I'm Stuck Between Stay or Let Go

252 11 3
                                    

Sabi nila, once you fall inlove, kakayanin mo lahat ng sakit. Dito mo rin matututunan at makakayanang magsakripisyo para sa mahal mo. But how? How will I conquer every pain kung 'yong sakit na nararanasan ko, hindi pa nga natatapos may dumadagdag na muling isa? How can I sacrifice my love for him kung siya 'yong taong nagpapasaya sakin? How can I gave up my happiness? How can I live without thinking about him? Madaling sabihing kalimutan 'yong taong mahal mo pero mahirap gawin.

That's how cruel the people is. Parang bagay na sobrang simple sa kanila dahil hindi sila ang nakakaramdam. Hindi sila ang nasasaktan.

"Arcie!" Malakas na sigaw ni Janelle sa pangalan ko. Halatang may galit sa boses. Ano pa nga ba? Ipapamukha na naman niya sa akin na ang tanga tanga kong pumili ng mamahalin. Na matalino ako sa pag-aaral pero sa pag-ibig bumabagsak. Gano'n nga daw talaga 'yon. Kung sino pa 'yong matatalino sa pag-aaral, siya namang bobo sa pag-ibig.

Galit na iniharap ni Janelle ang aking balikat para makaharap sa kaniya. Nagpadala ako hindi dahil gusto ko rin siyang komprontahin dahil sa pagsasabi niya sa akin ng mga ganoong bagay na madaling sabihin, kundi dahil pagod na ako. Pagod na ako sa lahat ng bagay. Pagod na akong magsalita, umiyak at magmakaawa. Gusto ko na lang magpahinga at mawala lahat ng sakit.

"Break up with him! He's not worth any tear! H'wag ka namang magtanga-tangahan ngayon, please? Sobrang tanga mo na kung iintindihin mo pa rin siya!" Inis na sabi niya. Hindi ako nagsalita. Tinitigan ko lamang siya gamit ang mga pagod kong tingin. Can I just end my life here?

Nang makita niya ang reaksyon ko ay biglang lumambot ang ekspresyon niya at isang mahigpit na yakap ang iginawad sa akin.

"Janelle..." Kasabay ng panginginig ng aking labi ay ang sunod sunod na pagtulo ng mga luhang akala ko'y naubos na. Naramdaman kong mas lalong hinigpitan ni Janelle ang yakap niya sa akin kaya mas lalo akong napahagulhol.

"Shh stop crying, Arcie. Hindi niya deserve ang bawat luhang tumutulo sa mga mata mo. It must be tears of joy and not tears of pain," pag-aalu niya sa akin habang hinihimas ang likod ko.

"I-I can't. Naging parte na siya ng buhay ko."

Inalis niya ang pagkakayakap sa akin at iniharap ako sa kaniya.

"Arcie, nakaya mong mabuhay noon ng wala siya, dumating siya sa buhay mo pero pansamantala kaya alam kong makakaya mo uling mabuhay ng wala siya ngayon," she softly said. Patunay ang lungkot sa mga mata niya na nahihirapan na rin siya sa sitwasyon ko.

Gusto ko na lang talagang mawala ang lahat ng sakit, eh. Pero paano kung hindi ko kayang pakawalan ang dahilan ng mga sakit?

Pagod akong ngumiti at binigyan siya ng isang malungkot na mukha. "Janelle... He became part of my life.  Iba na ang buhay ko noon sa ngayon."

Huminga siya muli ng malalim bago ako hinawakan sa magkabilang balikat. "Then kalimutan mo na nagkaroon ng 'siya' sa buhay mo. Isipin mo na lang na katulad lang siya ng mga nakakasalubong mo sa daan." Aniya bago binitawan ang aking balikat.

Kung ganoon lang sana kadali ang lahat, edi sana walang nasasaktan ngayon. Edi sana, hindi ako umiiyak ngayon. Edi sana, walang taong nagpapakamatay dahil sa sawing pag-ibig.

Nagpaalam na ako sa kaniya pagkatapos ng ilang minuto. Hindi ko naman talaga alam kung saan ako pupunta. Kusa na lang akong nagpapadala sa kung saan ako dadalhin ng mga paa ko.

Sa paglalakad ko ay narating ko na ang hindi pamilyar na park sa akin. Hindi ko alam kung nasaan na ako pero aalalahanin ko pa ba 'yon? Mas mabuti na 'to nang walang makakilala sa'kin.

Pagod akong naupo sa isang swing at nanghihina iyong idinuyan.

Everyone's right. I'm so stupid. Sobrang tanga ko na para hindi na pansinin ang mga panloloko niya. He's Kiro Marquez. And everyone knows him as a notorious playboy. Sobrang special ko naman ata para biglang mabago ang isang Kiro Marquez sa loob lang ng dalawang buwan? Once a playboy, always a playboy.

I'm Stuck Between Stay or Let Go (One-shot Story)Where stories live. Discover now