"Ayokong kapartner ang isang taong puro libag." protesta ko kaagad. Napangisi ako sa naging reaksyon ni Dark. Halos hindi siya makapaniwala na iniinsulto ko siya. Epic eh. Pakiramdam ko pinapatay na ako nito sa imagination niya.
"So, feeling mo gusto kitang kasama? Eh allergic ako sa pusa." Hindi papatalo sa asaran at barahan ang loko. Akala naman niya papatalo ako. Kung may titulo lang ang pambabara baka ilang beses na akong nakoronahan.
"Ma'am! May narinig kayo? Para kasing may daga na nagsasalita." banat ko na naman. Boom. Pinipigilan ko ang sarili ko na tumawa ng sobrang lakas. Sobrang inis na ni Dark. Kulang na lang magtransform ito sa pagiging incredible hulk eh.
"Ikaw na babae ka! Bugbugan na lang oh!" sabi ni Dark habang tumayo siya at pinapatunog ang kamao niya na handa na atang manuntok. Napaismid na lang ko. Guys and their way of saying they are dominant. It sucks.
"My pleasure." Ngumisi ako sa harap niya. I gave him a mocking look. Natalo ko na siya dati, matatalo ko din siya ngayon. Nahawi ang mga estudyante at pinalibutan kami. Lahat sila ay sabik sa mangyayari.
"Fight! Fight! Fight!"
"Pare, ang ganda talaga ni Zitty. I wanna kiss her."
"Go! Talunin mo iyang malandi na yan!"
"Beat that pussy, pare. Landi lang talaga hanap niyan!"
"Nakakadiri siya, Papa Dark. Talunin mo na siya!"
Nainis na din ako. Anong karapatan nila na pagsalitaan ako ng ganyan? I am not a fucking robot para hindi masaktan sa mga sinasabi nila. Naikuyom ko lalo ang mga kamao ko. Nagkakainitan na ang lahat ng biglang marinig namin ang pagsuntok ng isang tao sa glassboard ng room.
Gulat na napatingin kaming lahat sa harap. Si Ma'am. Hala. Nakangiti. Happy na may nag-aaway? Weird nito. Sinuntok niya ang glassboard. Wow. Astig. Ano kayang feeling ng ganoon? Ito na naman ako at ang salitang 'curioustiy'.
"Nakahara at Lee!" Hindi ko pinansin si Ma'am. Hindi ko rin pinansin ang tingin ni Dark.
"Para kayong mag-asawa kung magbangayan. Manahimik nga kayo!"
Gaano kaya kakapal ang glassboard na iyan?
"Ano?! Ma'am hindi ako pumapatol sa pusa."
Ang astig kasi noong pagkakasuntok ni Ma'am. Nagkaroon ng basag iyong board.
"Bakit? Bagay naman ah! Di ba ang pusa takot sa tubig. Ibig sabihin hindi ito naliligo madalas. So, marami itong libag. Compatible pala kayo ni Miss Nakahara. Perfect combination."
Waa. I wanna figure out the feeling. I wanna! I wanna!
"Wow! Oo nga! Tama si Mam! Tama siya, Dark. Astig kayo, Ma'am!" Parang may naririnig akong mga classmate ko na masaya pero hayaan mo na sila. Wait. Ano kayang ipang-su-suntok ko? Kaliwa o kanan? Pwede kayang sabay? Ay wag na. Kaliwa na lang.
BINABASA MO ANG
Gangster Academy (Published Under Pop Fiction) Book One
ActionThe story about the heiress of the world's largest gang and her mission to be the top student without revealing her true identity. Your not so ordinary gangster story. Isang storya na puna ng aksyon, katatawanan, kaastigan, pa-cool na the moves at i...