Chapter 20

1.3K 30 1
                                    

Nakaupo lang ako sa harap ng salamin at inaayusan ako ng isang make-up artist.

Medyo kinakabahan nga ako. Hindi ko maintindihan kung bakit.

"You are so pretty, twin." Rinig kong sambit ni Gavin. Tumingin ako sa kanya.

"Matagal na akong maganda, twinny." Nakangisi kong sabi kaya inikot niya ang kanyang mga mata.

May narinig pa akong kumatok kaya binuksan na ni Gavin. Sina mama at dad.

"Mom. Dad." Sambit ko pagkakita sa kanila.

Hindi sumagot si dad dahil niyakap na lang ako. Ginantihan ko rin siya ng yakap.

"I know Gio is a good guy."

"Kaya niyo po ako pinamigay sa kanya."

"Hindi kita pinamigay, Star. Hindi na kami bumabata pa ng mama niyo para nandiyan palagi. At alam ko naman aalagaan ka ng maigi ni Gio."

"Sure, he is." Nakangiti na lang ako.

"Handa siyang ibuwis ang buhay niya para iligtas ka. Your ninong Zach was right. Makikita talaga mga mata ng batang iyon na handa siyang protektahan ka kahit takot siyang pumatay."

"Wag niyo pong sabihin sa akin na tinuruan niyo siyang pumatay."

"No, no. He is a gangster leader, Star. I'm sure he knows how to kill someone but he scared."

"Scared of what, dad?"

"He told me he killed someone before. Kaya hindi na niya magawang humawak ng baril simula noon pero noong nakidnap ka ng ex girlfriend niya ay nagawa niyang barilin."

Siguro kaya niya ginawa iyon dahil hindi inosente ang ex girlfriend ni Gio.

Niyakap ulit ako ni dad.

"I know Gio loves you, Star."

"Star." Tumingin naman ako kay mama noong tinawag niya ako.

"Yes, ma?"

"You are so pretty." May luha na ang pumapatak sa mga mata ni mama.

"Ma naman. Wag na po kayo umiyak. Papanget po kayo niyan." Pabiro ko. Pati tuloy ako naiiyak.

"Kahit umiyak ang mama niyo ay maganda pa rin." Hirit ni daddy.

"Bolero ka talaga, Greg."

"I'm telling the truth."

Blood's POV

"Take care of my twin sister. Lagot ka sa akin kung makita ko siyang umiiyak."

"I don't do that. I love your twin sister, Gavin."

"Good, then." Tinapik niya ang balikat ko. Pero tumingin siya sa likuran niya kung saan sina Lucas at dalawa niyang pinsan. "Have you seen those three?"

"Yes. Ano meron sa kanila?"

"Ethan and Nate treat my sisters like theirs. Si Luke naman asawa niya ang kapatid namin and of course, his childhood friend."

"Para kayong mga bodyguards ni Star."

"I don't want to see my sister cry. Mabait na tao si Star kaya madaling maloko pero may tiwala naman ako sayo. Kaya wag mong sirain ang tiwala ko sayo."

"Promise."

"Guys, get ready. The bride is here." Rinig kong sabi ng wedding planner.

Pumuwesto na ako malapit sa altar habang nasa tabi ko si Dark.

"Kinakabahan ka ba, Blood?"

"Sino ba naman ang hindi? Hindi naman talaga maiiwasan ang kabahan."

Road To ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon