Chapter 4

1.4K 37 0
                                    

Dahil transferree lang ako sa school na ito ay wala akong kilala pero may isang bagay ang umagaw ng atensyon ko. Hindi ko inasahang makikita ko yung babae nakita ko sa park noong isang araw.

"Hi, I'm Gio Marcello. But you can call me Blood." Inilahad ko yung kamay ko sa kanya.

"Skye Sandoval. Why your nickname is Blood?" Kinuha niya ang kamay ko para makipagkamayan.

"Because I want to." Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya ang totoong dahilan. Baka matakot siya sa akin pagnalaman niya.

Pagkatapos ng boring naming klase ay uwian na rin sawakas.

Naglalakad ako palabas ng campus kasama si Skye. Pero biglang huminto sa paglalakad itong si Skye na parang may nakita.

"Lucas?!"

Napatingin ako kung saan siya nakatingin. May isang lalaki akong nakita. Mukhang mayaman. Sabagay dahil may sariling kotse.

Binigyan niya ng ngiti si Skye bago sumakay ulit sa kotse niya at pinatakbo ng mabilis.

"Do you know him, Skye?" Tanong ko sa kanya.

"Yes. Siya yung kinukwento ko sayo kanina."

"I see. May itsura rin naman siya. At mukhang nageeffort sa lahat na ginagawa niya ngayon."

"Ayaw ko lang masaktan ulit." Tumingin ako sa kanya. Pailing iling na lang siya.

Kahit ngayon lang kami nagkakilala ni Skye ay napapansin kong hanggang ngayon ay mahal pa rin niya yung lalaki kanina.

Basta ako yung babae nakita ko sa mall. Kung sino man siya sana balang araw magkita ulit kami.

Kainis!

Kaya nga ayaw ko magaral dahil ang daming ginagawa. Binigyan pa kami ng maraming homework. Mabuti na lang lunch break na at magkakasama kaming tatlo. Si Skye at ang best friend niyang si Felix.

"Felix, nasaan ba yung kapatid mo?" Tanong ni Skye kay Felix. Kilala ko rin naman ang kaibigan ni Skye. Pinakilala niya sa akin noong isang araw.

"Miss him already? Pero hindi ko alam kung nasaan si Luke ngayon."

"Diba, kapatid mo siya? Dapat alam mo." Sabi ko. Sabihin niyo sa akin na mali ako.

"Ilang araw na rin siya hindi umuuwi sa bahay. Kahit si mama nagaalala na rin kung nasaan si Luke. Tinawagan na rin ni papa sina Ethan at Nate kung alam nila kung nasaan si Luke pero kahit sila wala ring alam. Baka naman si Gavin may alam, Skye." May pagaalala sa boses ni Felix.

"Hindi ko alam kung may alam si Gav. Busy rin kasi sa trabaho yun."

"Ganoon ba? Kahit tawagan hindi rin siya sumasagot."

Tumingin ako kay Skye dahil bigla siyang tumahimik. Malungkot ang mga mata na pinapakita niya ngayon.

Sa tingin ko ay nagaalala rin siya sa kapatid ni Felix hindi lang niya sinasabi.

Pagkatapos ng klase namin ay nagpaalam na ako kay Skye dahil nakatanggap ako ng tawag galing kay Cloud. Nasa warehouse daw si Aria ngayon at nanggugulo.

Nagmamadali akong pumunta sa warehouse.

Noong nakipaghiwalay sa akin si Aria ay pinalayas ko na siya sa buhay ko kahit sa pagiging gang. Hindi na siya member ng gang.

Pagkarating ko ay lumapit sa akin si Dark.

"Blood, ayaw tumigil ni Aria sa paggulo sa warehouse."

Nagmamadali na akong pumasok sa loob. Fuck. Ang gulo nang loob ng warehouse.

"Aria!" Tawag ko sa kanya. Sumusubra na siya.

"Gio. Baby." Akmang yayakapin na sana niya pero umiwas ako. "Gio, why?"

"Pagkatapos mo ko pahiyain sa harap ng maraming tao tapos ngayon kakausapin mo ko na gusto mo kong bumalik sayo. Ginawa ko lahat para hindi mo ko iiwan, Aria. Lumuhod pa ako sa harapan mo pero sinabi mo lang sa akin na pera ko lang ang habol mo."

"Gio, sor--"

"Stop saying sorry! Hindi sapat ang lahat na sorry mo! Kaya umalis ka na rito." Sabay turo ko sa pinto. "Baka ano pa ang gawin ko sayo."

Wala na rin nagawa si Aria kaya lumabas na siya ng warehouse.

"You'll pay for this, Gio!" May pahabol pa siya bago tuluyang umalis.

Dapat ba akong kabahan.

Hindi.

Dahil wala naman akong kahinaan.

Biglang tumunog ang phone ko kaya kinuha ko sa bulsa para tingnan.

From Aria-ex,

I will find that bitch and I will kill her.

Napabilog ang mga mata ko.

To Aria-ex,

Try to touch her and I'm the one who kill you, gold digger. And don't you dare call her a bitch!

Tinawagan ko ang isang member ng gang ko.

"Blood, sup?"

"Raven, bantayan mo ng maigi ang mga kinikilos ni Aria. And make sure hindi ka niya mapapansin."

"No problem, Blood. Ako bahala diyan." Binaba ko na yung tawag.

Tumingin naman ako sa dalawa kong kasama. Sina Dark at Cloud.

"Magbantay lang kayo ng warehouse. Kung may kalaban ay agad niyo lang akong tawagan."

"Roger! Sagot ni Cloud. Tumango naman si Dark.

Marami rin kami naging kalaban. Sabagay gusto rin nila kami lagpasanan. Gusto rin nila talunin kami pero sa akin pa lang ay wala na silang lahat. Palagi ko sila tinatalo sa lahat na laban.

Naglalakad ako sa hallway noong makasalubong ko si Skye.

"Oh. Mukhang masaya ka ngayon." Napansin pala niya yun.

"Yes. May nakita kasi akong babae noong isang araw. Shit, Skye. Ang ganda niya."

"Then? Nakuha mo pangalan

"Yun nga, eh. Hindi ko nakuha ang pangalan niya."

Paano ko naman makukuha ang pangalan? Ni kausap nga hindi ko ginawa.

"Too bad." Tinapik ni Skye ang balikat ko.

"Anyway, may gawa ka na bang project sa History?"

"Don't remind me that? Malaki pa ang problema ko ngayon."

"Bakit naman?"

"Walang paramdam sa akin si Lucas. Kailangan ko rin makausap si Felix

"Why? Saan siya pumunta ngayon?"

"I don't know." Kibit balikat na lang siya.

Ang tanga mo rin, ano, Gio? Gusto bang kausapin ni Skye si Felix kung nasaan ang kapatid.

Iba rin kasi ang kurso ni Felix kaysa sa aming dalawa ni Skye. Magkaklase kasi kami ni Skye kaya pareho ang break time at labas namin.

"By the way, Blood, pagnakita mo itong mystery girl.. You should ask her name."

"Oo naman. Hindi ko na papalagpasin ang pagkakataon."

Pagkatapos ng klase namin ay nagpaalam na si Skye sa akin na hahanapin pa saw niya si Felix. Ako naman ay dumeretso na rin sa warehouse para kamustahin sila.

~~~~

Leave a comment and press ☆ to vote

Road To ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon