Biglang nag-init ang pisngi ko ng maalala ang pangyayaring iyon. Mas lalo pa akong nailang ng maramdaman ang pagtitig sa akin ng matagal ni Mr. Milagro.
"Will you stop staring at me?! Staring is a crime, Mr. Milagro!"
"Staring is like caring you know." sweet na sabi niya sa akin. Nangilabot ako. Takte. Kadiri.
"I don't care. Stop staring!" sigaw ko na naman. Oh lupa. Bumuka ka at ibaon ang lalaking ito. Parang awa mo na.
Ano ngayon kung ako nga at siya nga ang nakita ko sa park? May magbabago ba na nag-naked run siya sa loob ng bahay ko? Naiilang nga ako sa paraan ng pagtitig niya. Para akong specimen sa ilalim ng microscope na inoobserbahan.
"Bakit? Tinitigan mo din naman ako noong nasa puno at kaninang malaglag ang kumot to expose my------" Nagulat na lang ako sa ginawa ko at hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil mabilis pa sa isang segundo na nilakbay ko ang pagitan naming dalawa to give him a punch! Naramdaman kong namumula ako. Bwisit! Kailangang ipaalala!
My eyes grew big! Shit. Wrong move. Nabitawan na naman niya ang kumot na gamit niya at ang masaklap pa nito, nakahiga na siya sa sahig ngayon at walang malay tapos nakatihaya pa. Dugo pa ang ilong. Sayang matangos pa naman. But most of all, dali-dali kong kinuha iyong kumot at tinakluban siya mula ulo hanggang paa.
Anong gagawin ko? Paano ko ilalabas yan? Hihilain ko palabas? Para naman akong pumatay ng tao. Papuntahin ko kaya fans nito? Baka awayin ako at sabihin sinamantala ko yang taong yan.
Isip. Isip. Isip. Pero, teka. Sino ba ito at ba't may fans siya sa loob ng academy? Estudyante kaya siya? Hindi kaya kalaban din siya? Ang dami kong tanong. Tsaka na yan. I dialed a number. I need her now.
I called Coldie. Nakailang ring na at narining ko na ang sikat na Unattended daw. Nainis lang ako, Ano ba itong babae na ito? Emergency ang isang ito! I dialled her number again. Kung kelan na kailangan tsaka ang tagal naman na sumagot. Natuwa ako ng sagutin niya ang tawag.
"Go here." Pinatay ko kaagad ang tawag ko kay Coldie. Wala ng 'Hello', 'Goodbye', at 'Ingat'. Katamad. Sayang laway. Sayang effort.
After five minutes, may malalakas na katok akong narinig sa pintuan ko. Napa-ngiwi ako. Ang lakas naman ata masyado ng pagkakakatok ng isang iyon at para naman may galit sa pinto! Grabeng makakatok! I opened the door at sino pa ba kundi ang isa na namang may sira sa utak ang nasa labas. Napa-poker face ako kaagad.
"Paano mo nalaman na nandito ako?" I said coldly. Badtrip ako sa isang ito. Kasi parang naging maamong tupa na may mga flower backgroud at rainbow. Nagpapacute ang potek.
"Sorry na, Cousie." Kadiri 'toh. Feeling ko kinilabutan ako sa ginawa ng isang ito kasi kasabay ng paghingi niya ng sorry is nag-kurap-kurap pa ang mata with matching pouting of lips.
"Yuck. No. Go." Diniinan ko lahat ng letra ng sinabi ko, malay niyo masindak. Baka naman may utak pa din itong taong ito para malaman na ayaw ko.
BINABASA MO ANG
Gangster Academy (Published Under Pop Fiction) Book One
ActionThe story about the heiress of the world's largest gang and her mission to be the top student without revealing her true identity. Your not so ordinary gangster story. Isang storya na puna ng aksyon, katatawanan, kaastigan, pa-cool na the moves at i...