Hangang kailan?(one shot)

122 1 0
                                    

Mula nang maging Tayo palaging ikaw na ang nasa puso at isip ko.

Yun bang sayo nalang umikot ang mundo ko; mundo ko na inangkin ng mga masasayang ala-ala habang magkasama tayo.

***************

Ngunit bakit ganun? paglipas ng mga buwan parang nagbabago ka,

nagbabago na madalang magtext at magpakita.

Hanggang dumating sa ponto na hindi na kita maramdaman,

wala na wala kana talaga, iniwan mo ako sa ere,nakanga-nga at wala man lang iniwan na salita na Hintayin mo ako.

***************

Lumipas ang taon nalaman ko na nakasakay ka pala sa barko at dun ko din nalaman na nakababa ka na pala.

Muli kang nagparamdam at inulit mo nanaman ang salitang Mahal kita .

Hindi ko maipaliwanag pero bigla akong sumaya dahil alam ko sa puso at isip ko na babalik ka. Malapit na kitang makalimutan pero minahal na naman kita

Sa una sabi ko magtitira ako para sa sarili ko dahil baka iwan mo ulit ako, pero nabigo ako dahil buong pagmamahal knd binigay ko nanaman sayo at wala ni isa ang tinira para sa sarili ko. Ganun talaga siguro pag nagmamahal hindi mo madiktahan ang puso.

***********

Lumipas nanaman ang araw, buwan at taon nagbabago ka nanaman hindi ko seneryoso ang pagbabago mo dahil sa pangako mong mahal mo ako

Pero nabigo ako dahil dumating yung araw na kinatatakutan ko.. Inulit mo ulit ang ginawa mo.

Sumakay ka sa barko.

Hindi ka nagparamdam, walang text,tawag at walang salitang narinig mula sayo na Hintayin mo ako.

Ang sakit sakit.. sobrang sakit dahil nabigo na naman ako, Paano mag move on kung ikaw hindi mo sinabing goodbye .. sabi nila Bakit kailangan pa ng closure kung alam mo na wala na talaga.. pero bakit ganito? hinihintay ko pa din sya at muling bumalik. :(

Tanga ba pag ganun? :(

Hangang kailan?(one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon