Chapter 46.5

123K 2.7K 422
                                    

Zitty's POV

  

  

"Why?" Nakita ko ng magulat ata si Archie ng biglang magtanong sa may likuran niya si Thres kaya para siyang hindi mapakali na humarap sa dito. Ang lakas kasi ng pagkakasabi ni Thres ng WHY kaya ng matanggal ko ang piring ko ay napabaling sa kaniya ang mata ko.

  

  

"Pucha naman Thres! Ikamamatay ko yang pagmumukha mo!" sabay tawa naman ni Archie pero halata mo sa tawa niya na may kakaiba. Napatingin tuloy ako sa spot na tinititigan ni Archie kanina. Wala naman akong nakitang kakaiba.

      

    

"May problema ba?" Napansin din pala ni Dark ang pagiging maputla ni Archie kaya nag-usisa na rin ito. "Mukha kang nakakita ng multo sa putla mo."

  

  

"Wala.. HAHAHAH! Ano ba kayo wala nga. Nakakita lang ako ng dyosa! HAHAHAH! Tara na! Next challenge na!"  Hindi naman na nag-usisa si Thres at si Dark. Nagsimula na din ang ibang grupo sa pagsasagawa ng Archery challenge. Well, knowing Archie.. baka nga mamutla siya kung makakakita siya ng magandang babae at napakababaero niya. Minsan lang yan mka-appreciate ng true ganda.

    

   

Pinanuod ko ang pagtira ng pana ng mga kalaban namin habang si Dark ay katabi ko sa upuan for the groups na natapos na at naka-akbay sa may balikat ko.

  

  

"Zitty.." After a while ay narining ko na bumulong siya sa akin. 

  

  

"Hmmm..." Hindi ko inalis ang tingin ko sa grupo ni Coldie. Sila na kasi ang sunod na gagawa ng challenge. In fairness naman kay Coldie, magaling siya. 

  

   

"Anong oras na ba?" saglit na sinulyapan ko siya. Duh? Napatitig ako sa may wrisk niya. Anong silbi niyang orasan na yan? Don't tell me hindi siya marunong magbasa ng roman numerals?
  

   

"9 AM na." At bumaling na lang ulit ako sa pagtira ni Coldie matapos ko icheck sa phone ko ang oras. Nice shot! Bullsye ung last na tira! 

   

  

"Ahh.. Ganun ba? Akala ko kasi 4o'clock na." I looked at him. Pucha? Seryoso ba to? Wala pa ngang tanghalian tapos hapon na agad?

  

   

"Pinagsasasabi mo dyan?" Napataas ang kilay ko kasi tumayo siya at tinalikuran ako bago nagsalita.

  

   

"Eh kasi nga... You are FOUR me!" sabay lakad papalayo.

  

   

Did he just told me a pick up line? Si Dark? Uso sa kaniya ang mga banat? O///o?

Gangster Academy (Published Under Pop Fiction) Book OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon