Zitty's POV
Napatingin ako sa lalaking humawak sa kamao ko. Nanlaki ung mata ko sa gulat at pagkatapos ay unti-unti akong napapoker-face. Parang ayokong maniwala na secret school ang GA kasi may lampa na nakatayo ngayon sa harap ko!
Paano yan napunta dito? Wag mong sabihing student yan dito? "Oo nga eh.. Nakakita ulit ako ng bakla na lampa." tapos inagaw ko iyong kamao ko sa kamay niya.
“Anong sinabi mo?!” Ayan na naman po tayo. Bingi-bingihan mode na naman.
"Isang buwan na mula ng binugbog kita,tagal na nun ah! Hanggang ngayon hindi ka pa naglilinis ng tenga? BInge ka pa din!" Tinalikuran ko na siya. Tss. Nawala na ako sa mood maggala. Mapanganib pala talaga dito kasi madaming naggagala na baliw.
“Wag mo akong tatalikuran pag kinakausap kita!” Hindi ko na siya nilingon. Bakit ganon? Akala ko babae lang ang may regla hindi kaya isa siyang The Chosen One? Daig pa niya may regla kung makasigaw. Bwisit. Bad mood ako! Kakain na lang siguro ako sa----
“Aray!” Pucha! Napahawak ako sa batok ko! Bwisit! I looked back and glare at him! Nakangiti naman siya ng nakakaloko. “Ano bang problema mo ha?! Bakit mo ako binato?!” Lumapit ako sa kaniya at naniningkit na ang mga mata ko sa galit.
"It is prohibited and lack of respect to turn back, lalo na sa Top Student ng GA!" Tapos nagsindi siya ng cigarette. Ah so kailangang mambato ng kung ano ano kapag Top Student ka?! Putangina niya!
"Wala akong pakia---Ano? Paulit? Ikaw? Top Student?" Joke ba ito? Si Lampa? Top student? Wait! Sinampal ko ang sarili ko. Ouch. Masakit. So totoo nga? Top student si Lampa!
"Yes! Kaya ako ang boss dito! At isa sa mga utos ko ang pagkawala ng mga asungot na katulad mo!" He even game me a deathly glare. Feeling naman niya nakakatakot siya? Asa!
"Paalala lang. Wag na wag mong babanggain ang grupo ko at ako babae ka. Hindi kita sasantuhin! At isa pa wag mong sasabihin sa iba ang ginawa mong pambugbugbog sa akin kasi tsamba lang yon!" Sus! Denial na natalo ko pero kung tutuusin bago pa pala ako pumasok sa GA ay natalo ko na ang TOP STUDENT nila. Galing ko talaga!
"Good then." Lumapit ako sa kaniya. I smiled. A sweet smile. May naisip ako. Makapang-asar nga. “Alam mo, pakasaya ka na diyan sa pwesto mo Mr. Lampa kasi aagawin ko yan. Kaya tandaan mo ang pangalan ko Zitty Gabrielle Nakahara, yan ang pangalan na hihila sayo pababa." Naka-smirk na sabi ko. Maasar ka dali para tatawanan kita! Mwahahahaha!
BINABASA MO ANG
Gangster Academy (Published Under Pop Fiction) Book One
ActionThe story about the heiress of the world's largest gang and her mission to be the top student without revealing her true identity. Your not so ordinary gangster story. Isang storya na puna ng aksyon, katatawanan, kaastigan, pa-cool na the moves at i...