Chapter 8

1.3K 31 2
                                    

Blood's POV

Five years later..

Natupad ko ang pinangako ko kay Star na magtatapos ako at hihintayin ko ang pagbalik niya galing Paris.

Minsan ay nakakausap ko si Star at pinapadala niya ako ng mga pictures. Kahit ganoon ay hindi ako nawawalan ng pagasa.

Ngayon ay pumasok na ako sa Jackson Empire dahil pinasok ako ni Felix dito noong pagkagraduate ko. Alam ko malayo ang kurso ko rito sa trabaho pero hindi naman ako mahirap turuan kung interesado ako sa ibang bagay.

Lunch break...

Naglalakad ako pababa sa hagdan dahil exercise na rin ito pero may narinig akong umiiyak. Sumilip ako para tingnan at nakita ko sina Fiona at Skye.

Anong ginagawa nila rito?

May inabot akong panyo kay Skye. Tumingin siya sa akin.

"Kyaaa! Si Gio pala ito." Tumayo si Fiona sabay yakap sa akin.

Hindi talaga sumusuko si Fiona pero ayaw ko naman siyang saktan.

"Anong ginagawa mo rito, Blood?"

"I'm working here as an assistant director. Alam kong ang layo ng kinuha kong kurso sa trabaho ko."

Wala naman talaga ako balak magtrabaho pagkatapos kong nagaral. Para kay Star ay gagawin ko ang lahat at maipakita ako sa ama niya.

I don't care about the money of my own.

Noong namatay ang lolo ko ay imbes na huminto ako pero tinuloy ko pa rin. Nagulat nga ang mga kamag anak ko na gusto ko ituloy ang pagaaral. Hindi na dahil sa mana ito.

"At saka ayaw ko makitang umiiyak ang kaibigan ko."

"Sorry." Kinuha na niya yung panyo. "Ibabalik ko na lang sayo sa susunod na pagkikita natin."

"No, keep it, Skye."

Mabait naman talaga ako sa mga kaibigan ko pero pag kalaban o gusto akong kalabanin ay doon lalabas ang isang ugali ko.

"Ano ba ang ginagawa niyo rito?"

"Itong si Skye kasi gustong makita ang masungit na CEO ng kumpanyang ito. Ayan tuloy nasaktan." Sagot ni Fiona.

Oo nga pala si Lucas pala ang ama ng anak ni Skye na si Ashton. Kilala ko si Ashton dahil kasama ako noong nanganak si Skye. Pareho kami ni Felix kinabahan noon.

"I see." Sumandal ako sa pader. "Siya pala ang ama ni Ashton."

"Musta na pala kayo ni Star." Tanong ni Skye. Sa akin talaga ang topic ngayon.

"Ganoon pa rin. Mukhang wala akong pagasa sa kapatid mo." Pagbibiro ko.

"Akin na lang kasi. Kung ako ang liligawan mo ay may pagasa naman na sagutin kita." Sabi ni Fiona. Ngumiti na lang ako sa kanya.

"Sorry pero loyal ako kay Star. Wala akong balak sumuko sa kanya."

Mukhang nasaktan ko si Fiona. Ayaw ko naman tumaas ang pagasa niya sa akin. Sinabi ko sa kanila kung paano ko nakita si Star. Nakita ko siya sa mall pero hindi ko sinasabi anong ginagawa ko doon.

"Wala ka bang gagawin?" Tanong ni Skye.

"Break ko ngayon."

Bigla ko tuloy naalala tuwing lunch break namin ay magkakasama kaming lima. Kahit iba ang schedule namin ay nagagawa pa namin makipagkita kay Skye noon.

"Miss ko na yung samahan nating lima." Sabi ko. Tumango naman sila ni Fiona.

"Tayo pa lang ang pwedeng magkita kita dahil yung dalawa busy sa pagaaral. Si Vix palaging puyat sa duty niya." Sabi ni Fiona.

Agree ako diyan. Kaya nga ayaw ko maging nurse o doctor dahil walang sariling oras.

"At si Felix naman ay maraming projects na kailangan niyang tapusin." Sabi naman ni Skye.

"Hirap noon dahil walang sariling oras ang doctor." Sambit ko.

Nagkakatuwaan na kaming tatlo rito sa hagdanan.

"You know, ladies.. May party bukas sa bahay. Iniimbita ko kayo." Pagiimbita ko sa kanila.

"Gusto ko pumunta pero hindi ko naman maiwanan si Ashton sa bahay. Alam mo naman busy ang mga tao sa bahay."

"How about your mom?"

"Ayun. Palaging sumama kay daddy at Gavin sa cafe."

Oo nga pala may ari sila ng sikat na cafe rito sa LA. At dahil may gwapo naman ang ama nila.

Narinig ko ang pagtawa ni Fiona.

"Sayang naman." Nalungkot ako. Kaya ko lang naman gagawin ito para magsama ulit kami.

Habang naguusap kaming tatlo hanggang may narinig kaming tumikhim. Tumingala ako at lumingon naman ang dalawang babae para tingnan. Si Lucas pala ang tumikhim.

Wait.

Anong oras na?

Tiningnan ko ang oras sa wrist watch ko. Patay! Tapos na ang lunch break ko.

"Sir Jackson?!" Nagulat ako. Sana hindi siya magalit sa akin. "Hala. Nawala sa isip ko tapos na pala ang break ko."

"Sorry, Blood ah."

"Ayos lang yun. Ano ka ba."

"You can go at mr. Marcello's party tomorrow. Ako ang bahala sa anak mo kung gusto mo." Pagsabi ni Lucas ay umalis na siya.

Nakita kong tumakbo si Skye para habulin si Lucas. Kaya naiwan na kami rito ni Fiona.

Sumilip kami ni Fiona dahil wala akong ideya kung ano na ang nangyari sa loob.

"Bagay nga talaga kayo. Ikaw tanga, siya gago." Sama talaga ang ugali ni Fiona. Alam ko namang galit siya kay Lucas dahil wala siya noong lumalaki si Ashton.

"Manahimik ka nga diyan, Fio." Singhal ni Skye. Tumawa na lang ako.

Ang saya nila makasama ngayon.

Pagkatapos ay nagpaalam na ako dahil late na talaga ako sa trabaho ko.

Dumating na rin sina Skye at Fiona. Akala ko nga hindi na pupunta si Skye dahil busy siya sa pagalaga kay Ashton.

Dumating na rin si Vixen at Felix.

Nagkakasaya kami ngayong gabi. Inuman, sayawan.

Nagpaalam sa amin si Skye na lalabas na muna dahil tumawag sa kanya si Lucas. Tumango ako.

Lasing na ito si Fiona dahil ilang shots na ang nainom niya.

Bawal uminom sina Felix at Vixen.

Si Felix kasi may pasok pa siya bukas.

Si Vixen naman ay may duty pa siya mamayang madaling araw kaya saglit lang siya rito.

Okay na rin yun dahil nagkasama kaming lima.

Bigla kong naalala si Star.

Musta na kaya siya?

Sana nandito siya ngayon.

Miss ko na siya.

Hanggang ngayon ay hinihintay ko ang pagbalik niya dahil ang sabi ni Star sa akin ay baka sagutin na daw niya ako.

Excited na ako.

~~~~~

Leave a comment and press ☆ to vote.

Road To ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon