Chasing Twenty One

19.6K 483 26
                                    

"Kapag Mahal mo. Mahal mo. Wag kang maraming dahilan."

Bumuga ng hangin si Mandie. Pinatay niya ang laptop at isinara iyon. Si Messy ang huli niyang kausap. Itinakip niya ang mga palad sa mukha. Nahihirapan siya.

Simula ng hapon na magkausap sila ni Xandrei ay hindi na muling nagparamdam ang lalaki sa kanya. Dapat siyang matuwa na mahal pa rin siya nito at ganoon pa rin naman ang nararamdaman niya para dito pero bakit parang ang hirap hirap itama ng lahat?

kahapon ay siya ang sumundo kay Chase sa bahay ng mga Sandoval. Binati siya ni Tita Sheine maging ni Tito Abel. Sa katunayan, unti unti ay pakiramdam niya naiibalik na sa dati ang lahat.

"Hindi ka na sana bumiyahe pa. Pwedeng kami nalang ang maghatid kay Chase sa inyo." Ani ni Tito Abel.

Ngumiti lang siya. "Okay lang po. Kakalabas ko rin lang naman po ng opisina. Dumaan na po ako dito para sabay na kaming umuwi."

Nauunawaan ng mga Sandoval ang sitwasyon nila. At kahit paano ay nasisiyahan na rin siya na nauunawaan ng batang isip ni Chase ang sitwasyon nilang lahat.

Kahapon ay nakita niya si Chandra doon. Kalaro pa nga siya mi Chase. Hindi alam ng anak niya na dumating na siya. Abala kasi ang mga bata sa panunuod sa Television.

"Bakit ba palagi kang punta ng punta dito? Bakit hindi ka nalang dito tumira?" Narinig ni Mandie na tanong ni Chandra sa anak niya.

"Because this is not our house." Maikling sabi lang ni Chase. Nakakaunawa ito ng tagalog kaya madali itong nakakasagot.

Kumunit naman ang noo ni Chandra. Cute ito sa piggy tails nito. Matambok ang dalawang pisngi at namumula pa. "Pero Papa mo din naman ang Papa ko. Bakit bawal?"

Lumunok siya. Mga bata pa sila pero nagtatanong na sila ng mga bagay na bagay na hindi dapat nila iniisip. "Because Mama and Papa are not yet married that's why we can't live here." salubong na kilay na sagot ni Chase. Madalas ay madali talaga itong mainis sa mga taong pala tanong kaya kung minsan ay nag aaway din ito at si Alas.

Nakita niyang kumuha ng chips sa bowl si Chandra at isinubo iyon. "Kapag pinakasalan na ni Papa ni Nanay. Dito na rin kami titira. Kasi ganoon daw 'yon e."

Nanginig ang tuhod niya. May ganoon bang plano sila Marie at Xandrei? Pero ang sabi ni Xandrei ay mahal pa rin siya nito. Nakita niya ang panlilisik ng mga mata ni Chase. "No!" Doon siya napatayo ng tuwid. Nakatayo na si Chase at nakakuyom ang mga kamao. "Papa won't marry your mother because he only loves Mama. He told me! I hate you!"

Akmang itutulak ni Chase si Chandra ng patakbo na siyanh lumapit sa mga ito.

Tumayo si Mandie at nagpalakad lakad sa loob ng opisina niya. Gusto niyang makausap si Xandrei. Gusto niyang malaman kung ano ba ang dapat nilang gawin. Paano sila kung may Marie? Paano si Chase kung may Chandra? Saan sila lulugar mag ina?

"Gaga ka talaga kahit kailan! Bumukaka ka na nga pademure act ka pa. Hello Mandie! Millennials nalang ang mga pabebe. May anak na kayo. Kung ako sayo ligawan mo. Habulin mo. Akitin mo. Gawin mo lahat."

Muli siyang bumugtong hininga. Naiinis na nga si Messy sa mga kaartehan daw niya. Hindi niya alam ang gagawin niya. Pero sa huli, inisip niya si Chase. Gusto ni Chas3 ng kompletong pamilya. Kung mahal siya ni Xandrei pero nhihirapan lang itong tanggapin siyang muli. Gagawin niya ang lahat para balikan siya nito. Mahal niya ito. Sisikapin niyang patunayan dito na karapat dapat siya nitong mahalin muli. At kung kinakailangan na itali niya ito para pakasalan siya. Gagawin niya.

Mabilis niyang dinampot ang telepono at idinayal ang numero sa opisina nito. Pero sekretarya lang ang sumagot. "I'm sorry Ma'am pero nakaalis na po si Sir." Agad niyang tinanong kung saan siya posibleng nagpunta. "Nasa site po si sir. Bibisitahin niya po ang house project niya." Sinabi ng babae kung saan ang address at agad niya iyong pinuntahan.

Sa lahat ng mga naging desisyon niya. Gusto na niang gawin ngayon ang dati pa sana niyang gianwa.






To be continued...






------

Sorry so busy lang. Maybe once nalang ako makapag UD. Plus baka weekend nalang. Baata depende po sa oras ko. Super pagdating ng 8pm gusto ko matulog na agad sa pagod. Huhuhu hirap kumita ng salapi.. Iyak tayo mga bes..

Chasing your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon