Part 1

19 2 0
                                    

Ala-ala

Dear Ex,

Naramdaman ko na basa ang aking pisngi kaya napangiti ako ng mapakla 'hayst hanggang kelan ba kita iiyakan' .



Isang taon na mag iisang taon na simula ng lahat ng yun pero bakit parang kahapon lang nangyari? Sabi nila time heals everything pero bakit yung sakit na dinulot mo saken nandito parin at hindi man lang nabawasan.




Balita ko masaya ka na sa bagong girlfriend mo pero bakit ganun? Bakit ikaw ang bilis lang para sayo na iwan at kalimutan ako? Hindi man lang ba ako sumagi sa isip mo kahit minsan?



Na may isang babaeng tinanggap ka kahit ano ka, minahal ka kahit sino ka pero mas pinili mo parin na iwan para lang habulin ang isang babaeng may mahal na rin na iba pero sya ang mas pinili mo kahit sa aming dalawa ako ang mas piniling mahalin ka.




Natatandaan ko pa noon nung ipinakilala mo ako sa mga tropa mo at nag inom ka ng sobra. Akala ko noon walang humpay yung saya at kilig na ipinaramdam mo saken dahil humagulgol ka sa akin at niyakap mo ako at sinabi mo rin na 'alam mong mahal na mahal kita kate cassandra sy' halos lumundag ang puso ko matapos mo sabihin yun ngunit matapos mong sabihin yun biglang nawala ang ngiti sa labi ko sa kasunod ng salitang namutawi sa bibig mo.





Hanggang ngayon sariwa pa rin sa isipan ko ang sinabi mo pero bakit ganoon nalang ang pagmamahal ko sayo? Bakit sa kabila ng sinabi mo patuloy parin kitang tinanggap at minahal noon.




Ganoon nalang ba talaga ang pagmamahal ko sayo na kahit inamin mong may gustong gusto kang ibang tao humawak parin ako sa salitang mahal na mahal mo ako?



Author's Note:
Baguhan lang ako eh sorry na mapapatawad nyo pa ba ako? Wala ng second chance? Wala ng forever? Pero srsly, tatlong beses ko lang sinubukan na gumawa ng story dito sa wattpad pero dahil natatakot ako na baka walang pumansin kaya nasa draft lang sila HAHAHAHA

Her ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon