Chasing Fifteen

18.7K 511 41
                                    

Birthday ni Mang Nestor. Sixtieth Birthday nito kaya may konting salo salo. Nalaman ni Mandie na sa Isla na rin nakatira ang mga ito. Ang kalahati ng isla ay hinati sa dalawa.

"Si Ser Andrei at ang mga kaibigan niya ang nagpagawa ng Pabahay doon sa ilaya." Pagkukwento ni Aling pinang habang tinutulungan niya itong ayusin ang mga kutsara na ilalabas mamaya. "Ang babait ng mga kaibigan niya, nagdonate sila ng mga hay istandart matiryals. Para mabuo ang pabahay."

Kusa siyang napangiti. Naalala niya hinihimok lang niya noon si Xandrei na bakit hindi nito ituloy ang plano nito para sa mga tao. "Tapos 'yung dating libreng pataniman ni Ser, ginawa na niyang koprahan. At saka taniman ng mga gulay. Para nga naman may hanapbuhay ang mga tao dito. Bukod pa doon. May poultry na rin siya. Laking tulong nga dahil ilan na ang mga kabataang nakatapos dito ng kolehiyo dahil sa mga proyekto niya at ng mga kaibigan niya."

Inayos niya ang kubyertos. "Mabait naman po talaga si Xandrei kahit noong mga bata pa kami. Makulit nga lang pero mabait po." Aniya na nakangiti. Sayang saya siya na balikan ang mga panahon na dati ay asar na asar ito sa kanya. Naiinis pa ito dati sa kanya. They even had a first kiss when she was four! Nagselos kasi siya dahil hinalikan ni Xandrei sa pisngi ang ate Nicy niya. So to make it quits siya ang humalik dito.

"Kaya malaki ang pasasalamat namin sa kanya. Lalo na ng makuha niya ang isla sa kabilang bayan? Bukod sa lumakas lalo ang turismo dito. Nagkaroon ng pagkakataon ang mga kabataan na magkahanap buhay ng hindi na nila kailangan makipag sapalaran sa siyudad. Si Budek na bunso ko, hayun tauhan na niya sa Hotel."

Agad na napangiti siya ng marinig ang pangalan ni Budek. Hindi pa siya nagpapasalamat dito. "Kamusta na po siya?"

"Hayun, maayos na ang trabaho. Hindi na siya pabarka-barkada ngayon. Saka nakatutok nalang siya sa trabaho niya. Nakakahiya kasi kay Ser Andrei kung papetiks petiks lang kami." Tumango siya. Sinamahan niya ito na ilabas sa bakuran ang mga gamit na inayos nila.

May ikinabit na tolda sa harapan ng bahay nito. May pahabang lamesa na pinatungan ng puting mantel para lalagyan ng mga pagkain. Agad niyang natanaw si Chase na nakikipaglaro sa mga apo ni Manang Pinang. "Ang laki ng anak niyo, ano? Kamukhang kamukha ng ama." Puna ni Aling Pinang.

Gumanti lang siya ng ngiti. "Ieenroll ko na po siya this coming school year. Mas mabuting masanay na siay dito. Iba kasi sa ibang bansa. Ayoko naman na hindi maranasan nga anak ko ang mga ganitong kabataan." Aniya. May nirekomendang school sa kanya ang mommy niya. Maganda daw doon. Pag uuspan pa nila ni Xandrei iyon. Gaya ng napagkasunduan nila. Sabay silang magdedesisyon para sa bata.

"Pasensya kana kung napagkamalan namin kayong mag asawa noon. Hindi naman namin alam na nagtanan pala kayo." Kumunot ang noo niya.

"N-Nagtanan?"

Inayos nito ang mga Tissue paper. "Oo, yun ang sabi ng lalaking tinawag ni Ser Andrei na Tito John. Dalawa o tatlong linggo pagkatapos mong mawala dito. Dumating dito yung mag asawang mukhang mayaman. At ang narinig namin ay, kung kayo hanggang dulo. Kayo at kapag nangyari 'yon sa sususnod na itanan mo siya. Hindi na kami tututol. Nanay at tatay mo siguro 'yon." Mahabang sabi nito.

Walang sinabi ang mommy niya na nakipag usap ang mga ito kay Xandrei. "Tapos ang sabi naman ni Ser nag away yata daw kayo at nagpakalayo layo ka muna. Grabe din ang away niyo. Inabot ng tatlong taon!" Kahit sa harapan ng ibang tao ay hindi siya ginawang masama ni Xandrei sa paningin ng iba. "Nakakaawa nga ang batang 'yon noon. Aba'y lagi nang nakakulong sa loob ng bahay. Hindi lumalabas. Noong lumabas naman mukha nang ermitanyo ang hitsura dahil sa bigote at balbas. Magaling na nga lang at itong si Marie ay matiyagang naghahatid sa kanya ng pagkain noon. Abala kasi ako dahil nagkasakit ang anak ko. Kaya hayun, binisita siya dito ng mga magulang niya at iniuwi ng Maynila."

Doon na sumagi si Marie sa isip niya. "S-Sila ho ni Marie. Kamusta?" Hindi na dapat niya itinatanong ang mga personal na bagay tungkol sa dalawa pero pinapatay siya ng kuryosidad. "Ayos naman sila. Masaya nga kami ng sa wakas dumating sa buhay namin lahat si Chandra. Bibo ang batang iyon. Tapos idagdag pa ang anak mo. Lagi na tuloy nakangiti si Ser."

Hindi man nito derektang sinabi sa kanya ngunit nahihimigan niya na may kakaiba sa pagitan ng dalawa. Tila pinapatay siya ng selos sa isiping si Marie ang nagaalaga kay Xandrei noong mga panahong winasak niya ito. Unti unti siyang kinakain ng insekyuridad na baka mas higit pa sa kanya ang nakita ni Xandrei kay Marie.

Tutulo na sana ang luha niya ng maramdaman niya ang pagdantay ng kamay ni Manang Pinang sa balikat niya. "Mabait na bata si Marie. Kaya kung iniisip mo na may relasyon sila. Nagkakamali ka. Mabubuting mga magulang lang talaga sila kay Chandra."






To be continued...





-----

Yung humba! Kumukulo na! 😂😂😂

Chasing your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon