TFGP 14: UNWANTED GUEST

20 0 0
                                    


Matapos mag retouch sabay-sabay silang pumunta pabalik sa table nila. pero bago paman sila maka upo sa upuan nila ay hinapit si Ash ng date nito at pumunta sa kng saan. habang si Hell naman ay inaya ni Travis na mag sayaw.

Habang sya ay umupo na. agad naman syang hinapit sa beywang ng binata. He needs to find some information about him.

"Whats your name?" Bulong nya sa binata. He smirked

"Ngayon mo pa naisipang itanong ang pangalan ko. Ang tagal ko kayang nag papasikat sayo." He winked at her.

"Do you have a dual personality?" kumunot ang noo nito sa tanong nya

"Im just curious why you--" 

"No, enough with the questions lady" she frowned at him.

"cute mo pag masungit ka" he pinched her nose and chuckled.

"tss" she just rolled her eyes and crossed her arms while thinking. gusto na niya malaman ang pangalan ng lalaki at kung anong sekreto nito.

while she's sipping her juice  may napansin siyang 3 lalaki na pareho ang mga maskara at pareho ang mga suot. palibot-libot ang mga ito sa loob ng mansyon. nagtaka sya bigla at pasimpleng tumayo. naagaw naman niya ang atensyon ng binata

"where are you going?" tanong ng binata sa kanya habang hawak nito ang kanayng kamay.\

"I need a fresh air, I'll just go outside" pasimpleng hinanap ng mga mata niya ang 3 lalaki at hindi nga sya nagkamali na lumabas ang mga ito sa mansyon.

dali-dali nyang sinundan ang mga ito, ngunit pag labas nya wala na ang mga ito. kaya nman binunot nya ang kanyang baril na nakatago sa ilalim ng kanyang gown. 

nilibot nya ang buong mansyon at napatigil lng sya sa paglalakad ng may marinig syang mga taong nagsasalita.

"Preparado na ang lahat boss" sabi ng isang lalaking may hawak na cellphone, nagtago siya sa likod ng isnag malaking bato.

"na i- set na namin ang mga gas na pampatulog ano na boss? kikidnappin na ba namin ang isa mga Phantom Lords?" nagulat siya dahil sa pag banggit ng lalaki sa isa mga kalabang gangsters. ang Phantom Lords.

nilabas niya ang kanyang cellphone at tatawagan na sana niya si Ash at Hell ng biglanag may nagtutok sa kanya ng baril sa gilid ng ulo niya.

"Sino ka Miss? anong ginagawa mo dito? Anong nalalaman mo?" pinatayo siya ng lalaki habang nakatutok parin sa kanya ang baril.

"If I were you, I would immediately put down that gun of yours before I'll break your neck" 

"Hoy miss, 'wag ,mo kaming matakot-takot. hindi mo alam kung sinong binabangga mo?" sabi ng isang lalaki pinalibutan na nila si Snow and they're grinning like a mad dog.

She smirked, nag bilang siya sa kanyang kamay ng 3 at inumpisahan niyang sipain ang lalaki sa paa , mabilis ang galaw niya at hindi manlang nila naka kilos agad ang 3 lalaki. nag back tumbling sya at naka kuha ng pagkakataong mabaril ang isang lalaki sa balikat. hindi ito nakagalaw matapos nya itong tamaan. hindi totoong bala ang nasa baril nya kundi pamparalisa ng 30 minutos.

biglang nataranta ang mga ito at tumakbo. Tumakbo rin sya ngunit ang isang lalaki lng ang naabutan nya. agad nya itong binalibag at natumba ito. tinapakan nya ang likod ng lalaki at hinila ang braso nito. 

"anong binabalak nyo?" sabi nya sa malamig na boses. sumigaw ang lalaki sa sakit ngunit hindi ito sumagot.

--------------------------

HELL's POV

Masaya ang mga tao sa loob ng mansyon, may nag tatawanan, may nagkakamustahan ngunit iba ang pakiramdam ni Crizzia, they were dancing in a slow song at kanina pa sya nakayuko at hindi manlang matignan si Travis. 

Na aalala parin nya ang nangyari nung nakaraan, malungkot mang isipin na sinaktan sya ni Travis ngunit hindi mawala sa isip nya ang mga pinag sasabi nito. natatakot sya sa pwde nyang malaman.

She was pulled out from her reverie when Travis spoke.

"Hey, 'you alright?" She just nod her head. hindi sya makatingin ng diretso sa binata. parang naluluha sya na ewan. bakit ba ganito ang nararamdaman ko?  nag tataka  at natatakot sya sa nararamdaman nya. 

hindi pa nya nararanasan na ma inlove pero alam nya kung ano ang nararamdaman nya. nag uumpisa na syang magka gusto sa lalaki o baka higit pa.

"Hey, look at me,  is there something wrong? " hinawakan sya ng binata sa baba at tinaas ito. nagtama ang kanilang mga mata at biglang bumilis ang tibok ng puso nya sa di malamang dahilan.

Una syang bumawi ng tingin at tumikhim. 

"I need some fresh air" sabi nya dito. Pero bago paman sya maka alis ay hinawakan sya ng lalaki sa kanyang braso at biglang namatay ang ilaw.

She heard gasp from people at biglang may umilaw sa may gitna ng stage. ngunit walang tao doon. agad syang inatake ng kaba. hindi nya makita si Snow sa kahit saan pati narin si Ash. 

Aalis na sana sya sa kinatatyuan nya ng biglang may magsalita. 

"Pleasant evening everyone, mukhang nagkakasiyahan kayong lahat ha. Sorry na lng. sisirain ko ang gabing ito." 

Na alarma sya at hinanap kung saan ang pwdeng pagtaguan ng lalaki, bigla syang tumakbo sa likod ng stage at hindi sya nagkakamali na may tao roon na may hawak na mic. agad nyang sinugod ang lalaki at pinatumba ito. Agad nya itong kwinelyuhan.

"Who the fvck are you?" The guy smirked at biglang may narinig syang sigawan sa loob ng mansyon. Bigla nyang tinuhod ang lalaki at sapo nito ang pagka lalaki nito, 

"Fvck!" Sigaw ng lalaki. agad nya itong sinuntok at tinurukan ng pampatulog. 

"Crizz" Travis spoke, She suddenly froze baka nakita ng binata ang ginawa nya.

magsasalita na sana sya ng yakapin syang bigla ni Travis.

"Akala ko kung ano ng nangyari sayo! 'wag ka ngang basta aalis sa tabi ko! youre making me worry" mahigpit ang yakap sa kanya ng lalaki nga parang takot na takot itong mawala sya. 

ngumiti sya ng mapait, kung alam lng ng binata kung sino sya.

-------------------------------------------

SNOW's POV

Tinanong nya ulit ang lalaki kung ano ang binabalak ng mga ito at kung bakit gusto nitong kidnapin ang isa sa phantom lords. hindi nya alam kilala ng mga ito ang phantom lords

"you dont wanna talk? fine" agad nyang pinatulog ang lalaki gamit ang kamao nya.

Wala na syang pakialam kung hindi sya makakuha ng impormasyon, sya ang gagawa nun.

Nakarinig sya ng may tumawag sa kanya kaya dali daling tinago nya ang baril sa kanyang hita at binalingan ang nagsalita.

"I've been looking for you, may nangyari sa loob. We need to go" hindi na sya naka sagot ng hinila sya ng lalaki at dali-daling sinakay sya sa loob ng sasakyan ng binata at mabilis itong pina andar.


The Famous Gangster PrincessesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon