"This is not a question but... Marry me."
"Marry you?" Nakataas ang isang kilay. "Magpropropose ka sa akin na walang singsing."
"Who told you I don't have?" May kinuha siya sa kanyang bulsa at isang singsing. Meron nga siyang dalang singsing. "Once again. Marry me."
Tumango ako.
"Yes, I will marry you because I'm still love you, Gio."
"Yes!" Sinuot na niya sa daliri ko ang singsing bago yakapin ako. "Thank you. And I love you too, Star."
Hinalikan na niya ako sa labi.
"Thank you for saving me."
"Sabi ko nga sayo gagawin ko ang lahat para sayo."
Nagdesisyon na muna kami ni Gio na libutin na muna namin ang flower garden. Napapahanga na talaga ako dito.
Napansin kong huminto siya sa paglalakad at nagtataka ako kung bakit siya nagulat. Ano ang nakakagulat?
"Mary?" Kumunot ang noo ko noong minention niya ang pangalan ng babae. Tumingin ako kung saan siya nakatingin. At nakita ko nakatingin siya sa isang babae.
"Who is she? Don't tell me your ex again."
Nagseselos ako. Ngayon ko lang ito naramdaman dahil ngayon lang ako nagmahal ng ganito.
"No, she is not. But she is my cousin."
Cousin ah? Talaga lang..
Tumingin rin siya sa akin at ngumiti.
"Don't tell me you're jealous?" Sinabayan pa niya ng tawa. "You are so cute. Pero wala naman dapat ikaselos."
Hindi na ako sumagot pa pero napapansin kong napating sa amin yung tinatawag niyang cousin.
"Gio?" Naglalakad siya papalapit sa amin. "Hey, Gio."
"Oh, hi, Mary."
"Musta ka na?"
"Ito ayos lang naman." Tumingin sa akin si Gio bago sa tumingin sa kausap. "Anyway, this is my fiancee, Star Sandoval."
"Oh God. Six years lang tayo hindi nagkita tapos ngayon may fiancee ka na."
Narinig ko ang pagtawa ni Gio. Ang sexy.
Ano ba itong naiisip ko?
"Of course. Ikaw pa nga nagsabi six years. Anim na taon na ang huling kita natin."
"Laki nang pinagbago mo. Dati lang wala kang pakialam nasa paligid mo."
"Long story short, insan." Kibit balikat na lang si Gio. "But people changed."
Mukhang nakalimutan nang lalaking ito na kasama niya ako. Mayhe he introduced me to her but he doesn't introduce her to me.
"Star, this is Mary Gabriella Austin. My cousin at ang pamilya niya ang may ari ng Austin Agency sa NY."
"Hindi naman sikat ang agency na iyon." Sabi noong babaeng pinsan daw niya.
"Wala naman akong sinabing sikat ang agency niyo." Sabi ni Gio sabay tawa pero napangiwi siya. Ayan, tawa pa. Alam naman niyang may sugat siya. Kung hindi lang kasi tanga.
Mukhang close ang dalawang ito.
Naglakad na ako palayo sa kanila. Kahiya naman kasi.
Blood's POV
Nakita kong naglalakad na si Star.
Napapangiti na lang ako dahil ang cute niyang magselos.
Isa lang ibig sabihin nito... talagang mahal niya ako.
"Nice to see you again, Mary. I have to go." Naglalakad na ako para habulin si Star. "Star, wait!"
Pero tuloy pa rin siya sa paglalakad para bang wala siyang naririnig.
"Star, talk to me... please." Hinawakan ko ang kamay niya para huminto siya sa paglalakad. Huminto na rin siya sa paglalakad. "Sabi ko sayo wala kang ikaselos."
"Sino ba nagsabi sayo nagseselos ako?" Inis na tugon niya sa akin. Halata naman kasi nagseselos si Star kanina. Hindi ba siya naniniwalang pinsan ko si Mary? Hindi naman ako babaero para maraming ex girlfriends. Isa lang ang naging ex girlfriend ko.
"Halata ka. Pero ang cute mong magselos. I think I should make you jealous more." Kunwaring magiisip ako pero humarap na rin siya sa akin. Sinumbagan ko siya ng halik. "I'm just kidding."
------
"Salamat naman may balak ka pang iuwi sa bahay ang kakambal ko." Tugon ni Gavin pagkasalubong niya sa amin sa tapat ng bahay nila.
Natatawa na lang ako. May balak pa naman talaga ako.
"Mukhang nagkaayos na kayong dalawa." Tumango ako sa kanya.
"And you are my future my brother-in-law."
"Bayaw ah? Bakit?"
"Nagpropose na ako sa kakambal mo."
Napatingin siya kay Star pero hindi naman maipinta ang mukha ni Star kay Gavin.
Binitawan na rin ni Star ang kamay ko sabay pasok sa loob ng bahay nila.
"Anong problema ng kapatid mo?"
"Alam kong galit sa akin ang kakambal kong iyon."
"If you don't mind me to ask. Bakit naman?"
"Hindi ko pinagutan ang kaibigan niya na kapatid ni Luke."
"Pinagutan? So, buntis siya." Tumango ito sa akin. "Kung ako ang nasa pwesto ni Star ay ganyan rin ang gagawin ko. Hindi naman kasi tama ang ginawa mo."
"Hindi pa kasi ako handa maging ama."
Pailing iling na lang ako sa komento niya.
"You still need to take the responsibility. Kung nalaman ni Lucas ang tungkol diyan magagalit rin siya sayo."
"Alam ko iyon. Pero ano ang gagawin ko?"
"Marry her." Sabi ko bago umalis na sa kanila.
Naisipan ko ang bumalik sa bahay para alamin kung buhay pa ang mga tao. Tsk.
"Gio." Niyakap ako ni mama pagkakita niya sa akin kaya lang hindi ko siya ginantihan ng yakap.
I hate my family.
"I'm not here to visit any of you." Nagalakad na ulit ako pero nakasalubong si papa. Ang sama ng tingin sa akin. "What?"
Imbes na sagutin ako ay isang malutong na sampal ang natanggap ko.
Palagi na lang ako sinasaktan kahit wala naman akong ginagawang mali.
"Tsk."
Nagsisi yata ako na pumunta pa dito.
Makaalis na nga.
Pagkalabas ko ng bahay ay nakita ko si Mary papunta dito.
"Nandito ka rin pala, Gio."
"Of course, but I can't tell you this is my house because this is no longer my house."
Kinuha ko na ang iniwanan kong kotse rito sa bahay. Nagmamaneho na ako palayo papunta sa warehouse.
Warehouse na ang naging bahay ko simulang umalis ako sa bahay namin.
Pagkarating ko sa warehouse ay walang tao na kahit sino.
"Magkakapahinga na nga muna." Humiga na ko sa sofa para makatulog saglit.
Kinagabihan,
Nagising ako sa ingay.
Oh shit.
Nandito na pala yung iba at ang iingay nilang lahat.
Gusto ko pa matulog pero mukhang malabo na.
Inaantok pa ako.
~~~~~
Leave a comment and press ☆ to vote
BINABASA MO ANG
Road To Forever
RomansaMafia Series Sequel Present: Road To Forever Paano kung kailan nagtapat na sayo ang lalaking mahal mo pero nireject mo lang siya para sa kapatid mo dahil ayaw mo makitang nasasaktan? You choose to be hurt for your younger sister. Meet Star Sandoval...