Chasing Twenty

19.9K 590 46
                                    

"You brute!"

Hinampas niya sa balikat si Xandrei ng makalayo si Chase habang bitbit ang mga laruan nito. "Bakit mo binastos 'yung tao?"

Hindi ito nagsalita. Nirolyo lang nito ang manggas ng suot nitong onesimus white long sleeves. "Napakabastos mo!"

"Anong bastos 'don? Sinabihan ko lang naman siya na wag nang lumapit sayo."

Naningkit ang mga mata niya. "Katrabaho ko siya. Napakaimposible na hindi kami magkita lalo't iisang kompanya naman ang pinagtatrabahuhan namin."

"Then resign! File a resignation letter." Namangha lang siya sa sinasabi nito. Hindi niya maintindihan kung bakit umaakto ito ng ganito. Samantalang noon una ay halos isumpa siya nito at isumbat lahat sa kanya. Na ultimo yata pagtaas ng Tax at VAT ay kasalanan niya.

"Buti pa umuwi kana. Ihahatid nalang ni JV sayo bukas si Chase." Araw nito bukas kay Chase.

Hinawakan niya ang bag na ipinatong niya sa Garden table pero napigilan siya nito sa kamay. "You're flirting with someone na para bang dalaga ka pa." He accused her.

Binawi niya ang kamay dito. "Wala na si Alec para sawayin ako ng ganyan. And for your information I don't flirt with anyone."

"Eh anong tawag mo sa ginawa natin? Playing jack en'poy? Kung buhay ba ang asawa mo magagawa mo din ba 'yon?" Nag igting ang bagang niya. Hindi niya naibigay ang buong puso niya kay Alec pero kahit minsan ay hindi niya naisip na lokohin pa ito. She been faithful to him. Hindi na niya gustong dagdagan ang kasalanan niya.

"What happened to us days ago ay isang malaking pagkakamali. Pagkakamali na hindi na dapat pang inuulit." Sabi niya sa mababang tono.

"So, pagkakamali din ba ang anak natin. Huh?" Hindi siya nakaimik. Nang uuyam ang tinig nito.

Si Chase ang buhay niya. Kahit kailan ay hindi niya inisip na pagkakamali niya ang anak niya. dahil dumating si Chase sakanya. "Si Chase ang pinakamagandang bagay na naging bunga ng lahat ng pagkakamali ko. Siya ang bunga ng lahat ng ginawa ko." Hindi ito nagsalita. "Hindi ko pinagsisihan na dumating siya sa buhay ko." Tumingin siya sa labas. "Umuwi kana. Baka hinahanap ka na din ng anak mo. Baka hinihika na naman si Chandra."

May pait pa rin sa kanya sa tuwing maalala niya si Chandra. Walang kasalanan ang bata pero bakit pakiramdam niya ay kahati nila ito. Walang sila. Walang malinaw na dahilan kung bakit nag uusap sila. Pero ang malinaw lang pareho silang magulang ni Chase. Pero paano si Chandra? Kung palaging ganito ang ginagawa ni Xandrei. It will affect on the child. Baka hindi niya namamalayan ay nakakasakit na sila ng inosenteng bata.

"Chandra is---."

"Si JV na ang bahala kay Chase bukas. And please, patulugin mo siya ng maaga. Wag mong pabayaan na palaging nagpupuyat." Tumango ito habang nakaigting ang bagang.

Hindi na siya umimik. Tinalikuran nalang niya ito at naglakad papasok ng bahay. Ang alam niya ay nasa tutorial center pa ang mommy niya kasama si Alas. Ang daddy naman niya ay nasa trabaho pa.

"Mandie."

Nahinto siya. Narinig niya ang mga hakbang nito papalapit sa likod niya. Nanatili lang siyang nakatayo. Dama niya ito sa likuran niya. Hindi siya tumimgin.

"Chase him friend. Kung talagang may relasyon sila ni Marie. Aba kumilos kana. Balatan mo ulit ang bibingka. Malay mo naman bumigay din sayo yan."

Kung hahabulin kaya niya ito. Magpapahabol naman kaya ito sa kanya? Tatanggapin  pa rin kaya siya nito? Yung nangyari sa kanila. Hindi iyon basta wala lang sa kanya. Nakaukit iyon sa bawat himaymay ng balat niya at pati sa puso. Umaasa siya na baka isang araw ay magigising silang dalawa na pwede pa rin na pwede pa pagkatapos ng lahat. "I'm tired of chasing you. I hate you but damnit! I still love you!"






To be continued...

Chasing your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon