Hanggang kelan
"Hahahahaha babe ano hahahaha ba hahahaha tama na"
"What ? I can't hear you"
"Babe hahahaha please stop hahaha tickling me" tumigil na rin naman sya sa pagkikiliti saken
Nandito kami ngayon sa malawak na lupain nila. We are celebrating our 4th year anniversary.
Nakaback hug sya saken habang nakatitig kami sa malawak na lupain nasa taas kase kami ng burol kaya kitang kita namin ang kabuuan.
"Ang ganda talaga dito"sabi ko
Nagtaka ako bakit natahimik sya kaya tumalikod ako para harapin sya
"Oh bakit natahimik ka?" Pero instead answering my question tinitigan nya lang ako he stare like im the most beautiful girl in his eyes
"Wala lang. Im so happy pakiramdam ko ako na ang pinakamasaya at pinakamaswerte na lalaki sa buong mundo"
"Ako rin naman eh sobrang saya ko nakakatakot yung saya kase parang everything is so perfect to think na parang may mali at parang may kapalit ang lahat" napakagat ako sa labi para pigilan ang nagbabadyang luha sa mata ko nasasaktan ako na baka di ko kakayanin na mawala ang lalaking kaharap ko ngayon hinawakan nya ang kamay ko at hinalikan ito ng hindi inaalis ang tingin saken.
Hinawakan nya ang pisngi ko at inilagay nya sa likod ng tenga ko ang iilang hibla ng buhok na nasa pisnge ko saka hinalikan ang noo ko.
"Wag kang matakot babe tandaan mo ito , hinding hindi ko hahayaan na magkalayo tayo , hindi ko kaya"
Dahan dahan nyang inilapit ang mukha nya pero pinigilan ko sya
"Hoy lalake nakakailan ka na ah?" Nag pout sya at napatawa naman ako ang cute nya kase
"Bakit mo ko tinatawanan huh? Bakit ikaw lang ba ang cute pag nag papout?"
"Tumigil ka nga hindi bagay"
"Isa na lang please? Nakaka 57 kiss pa lang naman ako eh gagawin ko ng 60"
Sinamaan ko sya ng tingin nabilang pa nya yun ? Ang takaw naman ng lalaking to
"Ayoko tumigil ka nga mukhang uulan na oh tara umalis na tayo dito"
Akmang tatayo na ako ng bigla nya akong higitin at halikan ng mariin. Kasabay ng paglapat ng mga labi namin sa isa't-isa ay kasabay rin ng pagbuhos ng ulan.
Nabigla ako dahil i didn't expect this such a kiss stealer tss
Magsasalita sana ako between our kisses pero wrong move nagkaroon sya ng way to enter his tounge so i start to kiss him back and that time we kiss passionately.
At iniisip ko na sana hindi na matapos yung oras na yun na magkasama kami....
Napabalikwas ako ng higa at napahagugol na maalala na nananaginip nanaman ako. Napapanaginipan ko nanaman sya. Napahawak ako sa labi ko
Nabebweset na ako lagi ko na lang syang napapanaginipan
'Namimiss mo na kase'
Sabi ng kabilang sulok ng utak ko
"Hindi ko sya namimiss noh "
"Hay naku para akong tanga nakikipag-usap sa sarili ko"
'Tanga ka naman talaga'
Napapikit ako ng mariin . Tumayo na lang ako at pumasok sa banyo para maligo
Bakit ganun? Bakit kahit anong pilit mong isiksik sa utak mo na wala na tapos na at wala na sya. Ayoko ng maging miserable pero bakit ang kulit ng tadhana?
Bakit paulit-ulit nalang na hindi nya ako pinapatahimik at laging sya ang laman ng mga panaginip ko
Natapos na ako maligo at nag ayos ng kaunti para pumasok sa shift ko sa pinagtatrabahuhan ko . Mamaya pa kaseng tanghali ang klase ko.
Naglakad na lang ako dahil malapit lang ang inuupahan kong apartment sa part time job ko ganun din ang university kung saan ako pumapasok
Habang naglalakad ako may nakakasalubong ako na mga magkakasintahan na masayang naglalakad at halatang mahal ang isat'-isa. Napabuntong hininga nalang ako at yumuko habang naglalakad
Napapaisip nalang ako minsan may karapatan ba akong mahalin at magmahal? Bakit kapag kung sino pa yung taong minamahal at sineseryoso mo bakit sya pa yung pinaglalaruan at niloloko?
Ganun ba talaga ka-unfair ang buhay? Meron ba talagang Mr. Right na darating sa buhay mo na wait lang dahil natraffic lang sa malalanding tao?
Bakit parang hirap paniwalaan ang salitang forever karamihan sa mga tao? Hindi naman natin hiniling na masaktan tayo kapag minahal natin ang isang tao diba?
Bakit ba maraming taong nagpapakahopeless romantic dahil ilang beses man silang magmahal pero ilang beses rin silang sinasaktan. Nakakagago ba ? Masaya bang manloko kaya dumadami na sila ngayon ? Why is it life is so unfair for the one who just want to be fair in everything.
Iilang beses na ba tumulo ang luha mo sa mga taong pinaglaanan mo ng pagmamahal pero piniling saktan at iwan ka kesa suklian ang pagmamahal mo. Pero diba ? Kung susuko ka nalang at ipapakita mong mahina ka sa kanila patuloy ka pa rin nilang sasaktan ng paulit ulit . Tuloy parin. Kahit ilang beses na nadapa at nagkasugat sa tuhod ilang beses ka rin tatayo at ngingiti para ipakitang masaya ka at hindi ka nila mapapasuko sa buhay kahit kelan.
Kahit na sa loob loob mo gustong gusto mo ng ipagsigawan na 'Tama na hindi ko na kaya'
Nakarating ako sa coffee shop na pinagtatrabahuhan ko at naabutan ang kapalitan ko sa shift na napasok rin sa paaralan na pinapasukan ko na abala sa maraming costumer na maya't maya at nabili at napasok sa shop namin kaya dali dali akong pumasok.
"Cass buti nalang dumating ka ng maagap ang dami natin costumer ngayon grabe naman kase si Alex di nanaman pumasok ngayon" abala sya sa paglalagay ng vanilla cake sa box.
"Hayaan mo na yun di ka pa nasanay dun"
Mag 11 PM na ng humupa ang dami ng costumer na pumapasok at umoorder sa shop namin. Masarap kase talaga ang cake at cupcakes dito hindi lang ang mga coffee namin.
'Cass' nagulat ako ng biglang may bumulong sa likod ng tenga ko kaya hinarap ko ito at natagpuan si alex na nakangisi may natuyong dugo sa gilid ng labi at pasa sa bandang mata
"Napaano ka? Teka gamutin natin yan" dali dali akong lumakad papunta sa kwarto kung nasaan ang medicine kit. Meron kame non para in case na may masugatan dito sa kitchen. Pero hinawakan nya ang braso ko at niyakap ng mahigpit
"Cassandra hanggang kelan ?" Naramdaman ko na basa ang balikat ko. Sinubukan ko na kalasin ang yakap nya sa akin pero nabigo ako
"Hanggang kelan ka pa makukulong sa nakaraan? Sana hayaan mo naman na makapasok ang ibang tao sa buhay mo para mapasaya ka at mahalin ka"
Pagkatapos noon ay agad syang umalis sa pagkakayakap nya sa akin dali-daling tumungo palabas.