Chapter 14: Game and Plan

263K 5.4K 981
                                    

"Ngayong lumayas na ang mga fans ng unggoy diyan at pati na din si Coldie, baka naman pwede na din kayong lumayas? Hindi kayo welcome sa bahay ko. Lalo ka na Dark." Tingnan mo itong babae na ito? Siya na nga pinagluto siya pa itong galit.


"Ano? Hindi mo man lang ba titikman ang adobo na ginawa ko? Natapunan ako ng toyo dahil diyan." sigaw ni Neon. I am used to call him Neon. Kapatid ko iyang baliw na yan pero hindi ko siya tinatawag na kuya. Never.


Tinitigan lang ni Nakahara ng masama si Neon. At muli, may naramdaman na naman akong malamig. Nakakatakot naman kasi talaga ang titig niya. Hinila ko na lang iyong si Neon palabas. Nakita ko pa nga na kinindatan niya si Zitty eh. Yuck. Type niya ba talaga ang ganoon ka-brutal na babae? Type niya talaga ang pusang iyon?


Pagdating sa bahay ng Black Squad Gang, pinalalayas ko na iyong si Neon. Wala akong balak makipag-kamustahan sa kaniya. Dapat nga hindi siya kasama sa bahay ni Zitty pero nagpumilit siya ng makasalubong ko siya kanina habang papunta doon.


"Hindi mo man lang ba ako papapasukin?" seryoso niyang tanong sa akin.


"No. Just go." Halata ang inis sa boses ko. Hindi kasi kami close niyan pero hindi rin naman kami magkaaway. Ginamit ko lang din siya kanina para hindi gaanong magtaka si Zitty sa pagsulpot ko sa bahay niya. Kaya pumayag ako na sumama na din siya.


"Ano ba talaga ang binabalak mo, Dark?" I heard him talk when I turned my back.


"None of your business." Hindi na ako nag-abala pa na lingunin siya.


"Sana lang wag mong saktan si Zitty. Mukha naman kasi siyang mabait." Napatawa ako sa sinabi niya. Si Neon? Nababaitan sa babaeng iyon?


"Oh c'mon! Sinong niloloko mo? Alam ko naman na nagagandahan ka dun sa pusang iyon. Kilala kita Neon, alam kong gusto mo lang i-kama ang estudyante mong iyon." That is the truth. This professor wants to fuck his students after all.


"Ang sa akin lang, hindi puwerka't hinamon ka niya eh lalabanan mo na siya ng pailalim." I smirked because of that. That sounds good.


"Gusto mo siyang ilayo sa mga balak ko? Gawin mo. To hell I care. Basta, ipapakita ko sa babae na iyan kung sino ang mas magaling." With that I closed the gate. Napangiti ako sa naiisip kong plano.


Ilalapit ko ang sarili ko kay Zitty. Naisip ko kasi na mahihirapan ako sa mano-manong laban. Magaling siya kahit na mahirap aminin iyon dahil masakit sa tanginang pride ko. Kaya, aatakihin ko ang kaisa-isang bagay na kahinaan ng lahat ng mga babae. Ang kanilang mga damdamin at puso. 


Pagpasok ko nakita ko si Louie Dang sa sala. Komportableng naka-upo sa sofa habang nakapatong ang dalawang paa sa center table. Agad naman niyang naramdaman ang presensya ko at tumayo.


"Yow! Men! Kamusta ka na?" ginawa namin ang hand sign namin. Hindi ko siya gang member. Best friend ko siya. Simula ata nang magkita kami noond grade school naging best friend ko na siya. It turned out that he is like me. A gangster.

Gangster Academy (Published Under Pop Fiction) Book OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon