Chasing Thirty

20.3K 537 21
                                    

"Ilang lalaki na ba ang nagsabi ng linyang, papakasalana kita ano mang oras. Papakasalan kita sa kahit saang simbahan. But only some Men had proved it. Pero hindi ko sinasabi sayo na kabilang ako sa mga nagpatunay na niyon."

Nakatitig si Mandie sa mga mata ni Xandrei habang hawak nito ang dalawang palad niya. Nasa harapan sila ng altar habang nakatayo sa harapan nila ang pari na kausap nito kanina. Tinotoo nito ang sinabi na papakasalan siya sa misming araw na ito. "Hindi naging madali sa'tin ang lahat. Ee've both hurts and wounded. Nagkasakitan tayo dahil sa mga hindi pagkakaunawaan. Hindi natin parehong gusto pero nangyari. So I am sorry, I am sorry for doubting you. I am sorry for distrusting you. I am sorry for rejecting you. Inisip ko kasi na kung aalisin ko lahat ng nararamdaman ko para sayo ay baka sakaling maging buo muli ako. Baka sakaling bumalik ang dating ako. Baka sakaling hindi kana maging parte ng bawat minutong nabubuhay ako. But I am just fooling myself. Dahil walang segundo na hindi ikaw ang laman nito." Tumulo ang luha niya ng ituro nito ang sentido. "At ito." Bumaba ang kamay nito sa tapat ng dibdib nito. "Ikaw palagi ang laman nito. Umaga, tanghali, gabi hanggang panaginip ko. Para kang isang pinagbabawal na gamot. Na kahit tigilan ko at ayawan ko ay parang tukso na nariyan lang at inaakit ako."

"X-Xandrei..." Naluluhang ngumiti ito sa kanya.

"Ayokong mawala ka pa sa akin. Ayokong maulit ang noon. Ayoko nang makitang papalayo ka. Ang gusto ko ay kasama ka. Kasama ka sa lahat ng oras. Sa lahat ng saya. Sa lahat ng lungkot at sa lahat ng bagyo. My life wouldn't be complete without you. So, I marrying you right now, at ipinapangako sayo na wala nang luha ang papatak sa mga mata mo. Na uunahin ko palaging pakinggan ang paliwanag mo. Na hindi ako maglilihim ng kahit na ano sayo. At ipinapangako ko, na palagi kitang sasamahan sa kahit na aong isasakripisyo mo. Because Love is not just about sacrificing anything. It's about---cooperating. Magkatulong dapat tayo sa lahat. Magkasama sa lahat."

Hindi na napigilan ni Mandie ang tuluyang maiyak. Pinisil niya ang kamay nito. "H-Hindi ko maiipangako sayo ang perpektong pagsasama. Hindi ko maiipangako sayo na magiging maligaya ang lahat ng oras natin. Pero ang kaya ko lang ipangako sayo ay ang gagawin ko ang lahat para hindi masayang ang lahat. Nagkamali ako. May mga nagawa ako. But you still accept me. Nandito ka parin sa harapan ko. Na para bang sinasabi na balewala na ang lahat. Mahal na mahal kita. Hindi nagbago 'yon sa mga nakalipas na taon. Walang nagbago sa lahat. Lahat ng nararamdaman ko para sayo ay nandito pa rin sa puso ko. And when Chase came into my life. Doon ko mas narealized kung gaano kita kamahal. Na sa tuwing titignan ko siya ay ikaw ang nakikita ko. Na---."

"Ssshh.. I love you. Mahal na mahal kita Mandie." Pinahid nito ang luha niya. Nang sa wakas ay oumagitna muli ang pari sa kanila ay may kinuha si Xandrei sa likod ng bulsa ng pantalon nito.

Nanlaki ang mga mata niya at napasinghap. Hawak nito ang Sterling Silver ring niya. "P-Paano mo nakuha 'yan?" Iyon ang singsing na itinago niya sa treasure box niya. Isinuot nito iyon sa kanya noong foundation day kung saan nakulong sila s jail booth hanggang sa napasabit sa wedding booth.

Ngumiti ito. "Chase gave me this. Nakuha daw niya sa gamit mo. And I have mine." Sabay pakita s akanya ng singsing na nasa leeg nito. Ginawa nitong pendant ang singsing na kapares ng kanya. Naluha siya. Hindi niya agad napansin iyin dahil nasa loob ng damit nito. "I never removed this ring in my finger. Pero nang tumagal sumikip na kaya ginawa ko nalang pendant."

Natatawa siya ng iabot nito ang singsing sa kanya. "Sa hinliliit mo nalang kakasya ito." Sav8 niya habang naluluha.

Humarap sila sa pari. "Do you Xandrei Sandoval accept her to be your lawfully wedded wife?"

Kumikislap ang mga mata ni Xandrei na tumango. "I do, father." Sabay suot ng singsing sa kanya. Nakakatuwa na kasya pa rin iyon sa kanya.

Humarap naman sa kanya ang pari. "Do you, Mandie Buenaventura accept him to be your lawfully wedded husband?"

Naluluhang tumango siya. "I do, Father." Saka niya kinuha ang kamay nito at isinuot s ahinliliit nito ang singsing.

Natatawa silang dalawa. Ang kasal kasalan nila at magiging totohanan na. Di man sa haraoan ngayon nga mga taong mahal nila. Pero sa harapan naman ng nagiisang Diyos na pinaniniwalaan nila at sentro ng pag mamahalan nila. "By the Catholic power vested in me. I now pronounced you, husband and wife. Xandrei, you may now kiss your wife."

Pilyong kumindat ang pari sa kanila. Bago siya humarap kay Xandrei. Sa halip na halikan siya nito ay inilahad nito ang palad sa kanya. "Hi. I'm Xandrei Sandoval. Married and already have a one child. Would you allow me to kiss, Mrs. Mandie Sandoval? " Natatawa siya sa ginawa nito.

Kaya naman nilahad niya rin ang kamay at nakipagshake hands dito. "I am Mrs. Mandie Sandoval. It's nice to finally meet you, Mr Sandoval. And of course, you can kiss her."

May ibat iba mang uri ng Pag ibig pero iisa lang ang sigurado sa lahat. Totoo ang pag ibig. Love is real and Love is Accepting.






To be continued...






---------

May nagpm sakin, interesting lang daw ang kwento nila sa first and middle part. Sabaw na daw sa pahuli. Hahaha.. Sorry na po.. Di ako pro. Hihihi

Happy reading
Ai:)

Chasing your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon