Chapter 1: Zitty

480K 9.5K 2.3K
                                    

Huh? Nasaan ako? Napatingin ako sa paligid ko. I find it amusing yet confusing. Ang alam ko kasi nasa kuwarto ako kanina tapos? Paanong napunta ako dito?

 

  

I am in a mirror house. Alam niyo ba iyon? Iyong tipong ang daming mga salamin sa loob ng isang kuwarto na parang ang dami mo kasi nagrereflect ung sarili mo sa salamin. Nakakmangha pero nakakatakot. Bakit ba kasi ako nandito?

 

 

Naglakad ako papasok pa sa loob ng kuwarto na iyon. Atras abante ako. Nakakatuwa. Habang nagtatagal ako sa loob ng silid ay parang napapanatag ang kalooban ko. Nakakatuwa na makita ang sarili mong reflexion kahit medyo creepy na ang dami mong tingnan. Umatras pa ulit ako ng bigla akong may masagi. Wengya! Makakabasag pa ata ako ng hindi oras!

 

  

“Sorr—”

 

  

“Sorry!” Huh?! Napalingon agad ako sa likod ko. Paglingon ko. Anak ng alimangong bakla! Nanlaki ang mga mata ko kasi astig! Ung reflextion ko nagkabuhay tapos nagsalita din? Huh? Teka? Totoo ba un? Reflexion ko nagsalita? Tapos ako lang ba o parang bigla siyang naging tubig? Alam mo yon? Parang ung katawan niya naging made of tubig ---

  

   

SPLASH!

    

    

“What the?!” Napabalikwas talaga ako ng bangon ng maramdaman ko ang tubig na sobrang lamig ang biglang nabuhos sa akin. Biglang nawala ung babaeng kamukha ko sa harap ko. Panaginip! Pero ang hindi panaginip ang tubig na malamig na tumama sa akin. Ung feeling ko nalunod ako sa pagtulog?  Nagtatalon talon pa nga ako sa kama sa sobrang lamig! Grabe! Galing bang North Pole ung tubig? Tapos diniliver ni Santa para lang gisingin ako?

   

   

Tiningnan ko kung saan nanggaling ung tubig and I saw him. "LOLOOOOOOOOOOOO!" Grabe! Utang na loob? Wala talaga akong matinong gising dito sa Nakahara Residence! Sinong matinong Lolo ang bubuhusan ng tubig ang apo bilang wake-up call? Wala! Dito lang yan! Only in my HOME!

    

   

"Bangon na apo! Daily exersice na!" sabay hagis sa akin ng katana. Agad ko namang nasalo ito at sa isang kisap mata ay inatake si Lolo. Ganyan talaga kami tuwing umaga. Naglalambingan! Unique ba? Not really! That is what we called daily activities.

 

    

"Mukhang bumabagal ka na, Tanda!" sabay ngisi ko. Magka-cross ang katana naming dalawa buong pwersa na pinipigilan ni Lolo ang atake ko.

  

"Hindi din, Apo." tugonniya sa akin. Nagulat ako ng bigla akong tapakan ni Lolo sa paa sabay balya sa akin sa may side table. Shit! That hurts! Napatingin ako sa binagsakan ko. Sa isang iglap, basag lahat ng picture frame ko pati na din lamp shade! Pero wala kaming paki-alam, tuloy ang laban!

  

   

Sinipa ko ang unan kong nalaglag sa sahig pataas at pinaghihiwa ko. Nagkalat sa kuwarto ko ang mga nagliliparang balahibo ng manok? Ibon? Basta! Feather Pillow gamit ko eh. Eh sa hindi ko alam kung anong ibon ang pinatay para sa unan na yan! Wala na akong pake dun basta may unan. Basta may matulugan!

  

Ginamit kong cover-up ang mga nagliliparang balahibo para hindi makita ni Lolo ang next na atake ko. Nakita ko siyang umalis sa pwesto niya at tumakbo pa-kaliwa. Lagot ka sakin!

  

Agad ko namang inihagis ang katana ko papunta sa kaniya. Balak ko siyang patamaan sa braso! BLAG!  

   

"Arghh! Sayang!" HIndi kasi tumama sa braso ni Lolo kundi sa tela lang ng pantulog nito sa may bandang likuran.

  

  

Bigla namang bumukas iyong pintuan ng kuwarto ko at pumasok si Yaya. May dalang tambo at dust pan. Lilinisin na niya kasi iyong mga nabasag. Araw-araw naman na basag ang lamp shade ko at frames kaya nga araw-araw may deliver sa bahay ng bagong lamp shade at frames. Hindi problema ang pera samin. Mayaman eh.

  

  

"You're doing good, Apo." sabi ni Lolo habang tinatanggal ang pagkakatusok ng katana ko sa damit niya at sa may wooden door ng closet ko.

  

  

"But not us good as you, Lolo." Niyakap ko siya. Ginulo lang nito ang buhok kong basang-basa at lumabas na sa kuwarto ko and back to the real happenings in my normal life. Kailangan ko ng pumasok sa school. Kung inaakala niyong first day ng klase, well you are wrong. Laging first day ng klase pag start ng story ganon? Ibahin naman gawin nating second day! Bwahahaha!

  

    

Naligo muna ako. Sinabon ang dapat sabunin. Kinuskos ang dapat kuskusin. Main goal? Alisin ang libag at iba pang dead skin cells. Para saan pa at naligo ka kung hindi mo gagalingan ang pagkuskos sa katawan mo.

  

  

Ops! Di niyo pa ako kilala di ba? Okay. Papakilala ako habang naghihilod nang hindi sayang ang oras. Time is time and not gold. Edi sana kung gold yan wala ng naghihirap na tao.

  

  

Name: Zitty Gabrielle Nakahara

Gender: Female

Age: 19

Hobbies: Martial Arts, swimming, eating, gun firing, studying at...  ETC 

  

  

Ano pa ba? Anak mayaman ako. Basagulera pero definitely not a gangster. Yun lang.. Boring ng profile ko nuh? Care mo naman! Taray?

  

   

Nang matapos na akong maligo. Bumaba na ako. Naabutan kong nag-aalmusal na si Lolo. Uupo na sana ako pero, tulad ng dati.

  

  

"MA'AM!" sigaw ng isa naming katulong. I'm pretty sure bago lang ito. Nagulat kasi siya sa ginawa ni Lolo. Ibig sabihin hindi ito sanay sa aming dalawa. At tama nga ang hinala ko? Bakit? Biglang hinimatay! Lagapak sa sahig! Nyaks! Baka naman ako sisihin niyan sa sobrang shock niya.

  

Ano nga ba ang ginawa ni Lolo? Well, hinagisan niya ako ng tatlong kutsilyo ng sabay-sabay. Pero siyempre nakailag ako.

  

  

"Now, that's how to great good morning, Zitty." He smiled to me. Binuhat ko naman ang isa sa mga silya at hinagis ito sa kaniya. Nailagan naman niya ito at tumuloy lang sa pagkain.

  

  

"Same here, Old Man."  I smiled too. Galing no? That is how we greet each other. And to be precise that's how my days always start.

Gangster Academy (Published Under Pop Fiction) Book OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon