Part Three

1 0 0
                                    


***

Nasa kalagitnaan na ng klase ay nasa isip ko parin ang binitawan na salita ni Alex kanina


Posible kaya na may gusto sya sa akin.... umiling ako at napangiwi sa aking naisip imposible magkaibigan kami

Pero bakit sya umiiyak kanina? Bakit ... bakit niyakap nya ako? Oo hindi naman yun ang unang pagkakataon na niyakap nya ako ngunit bakit may iba nung niyakap nya ako at bakit nasabi nya iyon.

Ayokong sumagi sa isipan ko ang posibleng dahilan kung bakit nya nasabi iyon. Iwinaglit ko nalang sa isipan ko ang isipin na iyon at itinuon ang sarili sa professor na nagsasalita sa harapan ngunit nagdismissed na agad ito.


Second week palang ako dito sa unibersidad na pinapasukan ko. Kumukuha ako ng Comm. Arts at isang freshmen kaya wala pa akong kakilala dito. At isa pa ay kakalipat ko pa lang dito sa Manila dahil sa Laguna ako nakatira... duon nakatira ang mga magulang ko.

Lumabas na ako para tumungo sa caf. mamaya pa kase ang klase sa Communication Skills at iyon na ang aking last subject. Ngayon ko palang napapagmasdan ang kalakihan ng university na ito dahil naging busy ako nitong nakaraan na araw. Malawak at mukhang mga mayayaman talaga ang may kakayahan na pumasok dito. Binaybay ko ang kahabaan ng hall papunta sa caf.




May mga babae na todo harap sa salamin at todo pagpapaganda. Napansin ko rin ang palda nila na 1 inch ang ikli ngunit parang sanay na sanay na sila sa uniforme na iyon tiningnan ko ang akin at bahagyang ibinaba ito hindi kase ako sanay na magsuot ng maiikli.



Ang iba naman sa kanila ay may hawak na libro at ang iba ay abala sa pakikipagkwentuhan

Paliko na ako papunta sa cafeteria ng may madaanan ako na babaeng umiiyak at nakayuko.

Pinagsawalang-bahala ko iyon ngunit lumakas ang hagulgol nya kaya nilapitan ko at naglahad sa kanya ng panyo

"S-salamat" nagdalawang isip syang kunin iyon ngunit kaagad nya rin naman iyong tinanggap nginitian ko sya at umupo sa tabi nya

"Bakit ka umiiyak?" Out of curiousity ay naitanong ko ito sa kanya. Ngunit nginitian nya lang ako kahit may luha pa sa mata nya

"Wala to. Victims of love lang nga pala ano ako nga pala si Kelly. Ikaw?" Nilahad nya ang kanyang palad at tinanggap ko iyon.

"Cass" nginitian ko sya at biglang lumaki ang singkit nyang mata.

"Wow ang ganda mo lalo kapag ngumingiti. Siguro ang gwapo ng boyfriend mo"

"Huh? Ah eh hindi wala ako nun" na mas lalong ikinalaki ng mata nya kahit hindi naman talaga yun nalaki dahil singkit siya



"Sa ganda mong yan ? Sabagay baka mataas standards mo siguro ay marami ka ng nabasted ano?"


Nginitian ko lang siya at pinagmasdan ang pagpunas ng luha nya


"Ano bakit ka nga pala umiiyak?" Pagbabago ko ng usapan


"Ah wala yun lalaki lang tara sa cafeteria nagutom lang ako sa kakaiyak" hinila nya ako patungo sa cafeteria kaya nagpatianod lang ako




Pero nung nasa loob na kami ng caf. ay bigla syang tumigil sa paglalakad at nagulat na parang nakakita ng multo. Nakita kong nakatitig sya sa isang grupo sa isang mahabang lamesa na masayang nagkekwentuhan




"Tara order na tayo sa dulo tayo umupo"



Umorder lang ako ng frappe at isang slice ng cake samantalang siya ay beef steak at kanin


"Oh bakit yan lang kakainin mo?" Nagulat siya na yun lang ang inorder ko


"Ah okay na to. Last class ko nanaman mamaya eh" Nagbayad na kami at naghanap ng mauupuan . Pero hinila nya ako sa pinakang dulo kaya nagtaka ako dahil marami naman na upuan sa unahan.




"Dito nalang tayo cassy ano eh ayoko dun maingay" nginitian ko na lang siya kahit alam ko naman na parang may iniiwasan siya



Nagulat kami sa lalaking humampas sa center table kung saan kami nakaupo kaya napatigil ako sa pagkain




"Aba't tingnan mo nga naman ang tadhana talaga pinagtatagpo tayo"


"Cassy lets go lipat tayo ng iba" hinigit ni kelly ang kamay ko kasabay ng pag hawak ng lalaking mukhang iniiwasan ni kelly



"San ka pupunta? Kelly just please let me explain" matalim at nagbabadya na ang pagpatak ng luha ni kelly ng tiningnan niya ang lalaking to.



"Explain for what? Para saan ieexplain mo kung paano niyo ginawa ang kababuyan niyo?"

"Makinig ka saken ke-"





"Lets go" hindi na natapos ang sasabihin ng lalake dahil hinigit na ni kelly ang kamay ko at nagmamadaling lumabas sa caf.



Ng makarating kami sa garden bigla siyang sumigaw ng malakas



"Ang kapal kapal ng mukha ng mokong na yun ano ieexplain niya kung paano niya hinubaran ang malandi kong tropa? "


Samantalang ako umupo na lang ako sa isang bench at nagsimulang magbuklat ng librong kanina lang binigay sa amin.

"Nagmahal ka na ba?"



Napatigil ako sa pagbuklat ng libro sa tinanong niya. Tiningna ko siya at masaganang umaagos ang luha sa mata niya.



Tumingin ako sa malayo at pinagmasdan ang mga naglalaro ng soccer sa malawak na field na tanaw dito.








"O-oo naman. Nagmahal na ako kelly" nginitian ko siya ng mapait at nabigla siya sa isinagot ko.







Hindi ako yung tipo ng taong mahilig magkwento tungkol sa personal kong buhay lalo na kung ang pag uusapan ay about ... doon






"Life is cruel, life is unfair" sagot niya saken habang nakatanaw din kung saan ko tumatanaw





"No, life is not unfair...." Nginitian ko siya ng mapait.





"Magsisinungaling ako sayo kung hindi ko aaminin na nasaktan ako nung nagmahal ako"







Tinitigan niya ako na wari ba ay inaabangan niya lahat ng salitang sasabihin ko.





"Hindi mo naman mapipilit ang tao na hindi ka saktan at mahalin ka nila sa paraan na gusto mo. Siguro ganoon talaga dumating lang sila sa buhay natin para saktan tayo kase yun ang paraan para matuto tayo."





Unti-unti ay lumiwanag ang kanyang mata at bigla niya akong niyakap habang humahagulgol.






"S-salamat Cassy, buti na lang nakilala kita"







"Tumahan ka na wag mong iyakan ang walang kwenta" I gave her an assurance smile. She dont deserve to be hurt no correction we dont deserve to be hurt by an asshole









Ganoon siguro talaga kalakip ng pagmamahal ang masaktan, ganoon ang buhay kung may saya meron din na lungkot dahil lahat ng bagay may kapalit , kapag masaya ka asahan mong may kapalit ang saya mo sa lahat ng bagay, sa lahat ng oras.







Iniwan ko si kelly na nakatulala sa field at nag paalam para pumunta sa pinagtatrabahuhan ko pero tiningnan niya lang ako habang umaagos parin ang luha sa mga mata niya.






She needs space









Mahina ko lang siyang tinapik sa balikat at umalis.

*

Her ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon