Chapter 6

1.3K 32 0
                                    

Star's POV

Kumakain kami ni Beryl sa isang restaurant. Sa totoo lang ang mahal ng pagkain rito pero wala naman problema sa presyo ng pagkain kay Beryl. Mayaman ang pamilya niya.

"Musta ka na, Beryl?"

"Ayos lang naman ako."

Mukhang move on na siya kay Gavin. Hindi na kasi siya umiiyak sa tuwing nagkikita kami.

"At saka may nakilala akong lalaki sa pinapasukan ko."

"Oh. Ano pangalan?"

"Matt Wayne. Tinanong niya ako kung ayos lang sa akin na ligawan niya ako. Pumayag naman ako."

Nagulat ako sa mga narinig ko. Seryoso ba ang kaibigan ko doon?

"Why? Bakit ka pumayag?"

"Ano naman masama? He's single, I'm single."

"Wag mo siya sagutin, Beryl."

"Bakit? Dapat nga maging masaya ka dahil move on na ako sa kakambal mo."

"Basta."

Kailangan kong kausapin si Gavin ang tungkol rito. Kailangan may gawin ang kakambal kong iyon.

Ayos lang naman kahit sila ni Beryl ang magkatuluyan basta mahal nila ang isa't isa.

Pagkatapos namin kumain ay pumunta na ako sa Moon Cafe dahil kailangan kong kausap si Gavin.

Nakita ko si Gavin na may kausap na waitress. Nilalandi ang boss. Tsk.

"Twinny, we need to talk." Singit ko sa paguusap nila. Yumuko ang malanding waitress bago umalis.

"What do you want to talk about?"

"May alam ka na ba may lalaking may gustong mangligaw kay Beryl ngayon?"

"Oh. Ano gusto mong gawin ko? Yun naman ang gusto kong gawin niya. Ang kalimutan ako at makahanap ng ibang lalaki na magmamahal sa kanya."

"Twin naman! Sayo pa nanggaling na mahal mo rin siya."

"Nakikita mo ang sitwasyon namin ngayon, twinny."

"Hindi mo ko naiintindihan, Gavin!" Napasigaw ako kaya yung mga customers ay napatingin sa amin. "Kailangan may gawin ka para hindi sagutin ni Beryl yung lalaki. Wag mo na isipin kung ano man ang sitwasyon. Ang importante naman kung gaano mo kamahal ang best friend ko."

"Anong gusto mo iparating, Star? Kalabanin ko ang lalaking na iyon para makuha si Faye? Kung saan masaya si Faye, doon na ko kahit masa-" Sinampal ko si Gavin. Isang malakas na sampal. At sa buong buhay ko ngayon ko lang sinampal ang kakambal ko.

"Hindi na ikaw ang kilala kong Gavin. Ang kakambal ko ay hindi agad sumusuko."

Pagkasabi ko noon ay umalis na ako.

Nandito ako ngayon sa hapag at hindi ko pinapansin si Gavin dahil hanggang ngayon ay naiinis pa rin ako sa kanya.

Napapansin kong ang tahimik rin ni papa. Ano kaya ang nangyari?

Napansin ko rin nakatingin siya kay Skye. May ginawa bang mali si Skye?

Yumuko na lang si Skye.

Ano kaya yun?

"Greg, bakit ganyan ka makatingin sa anak mo?" Tanong ni mama. Pero hindi naman sumasagot si daddy.

"Skye." Tawag ni daddy kaya tumingala na siya ng ulo. "Umamin ka nga sa akin.. Buntis ka ba?"

Nagulat ako sa sinabi ni daddy.

Si Skye.. Buntis?

Si Lucas ba ang ama ng dinadala niya?

Bago nangyari ang ginawa ni Lucas na pagloloko kay Skye ay madalas ang pagsasama nilang dalawa. Napapansin ko yun dahil nakikita kong masaya na si Skye sa tuwing kasama niya si Lucas.

"Totoo ba yun, Skye?" Tanong ni mama. Tumingin lang ako sa kapatid ko.

"S-Sorry po." Yumuko na ulit si Skye. May narinig na akong hikbi. Gusto kong damayan ang kapatid ko pero alam ko naman magagalit siya sa akin.

Napatingin ako noong makita kong umalis si daddy sa hapag kainan. At tumayo na rin si Skye para sundan si daddy.

Alam ba ni Lucas na buntis si Skye? Yun siguro ang dahilan niya kaya siya nanggulo dito noong nalaman ni daddy na may kasamang ibang babae si Lucas. Nakita kasi namin umiiyak ang bunso namin.

Nakita kong lumabas na si Skye sa opisina ni daddy at umupo na siya sa sofa kaya tinabihan ko na siya. Pero hindi naman niya ako sinigawan.

"Skye, alam kong malaki ang kasalanan ko sayo. Pero gusto ko lang bunalik ang kapatid ko na kaibigan ko rin." Hindi sumagot sa akin ang kapatid ko. "Kung gusto mo tutulungan kita alagaan ang anak mo. Magiging mabuting tita ako sa kanya. Para na rin makabawi ako sayo kasi miss na miss na kita, Skye."

Niyakap ko si Skye pero inaasahan kong tutulakin niya ako kaya lang hindi niya ginawa. Narinig ko rin siyang umiyak.

"S-Sorry rin, Star."

"It's alright, sis. Mas okay sa akin kung bumalik ang dating samahan nating dalawa."

"Kung gusto mo wala naman problema sa akin." Ngumiti na siya sa akin. Salamat dahil okay na kami ni Skye.

"Salamat, Skye." Pinunasan ko na ang luha niya.

"May kaklase pala ako na may gusto sayo, Star."

Kumunot ang noo ko. Sino naman kaya?

"Sino naman?"

"Si Gio Marcello."

"Gio? Ah, siya ba yung lalaking kasama ni Felix na pumunta sila rito?" Tumango siya sa akin. "Paano naman siya magkaroon ng gusto sa akin?"

"Ang kwento niya sa akin noon ay nakita ka daw niya. Hindi nga lang niya sinabi kung saan tapos noong nakita ka niya sa school ay sinabi niya sa amin ni Felix na ikaw yung crush niya. Gusto nga niya ipakilala ko siya sayo."

"Gwapo naman siya pero bata siya para sa akin."

"Ayaw mo ba mas bata sayo?"

"Hindi naman sa ganoon. Wala pa talaga akong balak pumasok sa isang relasyon." Pagsisinungaling ko pero ayaw ko naman sabihin kay Skye ang totoong dahilan ko dahil masasaktan ko lang siya. "Ang gusto ko lang ay tumulong na muna sa pamilya natin."

Mayaman rin naman ang pamilya namin pero gusto ko rin naman tumulong kila daddy.

We owned a two cafes pero binigay na ni daddy kay tito Derek ang Sun Cafe dahil nahihirapan si daddy na asikasuhin ang dalawang cafe. Naging maayos rin naman ang Sun Cafe kaya naisipan na rin ni dad na ibigay na lang ang isang cafe.

Kinagabihan, binuksan ko ang email ko dahil may natanggap akong email galing sa isang agency na inapplyan ko sa Paris.

I smiled when I read the message.

Tanggap ako sa Paris. Isa lang ibig sabihin noon pasado ako sa interview.

In three months pupunta na akong Paris.

"Mom! Dad!" Sigaw ko pagkalabas ng kwarto.

"Ano nangyari sayo?" Biglang dating ni mama.

"Sino umaway sayo?" Grabe naman si dad.

"Wala naman po umaway sa akin."

"Ano nangyari sayo?" Tanong na ni dad.

"Natanggap po ako sa Paris." Masayang anunsyo ko. Niyakap ako ni mama.

"Ang galing talaga ng anak ko."

"Congrats, Star. Kailan ang alis mo papunta doon?"

"In three months, dad."

"Galingan mo doon ah." Sabi ni mama. Tumango ako.

Ito ang gusto ko sa mga magulang ko dahil sobrang supportive sila sa pangarap ko.

~~~~

Leave a comment and press ☆ to vote.

Road To ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon