Dark's POV
"Hi pogi."
"Wanna join?"
"My name is Yours, handsome."
Tsk. Naiinis na umalis ako sa pagkakaubob ko sa may lamesa nung restaurant sa baba ng hotel na tinutuluyan ng lahat.
I saw three girls na nakatayo sa may gilid ko at nakangiti ng mapang-akit. Pare-pareho silang panget. I gave them a glare saying MOVE-OUT. Tsk. Ang sakit pa ng ulo ko sa hangover tapos mga linta ang makakasama ko.
"Hard to please? I like that." Hindi na ako nagulat ng halikan ako nung isang babae sa may leeg. Psh. Inalis ko ang mukha niya sa leeg ko at tinitigan sya in a cold manner.
"Back off. I am married." Seryosong sabi ko. Bakit ba? Feel na feel ko kaya na isipin na asawa ko at akin lang si Yame. Iyon nga lang hindi natinag ang mga babae dahil tumawa lang sila.
Magsasalita na sana ko ng may nagsalita sa harap namin. I looked at her and doon ko nasabi na ang hot tingnan ng babae na simple at bagong gising.
"I am his wife. Go to hell." Napangiti ako ng hilahin niya ako palabas ng kainan at dinala sa kuwarto namin sa taas. Narinig pala niya ng sabihin ko na kasal na ako.
I gave him a cute boyish smile at napakamot ako sa batok ko. Binigyan nya lang ako ng tingin na parang sinasabi na wag muna akong magpacute.
"Hoy! Bakit aga-aga eh nakaganyankanglumabas?" Nakapamewang na sabi nya sa akin. Napatingin ako sa suot ko. Sando at simpleng shorts. Bagong gising. Malay ko ba na kahit hindi na nga ako nageffort na magbihis ay pagkakaguluhan pa ako ng mga babae?
Zitty's POV
"Hehehehe." Nangunot lalo iyong noo ko. At tinatawanan pa ako ng lokong Blackie na toh! Grr. Ano bang nakakatawa?
"Ano bang problema?" Seryoso rin niyang tanong sa akin. Anong problem? Tsk. Ano kayang mas maganda pa sa umaga na magising na wala sya sa tabi mo at pagkatapos ay makikita mo sa baba na may nakahalik na babae sa leeg niya? Sarcasm overload!
BINABASA MO ANG
Gangster Academy (Published Under Pop Fiction) Book One
ActionThe story about the heiress of the world's largest gang and her mission to be the top student without revealing her true identity. Your not so ordinary gangster story. Isang storya na puna ng aksyon, katatawanan, kaastigan, pa-cool na the moves at i...