tayo na ulit. Ganoon lang agad agad?

Pumikit siya at nagdasal. Pagkatapos ay binanggit niya sa isip si Alec. Alam kong masaya kana kung nasaan ka ngayon. Wag mo na kaming isipin ni Chase. Magiging okay na ang lahat. Salamat sa lahat lahat ng ginawa mo para saming mag ina. Susundin ko ang sinasabi ng puso ko dahil tama ka. Hindi ako labis na magiging masaya kung utak lang palagi ang paiiralin ko. Thank you for two years of friendship. I love you, Alec. You're my best friend.

Tila may malamig na hangin ang yumakap sa kanya. Dumaan lang iyon saglit hanggang sa nakita niya ang mga tuyong dahon na nililipad na ng hangin pagawing kanluran kung saan lulubog ang araw. Hindi man nakikita ng tao ang namayapa na. Pero ang diwa at pagmamahal nila ay nasa paligid lang. Hindi nawawala. Hindi namamatay.

Tila nagkaroon ng lakas ang mga paa niya na humakbang. Pumasok siya sa loob ng bahay. Bumungad sa kanya ang tiled floor na hindi pa natatapos. Kulay krema iyon at makintab. Ang hadgan ay wala pang balustre. Hahakbang na sana siya doon ng makita niya ang pigura ng isang babae na pababa ng hagdan. Gusto niyang umatras at magtago pero huli na. Nakiya na siya nito. Akala ko nag iisa lang siya. "Y-You're here." Bungad niya. Ibang iba na si Marie sa dating simpleng babae na nakilala niya. Mali na pumunta pa siya dito. Mali na umasa siya na kaya oang ayusin ang lahat.

Tumango ito. "May pinag usapan lang kami ni Andrei. Ikaw anong ginagawa mo dito?"

Hindi siya nakasagot. Ano nga ba ang dapat niyang isagot? Wala naman siyang maaaring ibang sabihin dito maliban sa, gusto kong agawin siya sayo. "W-Wala... Napadaan lang."

Tatalikod na sana siya ng humabol ito sa kanya. "Sandali!"





To be continued...




-------

Hindi ko kayo matiis. But I'll be very busy tomorrow kaya baka hindi ako maka pag UD pero susubukan ko sa gabi kapag kaya oa ng powers ko na makipagbonding kay keyboard.

Ako lang ba? O sadyang OA lang ako magbigay ng review? Alam niyo ang ika-anim na utos (Show sa isang local channel) Hindi ako avid viewer niyon pero nasubaybayan ko siya sa YouTube since lagi siyang nalabas sa feed ko. Umpisa, nagkainteres ako sa kwento. Pero habang natagal nayayamot na ako.. As in gusto ko nang iistalk ang writer niyon at sabihang Bias! Kasi naman bakit feeling ko pabor lahat sa kontrabida ang lahat ng chances ng story. Tapos kapag may issue sa kwneto hindi kuna isettle un bago gumawa ng bago. At saka un kontrabida bakit manhid na yata? Sa dami ng gianwang kasalanan parang di man lang tinutubuan ng konsensya o bianbangungot man lang.. Minsan naisip ko tuloy.. Kabit din kaya un nagsulat? Naguguluhan ako e.. Waahh.. Sorry.. Di lang talaga ako makontento eh..nakita ko kasi sa YouTube un latest post and it's sucked! Parang pinaglalaruan nalang ang viewer.

Chasing your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon