"Palit tayo ng shift Cass?" Magiliw na sinabi saken ni Rochelle ang kapalitan ko sa shift sa bake shop.
Abala ako sa pag didisplay ng iba't-ibang klaseng cake and cupcakes . Kadarating ko lang kase at ito agad ang una kong ginawa.
Tiningnan ko si Chelle at nginitian. Ang babaeng to baliw rin alam na nag aaral ako eh.
"Ipagpapaalam kita sa Faculty Teacher ako ang bahala" ngiting aso ang iginawad niya saken
Ang tita niya kase ang may-ari ng school na pinapasukan namin. Oo, tama kayo mayaman siya ewan ko lang at nag tatrabaho pa siya gayong mas malaki pa ang allowance niya kesa sa kinikita niya dito.
Ang sabi niya lang ay ayaw niya daw ng umaasa lang siya sa magulang niya. Hindi daw siya ang mayaman ang mga magulang niya lang.
"Hindi pwede Chelle" iniharap niya ako at nag puppy eyes
Akala mo naman talaga cute, oo nga maganda siya pero puppy eyes? Duh.
"Okay sige pero ikaw ang--"
"Nasabi ko na sa Tita ko okay na daw punta ka nalang sa faculty room tapos ibibigay yung new schedule mo, bukas mag papalit na tayo" magiliw na sinabi niya sa akin hindi ko na natapos ang aking sasabihin dahil bigla niya akong pinutol alam na niya ata na yun ang sasabihin ko.
"Okay" lumapit ako sa tables at niligpit ang mga iniwanan na kalat ng mga costumer.
"Uhmm hindi mo ba tatanungin kung bakit gusto ko mag dayshift?" Tiningnan ko siya at kumunot ang noo ko
Bakit ko pa tatanungin?
"Huh? Bakit ko naman tatanungin? I dont need to saka hindi naman ako chismosa"
"Yun na nga kahit ayaw mong malaman . Sasabihin ko parin sayo si Clarence kase uuwi na siya sa Pinas gusto ko kaseng may quality time kami lagi at saka papasok siya sa university na papasukan natin syempre gusto ko magkaklase kami--"
"Okay" pinutol ko na ang sasabihin niya kaya sinamaan niya ako ng tingin masyado kaseng madaldal itong babaeng ito kapag ine-intertain mo lalo mas lalong tumatagal ang usapan baka hindi ako makapagtrabaho ng maayos.
"Cassie naman eh feeling ko talaga konting-konti nalang bitter ka mag boyfriend ka na kase ang ganda-ganda mo ang kinis kinis mo tapos wala ka pang boyfriend konting-konti nalang iisipin ko na Tibo ka Omg!!"
Humarap ako sa kanya. Magsasalita na sana ako ngunit biglang may tumawag sa cellphone niya at galak na sinagot ito ng nalaman na si Clarence na nanliligaw sa kanya ang tumatawag kaya't agad itong nagpaalam at nilisan ang Cake Shop.
Napabuntong hininga na lang ako at nagpasalamat sa Clarence na iyon dahil matatahimik na ang pagtatrabho ko rito.
Hindi kase titigil yun kakadaldal dahil ikekwento pa niya ang pinag usapan nila ni Clarence , kung ano ang sinabi niya at buong-buo niyang idedetalye kung ano ang pinag-usapan nila.
Ganoon kase si Chelle hindi ko alam parang hindi nauubusan ng sasabihin
. Iniisip ko ngang baka lagnatin ito kapag hindi ito nagsaita kahit ng isang oras lang.Buong araw occupied ang utak ko. Hindi ko alam, totoo ba yung time heals everything kasama ba sa everything na yun yung kapag nasaktan ka maghihilom rin ang sugat?
Hindi ko kase alam dahil lumipas na ang isang taon ngunit parang kahapon lang nangyari ang isang bangungot na nakapagpabago sa buhay ko at pati na rin sa pananaw ko.
Hindi naman ako yung tipo ng tao na nagtatanim ng sama ng loob noon. Pero ng dahil sa kanya , siya lang ang napagtaniman ko ng galit siya lang.
Gabi na at pauwi na ako sa apartment na tinutuluyan ko. Medyo maraming ginawa sa lahat ng subjects kahit iilang araw pa lang nagsimula ang klase. Kahit naman occupied ang utak ko nakakasagot parin ako ng tama sa mga quizzes at test namin.
Medyo napagod ako ngayong araw pero kelangan ko parin maglakad para makarating sa apartment ko.
Magugulatin ako pero hindi ako matatakutin. Pakiramdam ko kase may sumusunod sa akin. Binilisan ko ang aking paglalakad dahil pakiramdam ko ay malapit na siya sa akin.
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko at sa pag aakalang makakatakbo ako ng malaya ay napasabit ang paa ko sa kung saan.
Napahiyaw ako sa sakit pero mas nagulat ako ng makitang papalapit sa akin ang isang malaking bulto na alam ko ay isang lalake.
Pero ng maaninagan ko ang kanyang mukha dahil sa sikat ng buwan kahit madilim na sa lugar na ito ay bigla akong nanlumo.
Sana pala ibang tao nalang, mas gugutuhin ko pa na masamang tao ang makakita sa akin. Mas gugustuhin ko pa na nakawan ako o patayin ng kung sino man na masamang loob. Kesa makita ko ang taong ito. Ganoon katindi ang galit ko sa kanya. Sa taong to, na kaharap ko.
Ang taong sumira sa buhay ko.
"B-baby?"
Hi anong masasabi mo sa chapter na ito? Comment ka po plss Thank youu .
