Chapter 1

4.9K 74 4
                                    

Star's POV

I got a call from Lucas kaya kinikilig ako. Yes, I have crush on Lucas. Pero na disappoint ako noong sinabi niyang may ibibigay siya sa akin.

Bakit ba ako umaasa na magtatapat siya sa akin? Ni hindi naman niya ako gusto.

Sino ba niloko ko?

Of course, sarili ko.

Galing, 'no? Tanong ko, sagot ko.

Ang sabi rin niya sa akin magkita daw kami sa garden ng university during my lunch break. He left me with no choice kaya napapayag na niya ako.

"Mukhang masaya ka ngayon." Beryl said. Kaibigan ko si Beryl, kapatid ni Lucas.

"Hindi ah. Nagiimagine ka na naman yata, Beryl."

"Ako? Nagiimagine? Magiimagine na lang ako ng love story namin ng kakambal mo."

I know Beryl has a crush on Gavin pero ang sabi ni Gavin wala siyang gusto kay Beryl the day he met her. Ayaw ko naman sabihin kay Beryl ang sinabi ni Gavin sa akin noon pero mas ayaw ko umasa ang kaibigan ko.

Ang pinaka ayaw ko ang maipit ako sa kanila. I love them both. Simulang mga bata pa lang kami ay magkaibigan na kami ni Beryl. Matanda lang sa amin si Beryl ng buwan.

"Sabay pala tayo maglunch." Pagyaya niya sa akin.

"Sorry pero may gagawin ako mamayang lunch." Pagsisinungaling ko.

"Gagawin? O baka naman may natanggap ka na namang sulat from your secret admirer. Iba na iyan, Star. Isusumbong na talaga kita kay tito Greg."

"Hey, wag mo naman ako isumbong. At saka wala naman ako ginagawang masama. Nirereject ko naman silang lahat because I want to graduate first."

"Ugh. Kahit rin ako gusto ko na rin grumaduate. Like duh, we're already twenty-two. Dapat graduate na tayo."

"It's not our fault, B. All the courses got F in Math. Alam mo naman kung gaano strict ang Math prof natin."

"Yeah. Matandang dalaga kasi."

Tumawa na lang ako sa komento ni Beryl.

Beryl and I are different course pero sabi ko nga bagsak kaming lahat sa Math subject kaya hindi kami nakagraduate last year. Hindi kami pinagbigyan man lang. Bwesit na matanda.

Pasalamat siya may respeto ako sa mga katulad niya.

Lunch break...

Pumunta na ako sa garden sa sinasabi ni Lucas. Dito rin kasi nakapagtapos si Lucas ng pagaaral kaya alam niya ang pasikot-sikot. Maswerte lang siya dahil hindi niya naranas ang nararanas namin ng kapatid niya.

Hanggang nakita ko na si Lucas nakatalikod.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Ayaw ko umasa.

"Hi, Luke." Humarap siya sa akin. Ang gwapo niya talaga.

"Hi, Star." Bati niya sa akin.

"Ano pala ibibigay mo sa akin?"

"Bago ko ibigay sayo may gusto akong ipagtapat sayo, Star." Nakita kong huminga niya ng malalim. Ano naman kaya ang ipagtatapat niya?

"Ano yun?" Takang tanong ko.

"Gusto kita, Star. No, I mean I love you. Oo, matagal na kitang mahal." Nagulat ako sa pagamin niya. Hindi ko inaasahan ang matagal ko rin gusto ay may gusto rin sa akin. Ito na ang hinihintay ko mangyari, eh.

Sumulyap ako sa gilid ng mata ko. Until I saw Skye was hiding behind the big tree. Nakikita kong umiiyak na rin ang kapatid ko.

Skye likes Lucas too. But I like Lucas as well.

I don't want to see my younger sister hurt. Gusto ko maging masaya siya kahit galit siya sa akin. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit galit sa akin si Skye at palagi niya rin niya ako iniiwasan. Masakit para sa akin dahil isa si Skye ang best friend ko.

I choose her happiness than mine.

We've been close back, then.

"Sorry, Luke. Matagal ko ng alam na may gusto ka sa akin pero hindi ko maibabalik sayo ang pagmamahal mo sa akin."

I lied. I choose Skye's happiness than mine.

"Bakit naman?"

"Ayaw ko kasing makitang malungkot ang kapatid ko. Dapat hindi sa akin manggaling ito pero alam kong may gusto sayo si Skye."

Nakita ko ang pagkagulat niya. Hindi niya alam. Obvious naman.

"A-Ayos lang." Ngumiti siya sa akin pero alam ko naman nasasaktan siya kahit rin naman ako.

Tumalikod na siya sa akin.

"Ang balita ko rin may balak sila dad na ipadala si Skye sa Canada pero tumanggi ang kapatid ko." Humarap siya ulit sa akin but this time, napalaki ang mga mata niya.

"Tell me, hindi magbabago ang isip niya, diba?"

Mabait na tao si Lucas kaya niya siguro natanong yun. Ayaw niya rin masaktan si Skye.

"I don't know, Luke. Hindi ko naman hawak ang isip ni Skye."

Hindi pa ako umuwi sa bahay kaya dito na muna ako sa garden nakaupo sa wooden bench.

"Bakit nandito ka pa, twinny?" Tumingala ako. Si Gavin pala ang nagsalita.

Pero ang baho niya.

Amoy pawis.

He is a basketball player

"Maligo ka nga muna! Ang baho mo!" Takip ko sa aking ilong.

"Sus. Ang arte mo, twin." Natatawang sabi niya. Proud pa siya pinapaamoy sa akin ang pawis niya. Leche.

Mamatay ako ng maaga nito.

"Maliligo ka o isusumbong kita kay dad." Panakot ko sa kanya.

"Heto na babalik na sa locker room para maligo na. Basta pagbalik ko mamaya sabihin mo sa akin." Tumango ako. Naglakad na siya pabalik sa locker room nila.

Tumingala lang ako sa kalangitan habang hinihintay ko ang pagbalik ni Gavin. Maswerte ako dahil nagkaroon ako ng kakambal na katulad ni Gavin.

Ilang minuto rin napansin ko ang pagbalik ni Gavin. Umupo na rin siya sa tabi ko.

"Ano problema, twinny?"

"Nag confessed sa akin si Luke kanina."

"Oh? Ano nangyari?"

"I rejected him. Alam mo naman gusto rin siya ni Skye. Ayaw ko makitang malungkot ang bunso natin."

"Iyan ang hirap sayo, Star. Yun na pero binitawan mo pa."

Alam rin kasi ni Gavin may gusto ako kay Lucas. Kinausap ko siya na wag niyang sabihin dahil kaibigan niya si Lucas.

"Alam mo naman gusto ko bumalik ang pagkakaibigan namin ni Skye. Gagawa ako ng paraan kahit masaktan pa ako basta makita kong masaya ang bunso natin, Gavin."

"Masyado ka kasi mabait, twinny. Tanda mo noong pinagalitan ni mama si Skye dahil nabasag niya yung vase pero inako mo na dapat kay Skye."

"I love Skye, Gavin. Handa akong protektahan si Skye. Like we promised no matter what happen we will protect our little sister."

Hindi nakasagot si Gavin. Siguro napaisip niya ang pinangako namin sa isa't isa noon.

~~~~~

This is Star and Gio's story.

Dapat next month pa pero bored na ako. 😪

-Skye

Leave a comment and press ☆ to vote

Road To ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon