Chapter 5: Zitty (The Start)

285K 6.5K 587
                                    

   

After one month: 

    

   

“Hay!” Poker face on. Sabi sa science class ko nung grade six ako, mahirap daw labanan ang gravity ng Earth. I doubt it. Mas mahirap kasi malaban ang gravity ng higaan. In short, nakakatamad bumangon pag nakahiga ka na.

 

   

 Nahiga kasi ako agad sa kama pagpasok ko pa lang sa kuwarto ko. Grrrrrrrr! Ang lamig talaga dito sa Japan.Oo! Nasa Japan ako ngayon! Actually, kadarating lang namin kanina kaya may-jet-lagged pa ako. So mas mahirap alisin ang likod sa kama.

It’s been one  month since the death of my parents. Hanggang ngayon wala pa ding nakakaalam kung ano at sino ang dahilan ng pagpapasabog sa bahay namin. Suspetsa ng mga pulis ay magnanakaw na hindi gustong magkaroon ng ebidensya. Pwes mga putangina nila at magbabayad sila. Lintek. Alam mo naman ang hustisya, idol si Pong Pagong sa bagal.

 

   

Masakit pa din hanggang ngayon pero tanggap ko ng wala na sila. I stopped my studies for now. Next semester na ulit ako papasok, for security purpose daw kasi sabi ni Lolo. Which is hindi ko alam kung bakit. May threat ba sa buhay namin? Tinanong ko naman si Lolo at ako po ay na ‘Hindi ko alam’ Statement.

  

   

Nga pala! Kaya ako nandito sa Japan kasama si Lolo ay.....

   

Ay.....

Ay hindi ko alam! Basta ang sabi ni Lolo may mga bagay daw akong kailangang harapin at malaman. Ano naman kaya yun?

  

    

“Apo, lumabas ka na diyan nandito na sila...” narinig ko si Lolo na tinatawag ako mula sa labas ng kuwarto ko. Eeeeee! Di pa ako nakakatulog ah! Ala-una na kami dumating dito sa Japan, wala pa akong tulog!

Pero teka? Ano daw? Sila? Eh sino naman kaya un? Tibay ah! Bilis bumisita. Ay eh sino bibisita eh wala naman akong kaibigan dito. Tsaka kararating ko lang kaya at last two years pa ung huling punta ko dito sa Japan. Wala akong natatandaang may naging kaibigan talaga ako. The who sila?

   

  

“Opo Susunod na tanda!” Inalis ko ung unan sa mukha ko at uupo na sana kaso.. Anubeyen! Sino ba kasing may sabing mahirap labanan ang gravity ng Earth? Eh mas mahirap labanan ang gravity ng higaan eh!

  

   

“Galit? Galit? Kailangang sumigaw?” Napailing na lang ako. Tunog bagets si Lolo. Hindi pa din naman ako bumabangon. Yinakap ko lang ung unan ko. Ang lamig! At isa lang ang masasabi ko.. Masarap matulog!

  

  

“Antok pa ako! Hindi ba pwedeng mamaya na lang yan?” Medyo naiirita na ako. Kasi naman magpapahinga na lang may bibisita pa.

Gangster Academy (Published Under Pop Fiction) Book OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon