Chapter 19

1.3K 28 0
                                    

Star's POV

Tumingin ako sa paligid pero hindi ko makita si Gio. Saan kaya iyon pumunta?

Nakita ko si Justin. Kaibigan ni Gio. Kaya lumapit ako sa kanya.

"Justin, nasaan si Gio?" Tanong ko sa kanya. Napatingin naman siya sa akin.

"He was there earlier.." Tinuro niya sa akin kung nasaan si Gio kanina. "But I don't know."

"Saan naman kaya pumunta ang kaibigan mo?"

"Baka mamaya babalik si Blood."

Alam kong nalulungkot si Gio pero hindi niya pinapakita sa iba.

"Subukan mo na lang pumunta sa labas baka nandoon siya ngayon."

"Okay. Thank you."

Nagmamadali na akong lumabas. Pagkalabas ko ay lumingon ulit ako sa paligid hanggang may nakita akong isang lalaki nakaupo sa isang wooden bench.

Lumapit ako sa kanya.

"You okay?" Inangat niya ang kanyang ulo para tingnan ako.

Sino ba niloko ko? Of course, he is not..

"I don't know, Star." Umupo ako sa tabi niya. "Maybe I hate my own father but still he is my father... It's too late to say sorry."

"Hindi pa huli ang lahat. Err.. Ang ibig kong sabihin kahit hindi mo na siya nakikita pero nandiyan naman siya para sa inyo."

Tumingin lang siya sa akin. Napapansin kong walang luha ang pumapatak sa mga mata niya. Pero pinapakita kung gaano siya kalungkot ngayon.

Iyon ang sinasabi ng mga mata niya ngayon.

Ilang araw na rin noong nilibing ang daddy ni Gio. Hindi ko kayang iwanan si Gio dahil alam kong nasasaktan pa rin siya sa nangyari.

Kinagabihan, nagulat na lang ako noong makita ko si Gio bumisita sa bahay kasama ang mama niya.

"Gusto ka kasi makilala ni mama. Hindi ko naman kasi alam na palagi kinukwento nito ni Justin ang tungkol sayo kila mama."

"Uh.. Come in." Pagyaya ko sa kanila.

Hindi lang talaga ako makapaniwalang kilala ako ng mama ni Gio. Limang taon ko na nakakausap si Gio pero hindi niya naikukwento ang tungkol sa pamilya niya. Noong kinuwento niya sa akin na may galit siya sa sarili niyang ama.

"Oh." Nagulat rin si daddy dahil may bisita kami. "May bisita pala tayo."

Lumapit si daddy sa amin.

"I'm Greg Sandoval. Father of Star.. Your son's fiancee."

"Clarisse Marcello. Gio's mother. Nice to meet you, mr. Sandoval."

Binigyan lang ni daddy ng isang tango. Narinig ko na tinawag siya ni mama.

"Greg.." Lumingon sa likod si daddy.

"Yes, hon?" Lumapit si daddy kay mama.

They are sweet as ever. Makikita talaga kung gaano kamahal ni daddy si mama kahit sila ay matatanda na.

"Mrs. Marcello, this is Yza. My beloved wife."

"Hi. It's nice to meet you."

"Likewise. And sorry kung hindi tayo nagkausap noong burol ng asawa ko."

"It's fine." Sagot naman ni mama.

"Ano pala ang sadya niyo rito?"

"Gusto lang namin na pagusapan ang kasal ng mga anak natin."

Road To ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon